Chapter 14

10.4K 370 36
                                    

Wala ako sa aking sarili habang naglalakad palabas sa office ni Miss Menchie. Mas pinauna niyang umalis ang mga lalaki dahil nag-usap pa kami ni Miss para sa pageant na paghahandaan ko. Para akong lumulutang sa ere at halos hindi ko maramdaman ang aking inaapakan dahil sa pag-iisip sa sinabi ni Caleb Ezekiel.

Parang dinudurog paunti-unti ang puso ko! Pumayag ako sa halik at hindi ko man lang naisip na baka nga, may kinalaman ang girlfriend niya sa pagtulong sa akin!

Ang tanga mo, Alexis! Ang tanga tanga mo! Ni hindi mo man lang naisip na nasa paligid nga lang pala ang girlfriend niya! Ang assuming mo kasi! Sobra!

Patuloy kong minumura ang aking sarili habang naglalakad palayo sa office. Ngunit mas lalo akong napamura ng biglang may humigit sa braso ko.

"Fvcker!" Hindi ko ugali ang magmura, sadyang nagulat lang talaga ako nang may biglang humila sa braso ko. Halos mapamura ako ng sobra sobra nang makita ko ang taong humila na lang basta sa akin at ipinasok ako sa room na walang tao.

"Babe, look I'm sorry. Please let's get back together." Gustong-gusto kong sampalin si Harry ngayon. Matapos nang gulong sinimulan niya, ito ngayon siya sa harap ko nagmamakaawa na bumalik ang relasyon namin.

"I'm just too jealous. Natatakot ako na baka gawin mo rin sa akin ang ginawa mo nakaraan mo –"

"What the! After the trouble you caused last night, heto ngayon at gustong makipagbalikan sa akin?! Baka nakakalimutan mo ang mga sinabi mo tungkol sa akin. At isa pa, hindi ko ugali ang makipagbalikan sa itinapon ko na!" Gigil na gigil na pgkakasabi ko. Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa makabila kong braso. Galit na lang ang tanging natitiran damdamin ko sa kanya.

Nakakapagtaka nga na naisip ko noon, na kailangan ko ng seryosohin itong si Harry! Buti na lang pala at hindi ko ginawa.

I know I've been to this kind of situation before, more than a couple of times. Pero ngayon lang talaga ako nagalit at nainis nang sobra. I wanna slap him so hard para makaganti man lang sa masasakit na salita na sinabi niya sa akin nung gabing iyon, but I know kulang ang pisikal na pananakit ko para lang makaganti. Dahil wala nang sasakit pa sa mga salita na nabitawan na nang isang tao!

"Look, I know I've been a jerk –"

"You're a jerk from the very beginning. Please don't state the obvious!" Inirapan ko siya at saka tinalikuran. Ngunit hindi pa ako nakakalayo at biglang hinila na naman niya ako. This time marahas ang pagkakahila niya at isinandal niya ako sa pader. Diretso kong tiningnan ang mga mata niya at nakita ko ang galit dito. Alam kong nagpipigil siya ng galit and I don't care! Wala akong pakielam kung magalit siya sa akin. Hindi dapat ko magpakita ng takot sa kanya kaya pinantayan ko ang galit ng mga mata niya.

Nagtitigan kami habang nakataas ang kaliwa kong kilay.

"Kung wala ka ng sasabihin, excuse me but I really have to go. You're wasting my time!" Muli ko siyang inirapan saka ko inalis ang kamay niya sa braso ko. Tinalikuran ko na siya. What's done, is done! At wala na akong balak pang balikan ang lalaking ito.

"Alexis, mag-usap tayo nang maayos!" Umalingawngaw ang sigaw ni Harry sa buong room. Nakaramdam ako ng mumunting kaba dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. Kung kanina ay medyo malumanay ang boses niya kahit galit, ngayon ay alam kong hindi na niya maitago pa ang galit niya. Isa pa, alam kong naiinis na siya.

ALEXISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon