ᦏ♡᪔⠀
Transferred.
Sabi nila, pag matalino ka, ipupuri ka ng mga tao sa paligid mo, lalo na kung nasa pinakamataas na baitang ka. Pero bakit nawala lahat 'yun sa akin dahil sa maling pagbibintang? Dahil sa maling impormasyon?
"Is it true, Mr. Vellarde, that you cheated on your answer sheet?" tanong ni Ma'am Castro, ang homeroom teacher ko.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong maisip na sagot. Pero alam ko sa loob ko na hindi ko 'yun magagawa. I worked hard for it. I studied every night for that test to get a perfect score.
Kahit sa break time ko sa trabaho, nag-aaral ako. Nagpupuyat ako gabi-gabi para sa test na yun. Tapos magiging useless lang lahat dahil sa maling sumbong ni Darren.
Nakayuko lang ako, gusto kong bumoses pero hindi ko kaya. Hindi ko na napansin na may umaagos palang luha sa mga mata ko. Kinakagat ko na lang ang mga kuko ko para hindi na ako tuluyang umiyak.
"Pag-uusapan namin kung ipapalit ka sa lowest section o hindi. You can now go," sabi sa akin ni Ma'am. Ano? Mapupunta lang ako sa lowest section? Ang unfair naman!
Iyon ang nasa isip ko araw-araw kahit sa school, sa bahay, o sa trabaho. Hindi, hindi pwedeng malipat ako sa lowest section. Sana pala talaga bumoses ako nung mga araw na iyon!
Nasa trabaho ako ngayon, and it's my break time. Umupo ako sa isang bakanteng upuan para kumain nang biglang tumunog ang telepono ko. Si Ma'am Castro iyon.
"Hello, Ma'am?" tanong ko, ramdam ang kaba.
"We have now decided, Mr. Vellarde, and I'm so sorry, but you are going to the lowest section," sabi ni Ma'am Castro.
I am stunned. Why? How will I get a scholarship if I'm in the lowest section? How?
I promised my parents that I'd always be on top, pero bakit ako nasa ilalim? At nalaman ko pang binayaran ng mga magulang ni Darren si Ma'am Castro para maging top 1 siya. Iba talaga ang mga mayayaman, gagawin ang lahat para makuha ang mataas na posisyon.
Akala nila nasusulusyonan ng pera ang lahat, pero akala lang nila 'yun!
It's my first day as a student in the lowest section, and I'm quite nervous. I've heard that students from the lowest section are troublemakers.
As I opened the door, I was welcomed by a classroom full of noise. Students were throwing papers, gossiping across the aisles, glued to their phones, and munching on snacks despite it not being break time. It's only 7:40 in the morning, yet our classroom looks like a total mess.
Damn, what is this? Is this still a classroom or a market?
I've always been a consistent honor student, and I never imagined myself ending up in the last section dahil sa false accusations. This is why I despise teachers who play favorites just because they're getting paid.
And now, I'm here to prove that I never cheated on that test or that answer sheet. But looking around at the chaos and the people in this classroom, I can't help but feel a sense of dread. I don't know how I'll manage.
As I sat in my chair, everyone turned to look at me, whispering among themselves. They stared at me as if they've seen a ghost. Or maybe they've just never seen someone as handsome as me before?
"Diba yan yung top 1 sa first section?" narinig kong sabi ng isang babae na may dalawang braid. Don’t worry, hindi ko siya narinig, dahil rinig na rinig ko!
"Oo nga, bakit nandito yan? Eh diba last section 'to?" sabi ng isang babaeng naka-two buns na may mapupulang blush-on sa pisngi. Parang kamatis na sa pula ng mukha, unti-unti na lang magiging kamukha niya na si Sassa Gurl.
"Infairness, ang pogi at ang bango, di kagaya ng iba na ang aasim," sabi ng isa pang babae, at nag-tawanan sila.
Sus, nasingit pa talaga yan? Matagal ko nang alam 'yan; sadyang di lang masyadong halata, noh!
"Hala, may katapat na si Clyden niyan. Bahala kayo, kay Clyden parin ako," sabi ng isang babae.
"Same, malaki utang ko diyan, pina-gaya ba naman ako sa Math, tapos perfect," sabi ng isa pang babae.
Clyden? Who's that? I never heard of him. Don’t tell me that even though I'm in the lowest section, may katapat pa ako? Wag naman oh.
Minutes later, the door creaked open, and I caught sight of our adviser. The class fell silent, and everyone straightened up in their seats.
“Good morning, class,” she said, her voice cutting through the hush. “I would like to introduce your new classmate from the other section, Mr. Caleb Aeden Vellarde. He will be joining us for the rest of the school year.”
As she spoke, all eyes turned to me. My face grew warm under the weight of their curious gazes. The adviser continued with the lesson, but the murmur of my arrival still lingered in the room.
Alam kong gwapo ako, pero wag niyo baman akong titigan nang ganyan. Nakaka-creepy naman kayo!
Hours passed, and it was already snack time. I was organizing my things when my classmates started leaving for the cafeteria, just like me. As I walked peacefully down the hallway, may biglang humarang sa daan ko! Sino naman 'to? Papansin.
"Hello! Mr. Perfect, kamusta? Are you good in your new section? The lowest section?" It was Darren, the one who reported me to our teacher. Hindi naman siya paniniwalaan kung hindi nagbabayad ang mga magulang niya sa mga teacher. Mga mayaman nga naman.
"Okay naman, much better dahil hindi ko na makikita ang pagmumukha mo," I said with a mocking smile, which made the students around us laugh.
"Anong nakakatawa dun! Mind your own businesses, mga chimosa!" he shouted at the students with an annoyed expression.
"Maswerte ka dahil nasa school tayo! May araw ka rin sakin, Vellarde!" He whispered in my ear, bumped into me, and then left with his friends. I continued walking dahil gutom na talaga ako. Papansin kasi! Maubusan pa ako dun ng palamig ni ate.
Ang yabang talaga! Pero I'm not scared of him because without his parents' money, he's nothing. At dahil lang ba pinapaaral ko ang sarili ko, pwede na nila akong tapak-tapakan? No. Kaya kong makipagsabayan sa kanila.
Pagdating ko sa cafeteria, bumili kaagad ako ng palamig. Buti na lang meron pa. Nakita ko yung nag-iisang turon. Jackpot! Sakin kana!
"Ate, sakin nalang yan na turon."
"Ate, yang turon po."
Sinamaan ko ng tingin ang katabi kong lalake na naka-salamin, mukhang tahimik. Ako nauna dito ah! Ang dami pang ibang pagkain, tapos yung turon ko pa ang napili! Pwes, sakin 'to!
"Ate, sakin nalang po, nauna naman ako," pag-kumbinsi ko kay ate para sakin niya ibigay ang turon.
"I'll double the pay, ate. Give me that turon," sabi niya kay ateng tindera.
"Ate, sakin nalang, dadagdagan ko ng piso. Gutom na talaga ako, please ate," kumbinsi ko kay ate.
"Ate, dadagdagan ko ng five pesos," sabi niya. Aba, ang kapal!
Pinagtitinginan na kami ng mga tao, pero wala akong pakialam! Ipaglalaban ko ang turon ko!
"Nakakahilo kayong dalawa! Atsaka, reserve yan para kay Mrs. Gonzalez," sabi ng tindera at nilagay ang turon sa plastic.
Natulala na lang ako at hindi makagalaw dahil sa hiya. Nakakahiya sa lalakeng naka-salamin kanina.
Nakita kong inayos niya ang salamin at aalis na sana nang tinawag siya ng kaklase ko.
"Pres! Pinapatawag ka ni Ma'am!" sigaw ng kaklase kong babae, at lumapit ang lalaking naka-salamin.
"Oh, Caleb, bat nandito ka pa? Time na!" tanong sakin ni Sofia.
"May tanong ako, Sof," tanong ko sa kanya.
"Ano yun?" tugon niya.
"Sino 'yung lalake na tinawag mong pres?" sabi ko.
"Ahh, yun ang president natin."
HA? Mas lalong nakakahiya! Pero malay ko bang president namin 'yun! Bahala na, magso-sorry na lang ako mamaya.
ᦏ♡᪔ ⠀
YOU ARE READING
Hello! My Class President
Romance[bxb] Would a class president and a class transferee make a perfect match? Caleb, a consistent honor student from the highest section of the most renowned school in the country, was the teachers' favorite due to his intelligence and attitude. He had...