CHAPTER V

1 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER V

Unang araw pa lang ng klase at halos busy na silang lahat. Suot ni Ligaya ay isang puting polo shirt at itim na slacks na pinaresan ng kaniyang bagong biling black sneakers.

Hindi nasasalat sa gamit si Ligaya dahil, na-ba-budget niya naman ang kaniyang pero dati no’ng siya’y nagtatrabaho pa.

Nakatulong din ang scholarship sa kaniya. Naging presentable ang kaniyang pananamit, at hindi siya madungis tingnan.

Nakangiti si Ligaya na naglalakad papunta sa kanilang classroom. Pero ang mga ngiting iyon ay napawi nang makapasok siya sa kanilang silid-aralan at halos lahat ng kaklase niya ay labis ang rurok ng estado ng buhay.

Dahan-dahan siyang naglakad at naghanap ng bangko na mauupuan. Napapalingon siya sa kaniyang mga kaklase. May ibang nagkukumpulan at nag-uusap bilang magka-grupo, habang ang iba naman ay busy sa kani-kanilang mga mundo, at may mga mapangmatang mga estudyante na pinagtitinginan siya ngayon.

May mga grupo pa nga ng kabataan, tatlong mga babae na iniirapan ang kaniyang pananamit.

Napalunok si Ligaya. Nakahanap siya ng isang mauupuan at doon niya nilagay ang kaniyang sarili. Nais ni Ligaya na maupo sa harapan pero mayroon ng nakaupo roon kaya sa likuran na lamang siya p-um-westo.

Hindi niya maiwasang manliit pero hindi naman ang opinyon ng mga tao ang ipinunta niya rito.

Pumasok siya rito para mag-aral at abutin ang mga pangarap niya. Binalewala niya silang lahat at ginawang komportable ang kaniyang sarili.

Wala siyang katabi. Sa isipan niya, ay marahil late ang iba. Ganito naman siguro sa college, walang pakialamanan kung late ka ba dumating o kahit huwag ka na pumasok.

Nasabi ng teacher dati ni Ligaya sa kaniya, na ang laki ng kaibahan kapag kolehiyo ka na. Sa elementary, alagang-alaga ka, sa hayskul, ang mga teachers mo ang mag-pa-follow up sa’yo, sa grades mo, ikaw ang hahabulin, pero sa tertiary, ikaw na ang maghahabol sa kanila.

Napapaligiran si Ligaya ng mga estudyanteng puno ng karangyaan. Nararamdaman niyang out of place siya. At kahit bago man ang kaniyang kasuotan, ay hindi niya maiwasang maramdaman kung gaano siya kahirap kumpara sa mga designer clothes ng karamihan sa mga kaklase niya.

Ilang beses man niyang iwinakai iyon sa isipan, subalit nanliliit siya sa kaniyang sarili.

Hindi niya na lamang sila tinitingnan. Dahil sa tuwing ginagawa niya iyon, ay pakiramdam niyang hinuhusgahan siya ng lahat.

“Tingnan mo siya, nakakaawa siya ‘no?” bulong ng isang studyante sa kasama niya.

“She’s probably just a scholarship student. Pathetic!” bulong naman pabalik no’ng isa.

“I know right. Tsk. She’ll never amount to anything. Malamang bobo ‘yan.”

Yumuko lamang si Ligaya at nagkunwaring hindi niya iyon narinig, pero abot na abot ng kaniyang tainga ang sinasabi nila tungkol sa kaniya.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon