Chapter 1

21 3 0
                                    

I can show you the world
Shining, shimmering, splendid
Tell me princess now endid
You last, let your heart decide.

I can open your eyes
Take you wonder by wonder
Over sideways in under on magic carpet ride.
A whole new world...

"A whole new world."

Sinasabayan kopa ang bawat lyrics ng kanta. Alam kona kahit hindi kagandahan ang mukha ko ay maganda naman ang boses ko.

"No one to tell us no..."

"Miss bayad nga.."

Kinuha ko naman ang bayad nya at kahit nang mai-abot ko ito sa drayber ng pampasaherong jeep na ito ay kumakanta parin ako.

Bigla kong nasamyo ang men's perfume ng katabi kong ito. At kahit sa pagbaba ko ng jeep ay sisinghot singhot parin ako. Ang bango naman ng pabango nya. Ang mahal siguro non. Balang araw makakabili rin ako non.

Anyway, pauwi na pala ako galing school. Dumaan muna ako sa bangketa na may mumunting tindahan na canteen. Tindahan na canteen ito ni Aling Puring. Dumederetso talaga ako dito tuwing hapon para bumili ng sikat at pinagpipilahan nyang tinda na Mami at Pares. May lugaw din syang tinda. Medyo mahal nga lang kapag may itlog, kesyo nga daw espesyal. E bakit yung asawa nya dalawa na nga yong itlog di parin espesyal. Ay! Ano ba itong pinagsasabi ko!

"Aling Puring dalawang Mami nga ho!"

"Aba ikaw pala yan Max.." masayang bungad nya.

" Ang Ganda mo talaga Max.. "

" Si Aling Puring naman o! Nasa dugo napo namin nyon! " Sabay wave ng buhok.

" Ikaw kang bata ka. O ito yung Mami mo."

Wala ng ngipin si Aling Puring pero masayahin sya. Ganon naman talaga dapat diba. Dapat lagi tayong masaya. Always be happy sabi nga sa Colgate.

Kaagad naman akong nag abot ng bayad Kay Aling Puring.

Aalis na sana ako ng biglang mapatingin ako sa Mami na hawak ko. "Ay teka.. sandali po. Bakit parang tatlo po yata itong naibigay nyo?"

Ibabalik ko na sana yong isa pero pinigilan ako ni Mang Berting." Birthday ko naman e kaya Libre nayong isa."

Ang bait talaga nitong mag asawang to. Kaya siguro sikat at dinarayo itong Mamihan nila. Ganon naman dapat diba!

"Salamat po!"

For sure mabubusog na naman nito si Bodoy ang bunso kong Kapatid. Dalawang taon lang ang aking tanda sa aking kapatid.
Nag aaral narin ito, graduating na ng senior high. Nakarating kaagad ako sa bahay.

"Wala pa ba si Tatay?" Hinubad kopa muna ang aking sapatos at inilagay sa shoe rack malapit sa pintuan.

Hindi ako sinagot ng kapatid ko sa halip ay kinuha nya yong dala kong pagkain. Nilagay nya kaagad ito sa isang mangkok. Nagsandok narin sya ng kanin.

"Ate kumain kana?"

"Dipa pero busog pa naman ako." Dumaan kasi ako kanina sa kaklase ko sakto na birthday nung kapatid nya kaya doon narin ako nakikain. Ikaw ba naman yayain dika paba kakain non? Blessing nayon!

"Kumain kalang dyan magbibihis muna ako sa itaas."

Mabilis kong tinungo ang itaas ng aking kwarto tyaka nagpalit ng pambahay. Mamaya nalang ako maglalaba maagap pa naman. Nagpulbo lang ako tyaka bumaba narin naabutan ko si bunso na kumakain parin.

" Hoy dahan dahan lang.. " hindi naman talaga sya mabilis kung kumain sinaway kolang baka mabilaukan. Pano ba naman kasi may laman pa yong bibig nya susubo na naman ulit.

To Meet Her Is A Coincidence Where stories live. Discover now