Chapter 34

4.6K 159 55
                                    


Pinakita sa akin ni Tita Arra ang mga gagawin ko for one week stay ko dito sa Pilipinas. Ngunit may ilan akong hindi ko nagustuhan, katulad ng shopping. Sayang ang oras ko, marami na rin akong gamit. After one week, balik US na agad ako for my graduation. Pinipilit ko si Mommy na sumama sa akin pabalik para sa graduation ko, ngunit alam kong gusto niyang manatili dito sa Pilipinas dahil birthday ni Daddy sa mismong graduation ko.


"Are you ready?" Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Sa edad kong 22, ang dami na talagang nagbago. Natuto na akong mag-ayos ng kilay, at maglagay ng make-up.


Tumango ako bilang tugon kay Mommy. Parehas kaming nakaputi ganun din ang aking kapatid na bunso. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Pinaghalong saya at lungkot.


Pumasok ang sasakyan nila Tita Arra sa isang malaking gate na may estatwa sa gitna. Tila kalayaan ang sinisigaw ng estatwang tao. Ang ganda tingnan ng malawak na lupain na napupuno ng berdeng damo. Ngunit sa kagandahan nito ay may mga marble na parisukat ang hugis at nakabaon sa lupa. Tumigil kami sa isang lugar. Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan habang bitbit ang bulaklak na iaalay ko sa kanya.


Habang papalapit ako sa kanyang kinahahantungan, doon ko napagtantong hindi ako masaya. Hindi! Sa apat na taon na lumipas, hindi ako naging masaya. Maaaring marami akong nakilala sa amerika at maraming masayang nangyari, ngunit sa puso at isip ko, alam kong hindi ako masaya. At sa apat na taon na lumipas, dala-dala ko ang bigat ng pagkawala niya.


Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Hindi ko kayang pigilan ang lungkot at galit na aking nararamdaman! Inilapag ko ang bulaklak sa lapida ni Daddy at hindi na ako nakatayo dahil sa panghihina na aking naramdaman. Wala akong gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak.


"Anak... Alexis," Hindi ko nilingon si Mommy. Ayaw kong makita niyang nasasaktan pa rin ako!


"How... how are you, dad? Do- do... do you miss, AH PUTANGINA!" Humagulhol na ako sa pag-iyak. Hindi ko pa rin matanggap na sa ganitong paraan ko siya nakakausap!


"Daddy!" Sigaw ko sa puntod niya. Niyakap ako ni Mommy sa likuran.


"Alexis, please be strong. It's been four long years –"


"Yes mom, it's been four fucking years and the pain is still here! Hindi nawala, tangina! Mas masakit, mom! Apat na taon, akala ko handa na ako pero hindi. Galit na galit pa rin ako!" Nakita kong lumuluha na rin si Mommy at ang bunso kong kapatid.


Ito ang sakit na hindi na mawawala sa aking puso. Sakit na kahit kalian ay hindi ko makakalimutan kahit na lumipas ang ilang taon. I wanted to forget this pain, but I can't. I really can't move on.


Mabilis lumipas ang isang linggo kong bakasyon sa Pilipinas. Mas pinili kong hindi na muna magpakita sa aking bestfriend dahil baka hindi na ako makabalik ng Amerika kapag nagkita kami. Kulang kasi ang ilang araw na magkakasama kami, sigurado ako!


Si Lolo, mom's dad, ang nakasama ko sa aking graduation. Siya ang tumayong magulang ko. Gulat na gulat ako ng makita ko si Owen at ang kanyang dala-dala. Isang napalaking bouquet of red roses, ang aking paboritong bulaklak. Buong akala ko ay hindi siya makakapunta sa graduation ko dahil may importante daw siyang meeting para sa business nila.

ALEXISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon