Chapter 20

9.4K 320 20
                                    

Facebook: Delphanie WP

**************************************

Pinayuhan ako ni Val na magdala ng 5 inches na sapatos kaya naman pagkauwi ko sa bahay ay agad akong naghanap ng sapatos na may limang pulgada. Ngunit kung minamalas ka nga naman, wala akong stiletto heels na 5 inches!


Lumabas ako sa kwarto ko at nagpunta sa kwarto nila Mommy. Hindi na ako kumatok pa, agad akong pumasok. At naabutan ko silang dalawa na nagkukulitan sa kama na parang mga teenager na bago sa larangan ng pag-ibig. Napatigil ang mahihina nilang pagtawa. Tumingin ako sa isang maliit na kama sa loob ng kwarto nila Mommy, at nakita kong tulog na ang bunso kong kapatid.


Kaya naman pala ang hina-hina ng boses at tawa nila Daddy at Mommy!


Umayos sila ng pwesto at agad na nagbigay ng space sa gitna nila. Alam na alam nila na kapag pumupunta ako dito ay sa pagitan nilang dalawa ako hihiga. Lumapit naman ako at sumampa sa kama. Ginawa kong unan ang braso ni Daddy habang si Mommy naman ay yumakap sa akin.


"What do you need?" Tanong ni Daddy. Nilingon ko siya at tiningnan ng mata sa mata.


"Kapag po ba pupunta ako dito, may kailangan na agad? Hindi ba pwedeng namimiss ko na po kayong katabi?" Ngumiti ako at narinig ko ang pagtawa ni Mommy.


"Andrei naman kasi! Namimiss lang tayo ng dalaga natin." Sabi ni Mommy. Tumingin ako kay Daddy at nagtoungue out sa kanya. Tumawa si Daddy at yinakap niya kami ni Mommy kahit na hindi na masyadong maabot ng braso ni Daddy si Mommy.


"I'm just kidding, Jess. I miss our daughter, too." Naramdaman ko ang paghalik ni Daddy sa aking buhok kaya naman yumakap ako sa kanya.


Mahal na mahal ko si Daddy dahil mas kakampi ko siya kaysa kay Mommy. Lahat ng gusto ko simula noon ay ibinibigay niya. Sabi niya kasi ay malaki ang pagkukulang niya sa akin at hindi niya ako naalagaan noong infant pa lang ko. Kaya naman ngayon, kahit na magtatapos na ako ng high school, ay todo pa rin ang pagbibigay niya sa akin ng mga hinihiling ko.


Kaya nga kapag tumatawag sa akin si Mommy at sinabi niyang nasa ospital sila gawa ni Daddy, agad akong nagpapasundo sa driver namin at iiyak na lang ako basta. Mahal ko rin naman si Mommy, parehas sila ni Daddy.


"Mom, you have stiletto with 5 inches heels?" Pag-iiba ko sa usapan. Kumalas ako sa yakap ko kay Daddy at bigla siyang tumawa.


"You see, Jessica. Your daughter needs something, kaya naglalambing!" Tukso ni Daddy habang tumatawa. Alam kong biro lang ang lahat kaya balewala lang sa akin.


"Shut up, Andrei! Meron dyan anak, kaya lang hindi ako sigurado kung 5 inches nga siya." Nakatanggap pa si Daddy ng palo kay Mommy sa braso bago tumayo si Mommy at pinuntahan ang walk-in closet nila sa kwarto.


Inggit na inggit talaga ako sa kwarto nila Mommy lalo na sa walk-in closet nila. Ang laki nito, at punong-puno ng mga damit at sapatos. May suit and tie na iba't-iba ang kulay, may ilang gown, isama mo na rin ang iba't-ibang sapatos nilang dalawa. Tinanong ko noon si Mommy, kung bakit hindi walk-in closet ang nasa kwarto ko. Ang sagot niya, "Saka ka kapag may asawa ka na!"

ALEXISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon