......
Biglang napamulagat si Via ng maramdaman ang malamig na tubig sa kanyang buong katawan at ang hirap nyang paghinga.
Nakita na lamang nya ang sarili na nasa gitna ng madilim at malalim na tubig.
Unti unti na syang nawawalan ng hangin napatingin sya sa kanyang itaas at isang liwanag ang nag aanyaya sa kanya para abutin ito.
Hindi man marunong lumangayoy ay pinilit nyang maabot ang liwanag.
"Ughh." malalim ang sunod sunod na hinga nito.
Pagkaabot ng liwanag ay sya namang pagahon nya sa tubig. Napakapit sya sa kanyang dibdib.
Labis ang pagtataka nya ng mapatingin sa palagid. Wala syang masyadong marinig tangi lamang niyang nakikita ang mga taong nakabihis estudyante sa kanyang harapan na nakaturo at pinagtatawanan sya.
Nagtatakang inilibot ni Via ang kanyang tingin.
Sa paggalaw ng kanyang kanang kamay ay ramdam pa rin nya ang tubig ngunit ang kamay niyang napapalibutan pa rin ng tubig ay nakalapag na sa semento.
Napatingin sya sa kabuuhan ng paligid at napagtanto nyang nakasalampag sya sa sahig ng isang fountain na tuloy sa pagtaas at baba ng tubig. Basang basa din ang buo niyang katawan.
Nabaling ang tingin ni Via ng isang babae ang lumapit at sinampal sya.
Dahil sa pag sampal na iyon bumalik ang pandinig nya.
"You deserve that bitch actually kulang pa yan ang lakas ng loob mong guluhin si Madi at Ruine." hindi man alam ni Via ang nangyayari ay biglang uminit ang ulo nya at walang ano anong dalawang beses nyang sinampal ng malakas ang babaeng sumampal sa kanya.
Dahil sa pangyayaring iyon natahimik ang lahat halatang hindi nila inaasahan ang gagawin ni Via.
" Sino ka para sampalin ako huh?!" galit na tanong ni Via sa babae.
" H-how dare to slap me?!" nanggigigil nito sigaw at hinablot ang buhok ni Via
Napatayo si Via habang hatak hatak sya ng babae sa buhok sinabunutan din ito ni Via
Mahigpit na pagkakasabunot nya dito.
Nagsasabunutan sila ng mapasandal si Via sa estatwang nasa gitna ng fountain.
Halos mapasigaw ang lahat ng malakaa na itinulak ng isa pang babae si Via at dahil sa pagtulak na iyon nawalan ng balanse si Via .
Tila unti unting nag slowmo ang pagbagsak ni Via.
"AHHH!"
hindi na napigilan ng mga tao sa paligid ang mapasigaw ng ang ulo ni Viela ay tumama sa paa ng estatwa.
Agad nawalan ng malay ang dalaga at ang mabilis na pag agos ng dugo nito mula sa kanyang ulo ay kumalat sa loob ng fountain ngayon ay nakahiga ito at naliligo sa sariling dugo na may halong tubig . May bahid din ng dugo ang paa ng babaeng estatwa.
Takot ang rumihistro sa mukha ng ibang estudyante at ang iba ay gulat.
Hindi nila inaasahang magagawa iyon ng dalagang kanilang pinoprotektahan. Si Madilyn.
" Hin-hindi ko sinas-sadya." nanginginig ito at nag simula ng umiyak." G-gusto ko lang awatin sila." lumapit sa kanya ang isang binata at inalo ito.
" It's not you're fault aksidente lang. TUMAWAG KAYO NG TULONG!"
Nataranta ang ilang estudyante tumakbo ang iba para sa tulong at ang iba ay nanatili lang na pinapanood ang katawan ni Via na unti unti ng namumulta. Ang unipirme nito ay kulay pula na maging ang mukha ito ay may bahid din ng dugo.
YOU ARE READING
The Game Of Obsession's
RomancePaano kung isang araw magising ka nalang na nasa ibang katawan ka na at nasa loob ka pa ng isang libro. Kakayanin mo ba kung anim na lalaki ang mahumaling sayo? Makakabalik ka pa ba sa tunay mong mundo kung hindi mo alam kung paano at bakit ka napas...