Hi ako ngapala si Drei, at eto ang kaibigan kong si Prince. katapusan na ng 2nd semester, masaya kami ng kaibigan ko kasi malapit na intrams. Gusto kasi namin mag laro ng badminton magdamag.
Pasukan na, half day lang kasi recognition at kuhanan ng report cards ngayon. Naisip ko mag dala ng raketa, gusto ko kasi maglaro sa hapon kasama mga kaibigan ko.
"Si DREI!" Sabi ni Prince, Nagulat ako at naglalaro na pala sila umaga palang.
"Oh mga pre sisipag niyo naman at naglalaro na kayo, haha"
"Eh palong palo na kami dito eh haha, ikaw lalaro kana?"
"Di pa, sorry" Wala pako gana hayst, aga-aga magpapawis agad, naisip ko sa sarili ko.
Pumunta agad ako sa room namin para mababa gamit ko, tas bumalik ako sakanila para manood sa laro nila. Bago lang ako sa badminton at pinapanood ko sila kung paano gumalaw, humawak ng racketa, footwork at iba pa. Ganun ako matuto eh visual learner, haha.
Nung pagpasok namin sa room, pumila agad kami papuntang gym para sa recogniton. Ayun basic Routine, Tulala tas akyat stage pag tinawag pangalan. Then back sa pagtulala, lumipas yung oras ng mabilis, the next thing i knew kuhanan na ng cards.
"gagi pre nanenerbyos ako sa card ko, ikaw ba?" Sabi ni Prince.
"Di naman, maayos naman ako magaral. Hindi matalino pero ung katamtaman lang naman haha" Di ako na nenerbyos kasi madalas mga 80-85 cards ko since elementary.
"Gagi pre, sana'ol" Natawa nalang ako sakanaya, "di naman ganon kahirap mag-aral dito eh. Basta may sagot pasado naman" ang naisip ko, nung sinabi niya yan.
Tas ayun nakuha yung mga cards, may bagsak siya sa isang sub. Tas ako, nagulat nalang at general average ko 89, malapit na mag honor. Naisip ko na parang buong 8th grade ko nakakaiba, dami nag bago sakin since nung nag transfer ako dito nung grd 7. Ano pa kaya magbabago?
"Sige pre next time nalang tayo mag laro, lagot kasi ako sa magulang ko" Umuwi na si Prince at ako tsaka ibang classmates nalang natira sa school. Uwian naman na kasi, pero nagstay kami para mag laro.
Habang naglalaro kami, may isang babae lumapit samin. Naisip ko kaagad, "ang cute niya haha, pero mukhang grd 7 to"
"Hiii puwede ba sumali? gusto kopo mag laro hehe" Yung boses niya nakaka iba, parang bata mag salita, ang kyut. Naisip ko pagbigyan siya at maglaro kami.
"Ugh ano bayan palagi ako talo!" sabi niya saakin.
"okay lang po yan haha, practice makes perfect po" nasabi ko nalang sakanya. Everytime natatalo siya may reaction siya, kyut na galit kaya mas lalo ko napagtripan kasi nakakatawa.
"Hoy ano bayan patalo ka naman! ugh i hate you! but... in a good way of course hehe" Nataranta ako sa sinabi niya at ayun nga. Natalo niya ako, nadistract ako sa sinabi niya eh, parang may naramdaman ako. Naisip ko "compliment ba yun o ganon siya magalit?"
After that Bigla nag rush kami ng mga classmates ko, nakita nila head of discipline. Lumabas kami in a rush, kasi baka magalit yung head na naglalaro kami sa school grounds. I realized I haven't gotten her name yet, we don't know each other. Naisip ko one time chance lang na naglaro kami, at yun na yon. Parang nalungkot ako, pero sinubukan ko nalang ibale-wala and move on.
"Gagi pre angas mo dun sa babae ha? ginaganon mo lang ung mas mataas na grade level sayo? haha" Sabi ng isa kong kaibigan.
"Ha?! mas mataas sakin??? ano ibigsabihin mo?" Nagulat talaga ako sa sinabi niya eh, di ako makapaniwala mas higher pala siya sakin.
"Oo, grade 9 yan dmo alam?" Dun ako mas lalo na hiya kasi syempre naman, parang binully ko lang yung higher level haha. Pero at the same time may small part sakin, parang sumaya knowing she's older or same age as me. Ewan koba parang mas naging interested ako sakanya, gusto ko siya makilala.
After this i went home thinking about our interaction.

BINABASA MO ANG
Roles reversed.
RomanceNagtiwala naba kayo sa mga nakapaligid na tao sa taong mahal mo? Kaya moba magtiwala sa mga salitang ipapangako ng taong mahal mo? Mahal kaba talaga ng taong mahal mo? Ako si Rei,nickname yan na binigay niya sakin. At oo, ganyan ako mag isip napakal...