BUTAS ANG BULSA

927 6 2
                                    

Pinaghanda pa rin ni Kianna ang kaniyang mga Byenan sa kabila ng pananakit sakaniya ng mga ito. Habang nagluluto Siya ay pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang mga Luha. Walang puwang ang kahinaan sa sitwasyon niya, dapat ay malakas Siya. Hindi maari na Makita ng mga ito na sumusuko Siya.

"Ipakain mo na lamang iyan sa mga Aso ng Anak ko! Baka may lason pa ang mga iyan."
Irap ng Mommy ni Dwayne.

"Malinis po ito, Mrs. Ramos."
Bulong ni Kianna.

Nagulat pa ang Dalaga ng tabigin ng Daddy ni Dwayne ang mga Pagkain na nilagay niya sa Dining Table.

May sabaw pa naman ito at umuusok pa!

"Ouch!" Hiyaw ni Kianna dahil sa nalapnos niyang Balat.

"Hindi ka marunong makinig, Kianna!
Sinabi ko ng ipakain mo iyan sa mga Aso!"
Galit na sigaw ng Mrs. Ramos.

Mabilis na nilinis ni Kianna ang natapon na Pagkain sa Sahig, pinakain niya sa mga Aso ito.

"Kumain lamang kayo ng kumain, maswerte kayo at kayo ang kumakain ng mga Luto ko."
Kausap ni Kianna sa mga Aso na nikatakan na ang mga Pagkain.

Bumalik siya sa loob ng Mansion at mamaya na lamang nya iindahin ang Lapnos sakaniyang Balat.

"Ano po ang gusto ninyo na kainin?
Order na lamang po ako."
Alok ni Kianna sa mga Byenan.

"Sigurado ka?"
Ngisi ni Mrs. Ramos.

"Opo, ako na po ang magbabayad."
Ngiti ni Kianna.

Hindi na kumibo ang mag-asawa at sige ang pindot nito sa Cellphone, maya-maya pa ay mayroon ng tumawag sa Ginang.

"Hello, Mr. Cheng? Oh yes! Paki deliver na lamang sa Mansion namin pero dito ang Payment sa Mansion ng Anak ko na si Dwayne."
Masiglang wika ni Mrs. Ramos sa kausap nito sa tawag.

Nagtataka man sa pinadeliver ni Mrs. Ramos sa Mansion ng mga ito ay kumuha na lamang Siya ng Cash sakaniyang Kwarto.

May nag doorbell kay mabilis na lumabas si Kianna.

"Dito po ba nakatira si Mr. Dwayne Ramos?"
Tanong ng Lalaki kay Kianna.

"Yes po, Food Delivery po?"
Tugon ni Kianna.

"Ay hindi po, kami po ang kukuha ng Payment sa mga Furnitures na Pina deliver ni Mrs. Ramos sa Mansion nila.
Dito daw po ang Payment sabi ng Boss ko."
Paliwanag ng Lalaki kay Kianna.

Napatahimik si Kianna dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang kaharap.

Narinig na lamang ng Dalaga na nasa likod na niya si Mrs. Ramos.

"Andito ka na pala. Ah Kianna, pakibayaran na ang mga Order ko."
Tapik ni Mrs. Ramos kay Kianna.

"Cash po ba or Card?"
Tanong ng Lalaki.

"Ah, Cash na lamang. Patingin ako ng Resibo. Thank you!"
Ngiti ni Kianna sa Lalaki.

Nagulat ang Dalaga dahil ang laki ng halaga na kaniyang babayaran, ang akala niya ay Pagkain ang mga Order ni Mrs. Ramos!

2.5M!

Para ng bumili ng Cash na Kotse si Kianna sakaniyang isip.

"May problema ba tayo, Kianna?"
Naiinip na tanong ni Mrs. Ramos.

"Wala po. Sir, swipe ko na lamang po ang Card ko. Thank you."
Kausap ni Kianna sa Lalaki.

Nang mabayaran na ni Kianna ay biglang umalis na sa Bahay nila ang mga Magulang ni Dwayne.

Nanghinayang si Kianna dahil malaking halaga ang nawala sa ipon niya.

Ni hindi man lamang nagpasalamat sa Dalaga ang kaniyang mga Byenan.

Nalungkot ng muli ang Dalaga at mas ininda pa niya ang 2.5M kesa sa Lapnos ng kaniyang Balat.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now