Chapter 4: Intrams.

5 1 0
                                        

Kakatapos lang ng Valentine's day at intrams na agad, eto na yung araw na pinakainiintay namin ng mga kaibigan ko. Palagi na kami naglalaro sa hapon, nagprapractice hangang mapagod. Naiisip ko parin siya, pero di ko pa siya nakausap simula nung kuhanan ng cards, iniisip ko wala na yun at nakalaro ko lang siya once, baka nakalimutan na nga niya ako eh.

Habang intrams, kailangan namin manood sa ibang sports. Ayun lang, napaka boring gusto ko gumalaw at maglaro pero kailangan tumunganga haha. Pero napansin ko sa gilid, may naglalaro ng badminton. napansin ko kaagad siya pala naglalaro, kaya mas dun ako nag focus manood.

"Huyyy kuys, pinapanood mo si crushie mag laro? HAHA YIEEE" Sabi ni Ces.

"Oo ka-inggit nga eh, tayo naka tunganga tas siya puwede maglaro hayst" Yun lang naman naisip ko, gusto ko din mag laro at naiingit lang ako.

"Tawagin ko kaya siya? kaibigan ko talaga yan dati, kala moh HAHA"

"Huy wag! eto ka nanaman eh, nanonood lang pabayaan mona" Nanerbyos ako kasi baka tawagin ni Ces, ayoko naman istorbohin para sa trip ni Ces.

"Huy psst! ate! halika ditooo!" Pagkasabi ni Ces, agad siya pumunta.

"Huy gagi ka, oo na kilala mo wag mona palapitin!" Mas lalo ako nanerbyos habang palapit ng palapit siya samin.

"Hiii omg tagal na natin di nag usap Cesss! huy, ikaw nakalaro ko dba? ako nga pala si Yuri, well nickname ko lang pero mas trip ko hehe"

"a-ahhh sige po, hi Yuri" Hindi ko alam bakit pero bigla ako nag stustutter pagkausap siya.

"Yieee kausap na niyaaa! hay grabe, kainggit" sabi ni Ces.

"Ano pangalan mo? di ko pa alam eh"

"Drei po"

"Ahh, nice to meet you! ano laro ulet tayo?"

"Next time nalang, kailangan namin manood eh" Gusto ko siya makalaro pero baka mapagsabihan ako ng adviser namin.

"Ayyy sige, meet tayo after dismissal, i wanna get to know you hehe"

"Ahh sige po" Nagtaka ako at nakilala pa pala ako, tas gusto niya makipag kaibigan? grabe hindi ko inakala na ganito mangyayari.

"Huy Drei!"

"Hi ulet haha" At this point parang medyo na cocomfortable nako sakanya agad, ang friendly niya sobrang bait pa niya sakin kasi.

"Ano fb mo? para makausap pa kita later hehe"

"Ahh eto po *pinakita sa phone yung fb" Nagulat lang ako kasi first time may manghingi ng fb ko.

"Grabe naman ang bilis mo naman ibigay? HAHA"

"Luh, tinanong mo edi binigay ko" Hindi ko alam kung ano ba  dapat gawin dun at parang surprised siya haha. Pero nanerbyos ako, baka mamaya isipin, crush ko siya.

"Gala tayo? sa city hall lang, lakad-lakad at get to know each other hehe"

"Ahh, sige sige" First time ko gumala na isa lang kasama ko, tas babae pa. Madalas kasi kasama ko mga kaibigan ko tas maglalaro lang kami.

Habang nasa city hall we just kept talking, getting to know each other. Our like's and dont's, alam mona kinikilala mo lang yung tao kasi gusto mo makipag kaibigan haha. Pero... bigla siya nagtanong ng question na nakakaiba lang.

"Sooo Drei, may tanong ako hehe"

"Oh? ano yun?"

"Interested kaba sa love life? like pag umamin ako, ano gagawin mo? ano sasabihin mo?"

"h-ha...? uh... d-di ko alam eh?" Napaisip nako sobra, gusto niya ba ako? tinatanong niya ba yan para umamin siya?

"Ahh, edi di ko sasabihin baka reject moko eh HAHA"

"L-luh...?" Dyan ko na narealize gusto niya pala ako, bigla ako sumaya sa loob knowing someone likes me.

After that moment nag tuloy tuloy lang kami magpakilala sa isa't-isa, until it was getting late. hinatid ko siya pabalik sa school kasi may taga hatid sundo pala siya, nung pauwi nako nag text agad siya.

"HAIII HAIII hehe" "Grabe ka ah hinatid mopa ako pabalik yieee gentleman pala to i like it HAHA"

"luh haha" Mas nahahalata ko na talagang parang gusto niya ako, pasaya ako ng pasaya pag iniisip ko.

From there on, palagi na kami magkachat, madalas siya na fifirst chat at sobrang energetic kahit sa phone or f2f. Mas pinahalata niya everytime na gusto niya ako, and i think i'm slowly falling for her.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Roles reversed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon