Ilang araw yung lumipas at, di na kami nag interact ulet. Pero simula nung una, palagi ko na siya napapansin, kung saan saan siya nasa palagid eh.
Valentine's day na agad, grabe natatandaan ko pa yung new year celebration eh, Bilis ng panahon.
To celebrate valentine's, the school issued a culminating activity. Buong week gagawa kami ng booths, iba iba each section, Food, love lock, jail, blind date. We haven't interacted again, paminsan minsan naiisip ko siya. Kung may chance ba na magkakausap kami, o maging kaibigan man lang.
Last day ng valentine's activity na. Pinayagan kami umikot sa mga booths and participate on them.
"Uy pre may jail booth oh pakulong kita dyan haha!" Sabi ni prince.
"Pre naman wag ako gusto ko lang tignan mga booths, wag ka basag trip"
Mahilig si prince mangtrip sa jail booth dati pa, tsaka iba na yung ni biktima niya ngayon haha.Pumasok ako sa room pagkatapos ko makita lahat ng booths. Plano ko nalang magpalipas ng oras.
"Uy preee may nag hahanap sayo galing sa blind date eyyy!"
"Ha?! Blind date?" Nataranta ako, iniisip ko bakit ako? halos wala may kilala sakin.
"Dalawang babae pumasok sa room namin: Hi po ikaw ba si Drei?"
"Opo, bakit?"
"Ikaw po napili namin sa blind date nagiintay na po yung babae sa room namin"
"Ahh, sorry po pero hindi ko kaya pumunta. Nakakahiya po eh" Na nerbyos ako kasi first time ko ma experience yan at hindi ko kinaya gawin.
"Ahh ganun ba po, kawawa naman po si girl, sige po pero kailangan namin ng 50 pesos kasi ikaw po napili eh"
"Ahh okay" Astig naman, kailangan ko mag bayad hindi ko naman to ginusto.
Chinismis ko kaagad Kay Ces as usual, at automatic sa isip niya na siya yung nag set up ng blind date sakin.
"Huy te, gagi may nag hanap sakin sa blind date kanina pero di ko kinaya pumunta eh"
"Huy si crushicakes siguro yan yiee!"
"Luh siya ba kaya? Pano niya alam pangalan ko? Section lang natin nakakakila sakin eh"
"Kuya ah, bakit di mo na tinatanggi pag sinasabi ko crush mo siya? Totoo na nohhh? Yieee!"
"Hindi ah, paulit-ulit kana eh kakasawa na kaya itanggi, sasabihin mo parin naman kahit itatanggi ko" Kulit ni Ces eh, ship ng ship samin kaya di ko nalang pinapansin baka tigilan niya. Pero ayun, nung nalaman niya ngyari ngayon bumalik ung pangiinis niya sakin, todo ship hayst.
After that naisip ko talaga, what if siya yung nagpa blind date, what if gusto niya pala ako.
Hayst delulu ko talaga it was just a interaction, nothing else. Hindi na yun mauulit, hindi niya ako gusto.

BINABASA MO ANG
Roles reversed.
RomanceNagtiwala naba kayo sa mga nakapaligid na tao sa taong mahal mo? Kaya moba magtiwala sa mga salitang ipapangako ng taong mahal mo? Mahal kaba talaga ng taong mahal mo? Ako si Rei,nickname yan na binigay niya sakin. At oo, ganyan ako mag isip napakal...