SIMULA

5 2 0
                                    


***Esmieralda***

Ang akala ko ang mga Tatay ay mga superheroes ng buhay natin.


Lahat malinaw sa'kin. Naiinggit ako. May tatay nga akong kasama pero parang pinagkait naman sa'kin ang makasama siya.

"Tanging problema!" dinig kong sigaw ni Tatay mula sa loob ng bahay namin.

"Ano ba Alberto, marinig ka ng mga kapitbahay natin!" sigaw naman ni Nanay kay Tatay.

Palagi nalang sila nag aaway.

"N-Nay, T-Tay narito na po ako." sabi ko habang naglalakad papuntang kusina kung saan naririnig silang nagsisigawan.

Gawa lamang sa mga kawayan ang mga dingding ng bahay namin kaya maririnig hanggang sa labas ng bahay ang sigawan mula sa kusina. Hindi din naman ito kalakihan, sakto lang para sa aming apat ng pamilya ko.

Lumapit ako sakanila at nagkunwaring hindi narinig ang pagtatalo nila. Akma ko na sanang kukunin ang kamay ni Tatay para magmano nang bigla niya itong hampasin.

"Bat ngayon ka lang? Lumandi ka na rin naman ba?!" sigaw ni Tatay sa'kin.

"Tay hindi po ako gano'ng babae!"

"Wag mo akong masagot sagot ng ganyan Esmieralda!" sigaw ni Tatay sa'kin. Napayuko nalang ako at hindi na nagsalita pa.

"Alberto wag ka namang ganyan sa anak mo." pag awat ni Nanay kay Tatay.

"Isa ka pa!" sigaw ni Tatay kay Nanay. "Kung hindi mo sana tinuruan maglandi iyang anak mo eh sana umuuwi yan ng taman–"

"Hindi ako naglalandi, Alberto! Naghahanap kami ni Esmieralda ng makakain natin kaya lagi kaming umaalis at gabi na kung umuwi. Dahil hindi ako gaya mo na kayang tiising makita ang mga anak nating namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa gutom!" sigaw ni Nanay.

Nanggagalaiti siyang tinignan ni Tatay at sinampal niya si Nanay ng malakas sa mukha. "Tumigil ka!" sigaw ni tatay. Tumingala naman si nanay at tinignan ng masama si tatay.

"Kung sana naghanap ka nalang ng trabaho mo kaysa sa mag inom ng mag inom eh sana nabuhay mo pa kami ng mga–"

"Sabing tumigil kana eh!" humarang agad ako ng akmang sasampalin na naman ni tatay si nanay.

"Ano ba tay, wag niyo naman po saktang si Nanay!" sigaw ko sakanya.

"Huwag kang mangialam dito, bata ka!" tinignan niya ako ng masama. "Pumasok ka don kung ayaw mong ikaw ang saktan ko!"

"Esmie sige na, pumasok ka–"

"Pero Nay–"

"Sige na anak, okay lang ang nanay." pigil niya sa'kin. Ngumiti siya ng pilit at hinalikan ako sa buhok.

Pumasok na lang ako sa kwarto para matapos na 'to

Gabi gabi kong naririnig ang pagtatalo nila nanay at tatay pero ito ang unang beses na nakita kong pinagbuhatan ng kamay ni tatay si nanay.

Hays. Ang hirap mabuhay na puno ng sigawan at sisihan. Ang problemang palaging sakit sa ulo at ang dala lamang ay perwisyo. Isang problemang hindi mawala wala sa aming pamilya. Kailan matatapos ang bangungot na ito? Tila nakulong na ako rito.

_____

DROWNING IN MY TEARS (PART 1)Where stories live. Discover now