Chapter 6: Aid

19 2 0
                                    



"Siguro itigil mo nalang 'yan, 'te! Ako ang nasasaktan para sayo." biro na bulong ni Owen habang nandito kami sa isang kiosks tumatambay.

Napabaling naman ako kanya nang sabihin niya iyon. Siguro dahil nahuli niya akong nakatitig kay Ronald na nandito ngayon sa field na nagpa-practice habang nasa may bleachers naman nakaupo si Natasha kasama ang mga kaibigan.

Hindi ko na pinabulaanan ang sinabi ni Owen at tumingin nalang uli ako sa field.

"Oh, bakit hindi ka na rumereact?" tanong ni Owen nang mapansin na hindi na ako nagsalita pa.

Umirap lang ako.

Hindi pa nakuntento itong si Owen at hinawakan ako sa isang balikat at pilit na pinapaharap sa kanya.

"Iyan kasi! Iyan ang sinasabi ko!" sabi niya na may namumuong ideya sa utak.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Oh, ano? Ano nanaman ang ginawa ko?" tanong ko at nakangusong hinagilap si Ronald sa field.

Nagkaroon ng five minutes break at agad na lumapit ang mga players sa bleacher para uminom ng tubig. Ngiting sinalubong ni Natasha si Ronald na may dalang tubig. Kinuha ni Ronald ang tubig mula kay Natasha at ininom iyon.

"Akala ka ba happy crush lang? Bakit ganyan? Iba na 'yan ah!" sabi pa ni Owen at hinawakan ang baba ko para iharap sa kanya.

"Hayst! Huwag ka nga!" sabi ko sabay alis ng kamay niya sapagkakahawak ng baba ko.

Humalakhak si Owen at tumingin narin sa field.

Simula noong huli ko silang nakita sa library na nag-uusap tungkol sa isang party ay madalas na silang nagsasama ngayon. Wala naman akong nakitang pagkadismaya sa mukha ni Ronald. He wore his usual expression once in a while.

"Sweet naman yata nung dalawa? Akala ko ba binasted siya ni Ronald?" rinig kong tanong ni Owen.

Iyon rin ang pinagtataka ko. Siguro ay narealized niyang gusto niya pala si Natasha kaya ganon? Lantaran na kasi sila kung maglandian.

"Hm...bakla, ako sayo tigil mo na pagpantasya sa kanong 'yan. Iyan nalang si Phoenix oh. Kano rin naman 'yan, pasok rin sa standards mo. Wala pang sabit." sabi ni Owen habang kumakain ng junkfoods na bili niya.

Napatingin ako sa captian ng soccer team na si Phoenix. I heard naging sila ni Vanessa nung first years pero nung mag third year kami ay usap-usapan na hiwalay na daw ang dalawa. Pero nagpapansinan parin naman daw dito sa school kaya hindi talaga sure ang iilan kung hiwalay na ba or cool off lang.

"Mukha wala narin naman sila ni Vanessa. Ang balita ko ay si Vanessa na ang naghahabol ngayon. Paano naman kasi ang landi ni bakla gusto pa pagsabayin si Phoenix at Floyd."

Napabaling ako kay Owen. "Floyd?"

"Si Floyd, yung member ng basketball team." sagot niya.

Napatango-tango naman ako.

Grabe naman iyon. Magaganda naman talaga ang circle nila Natasha lalo na iyong si Madona, ang captain ng cheerleadig squad. Parang iyon naman yata ang requirement para mapasali ka sa grupo nila.

Sa whole practice ay nanuod lang kami ni Owen. Kahit bagot na bagot si Owen ay sinamahan [a din niya ako at nakinood narin siya kahit nahihirapan kaming manood dito dahil nasa likod kami ng soccer goal.

Nang matapos ang practice nila ay agad na nagyaya na si Owen na umuwi. Nakangusong tumayo naman ako at binitbit na ang bag ko.

"Mauna kana. Cr lang muna ako bago ako uuwi." sabi ko at nauna nang bumaba dito sa maliit na hagdanan ng kiosks.

Hands Of A Ballerina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon