CHAPTER IV

1 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER IV

Ang puso ni Ligaya ay tila isang alon na humahampas sa kanyang dibdib, isang masayang ritmo na sumasalamin sa matagumpay na tugtog ng kanyang sariling tagumpay.

Nakaupo siya sa isang maliit na mesa sa sulok ng mataong fast-food chain kung saan siya namamasukan, nanginginig ang mga kamay habang binabasa ang acceptance letter.

Ang balitang ito ay isang tiyak na patunay sa kanyang pagsusumikap at tiyaga.

Nakamit niya ang kanyang pangarap sa kadahilanang opisyal nang natanggap siya sa unibersidad!

Nadagdagan naman ang kaniyang galak sampung ulit nang basahin niya ang susunod na balita: natanggap siya sa kaniyang ina-apply-an na scholarship na tiyak siyang magbibigay-daan sa kaniya upang maipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral nang walang dinadalang bigat sa mga gagastusin.

Dumating ang balita sa pamamagitan ng email, na binuksan niya sa telepono. Pinakiusapan niya kasi ang ama na dadalhin muna niya ito habang hindi pa siya nakabibili ng bago dahil ngayon ang schedule ng pag-a-upload ng mga natanggap na student applicants sa kolehiyo. Sakto rin na ngayon ang nasabing takdang oras para ibalita kung natanggap ba siya sa scholarship.

Halos hindi magawang i-tap ng kanyang mga daliri ang screen ng telepono nilang luma na at may mga kakaunting basag na rin sa gilid dahil sa kaniyang excitement.

Isang talon ng purong tuwa ang bumalot sa kanya.  Hindi na niya napigilan.  “Nakapasok ako!” sigaw niya, umaalingawngaw ang boses niya sa fast-food chain. “Sorry,” kaagad naman niyang paghingi ng paumanhin nang mapansin niyang may mga customers pala sila. Nawala iyon sa kaniyang isipan.

Maingat siyang lumapit sa mga workmates niya at mahinang binalita sa kanila ang ganap,  “Natanggap ako sa university at nakuha ko rin ang scholarship!”

Ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na kanina pa nakatingin sa kanya na may kakaibang mga tingin ay sumabog sa isang mahinang hiyawan at palakpakan. Masaya sila para kay Ligaya. “Nakakabilib!” “Congratulations!” “Proud na proud kami sayo!” maingat nila itong i-b-in-ulalas, ang kanilang mga boses ay naghahalo sa kalampag ng mga tray at sa sizzle ng burger.

Nagniningning si Ligaya habang nag-uumapaw sa kaligayahan ang kaniyang puso.

Hindi pa man niya ito nababalita sa kaniyang ama pero naririnig na niya ang malakas na tawa nito. Lalong-lalo na kay Sinta. Sigurado siyang mapupuno ng tunog ng tuwa ang kanilang abang tahanan.

Tahimik na nagpasalamat si Ligaya sa Diyos dahil kung wala ang gabay ng Panginoon ay wala rin ito. Hindi niya makakamit ang ganito kalaking gantimpala mula sa langit. Tumingin siya sa kaniyang pinakainiingatang wristwatch, hindi niya rin nakakalimutan ang kaniyang ina.

Lagi itong naniniwala sa kaniya na siya ring nagkintal sa kaniya sa kahalagahan ng edukasyon at pananampalataya.

Nararamdaman niya ang presensya nito sa tabi niya, ang mahinhin nitong kamay pumapatong sa balikat niya, ang malumanay nitong boses na bumubulong ng mga salita na nagpapatibay sa kaniyang kalooban.

“Papaaaaa!”

Hindi pansin ni Ligaya ang kadiliman ng gabi at patuloy ang kaniyang pagtakbo at pagsigaw pauwi.

“Papa koooo!” sigaw niyang muli habang dala-dala ang preskong papel ng kaniyang acceptance letter sa university at nang kaniya ring scholarship.

Hawak-hawak ng kaniyang mga kamay ang hard copy nito, at wala na ring mapagsidlan ang kaniyang tuwa.

Kaagad naman lumabas si Manuel na gulat na gulat. Akala niya’y may masamang nangyari kay Ligaya kaya agad niya itong dinulugan.

“Ligaya, anak?!”

Hindi sila nakatapos ni Sinta kumain dahil sa gulat. Hawak-hawak ni Sinta ang kaniyang puso upang pakalmahin ang sarili dahil animo’y nagkakarera na ang meron sa loob nito.

“Ano’ng nangyayari?” tanong niya hindi pa man nakalalapit si Ligaya. “Ayos ka lang ba?”

Halos matitili na rin si Ligaya nang makaharap niya ang ama. Abot tainga ang kaniyang ngiti.

“Papa! Papa!” huminga muna siya ng maayos. Napakagat si Ligaya sa kaniyang labi, pinipigilan ang kaniyang pag-iyak. “Tanggap ako sa university! Nakuha ko rin po ang scholarship!”

Pinakita ni Ligaya ang papel na hawak niya na siya namang tinitigan ni Manuel.

Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha. Kinuha niya ang papel na inabot ni Ligaya at tiningnan ito. Marunong magbasa si Manuel pero hindi siya ganoong nakaiintindi ng Ingles. Pero ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang sinabi ng kaniyang anak na ito’y natanggap sa university at sa scholarship.

Maluha-luha rin ang kaniyang mga mata. “Ligaya... anak...”

Nang maayos ni Sinta ang kaniyang paghinga ay kaagad siyang lumabas upang i-check kung ano ang nangyayari sa labas.

“Sinta!” bulalas ng kaniyang Ate.

Nagulat naman si Ligaya nang yakapin siya ng mahigpit ni Sinta. Pero ipinagpalagay niya na lamang na narinig nito ang sinabi niya sa ama.

Nang bumitaw si Sinta sa yakap ay napansin ni Ligaya na namumutla ito. Sapat na kasi ang liwanag na ibinibigay ng araw para makita niya si Sinta.

Napakunot ang kaniyang noo. “Namumutla ka ah. Ayos ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong sa kapatid.

Nanghihina nga ngayon ang katawan ni Sinta pero siguro dahil lamang ito sa gulat.

“Oo naman Ate. Ayos lang po ako. Nagulat lang ako kanina sa sigaw mo...”

Niyakap niya ang kapatid dahil nag-alala siya rito. At higit sa lahat ay natakot siya sa kaniyang nagawa.

“Sorry, Sinta...”

“Ayos lang nga po ako Ate. Huwag po kayong mag-alala sa’kin...”

Tumango naman si Ligaya.

“Ano po pala’ng nangyayari?”

“Sinta anak... Natanggap ang Ate mo sa unibersiti, pasok din siya sa pagiging isang iskolar, anak!”

Hindi nakaimik si Ligaya dahil ang kaniyang ama na ang nagsabi kay Sinta.

Dahil sa labis na tuwa ay mahigpit na niyakap ni Sinta ang nakatatandang kapatid.

“Alam kong magagawa mo iyon. Proud na proud ako sa’yo, Ate. Proud na proud kami sa’yo!”

Napatawa si Ligaya, umaagos ang luha sa kaniyang mukha. Dulot na rin ng kasiyahan. Niyakap ni Manuel si Ligaya at si Sinta.

“Proud na proud ako sa inyo mga anak...”

Tiningnan ni Ligaya ang ama. Punong-puno ng pasasalamat ang kaniyang mga mata.

Nakatingin naman si Sinta sa ama at niyakap niya ito ng mahigpit. Umaapaw sila ngayon sa kaligayahan at wala na ngang mahihiling pa si Ligaya sapagkat natupad na ang kaniyang pinagdarasal.

Hindi niya maiwasang isipin kung ano kaya ang magiging buhay niya sa kolehiyo. Kung ilan ang magiging kaibigan niya, kung makakahanap ba siya ng away, at kung anu-ano pa. Ngunit higit sa mga iniisip niyang iyan, ay labis niyang ikinatutuwa na sa wakas ay makakapasok nga siya sa kolehiyo!

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon