Chapter 4

9 1 1
                                    

MAAGA akong pumasok at kagaya ng dati kong kinaugalian ay hinatid ko muna ang aking kapatid sa kanyang school. Pagkarating ko sa loob ng campus ay tumingin pa muna ako sa 1st building, bukas ang pintuan nito kaya napaisip ako na baka may estudyante na sa loob ng room. Tumingin ako sa hagdan, huminga pa muna ako ng malalim bago naglakad paitaas.

Habang naglalakad paitaas ng building ay napatigil ako sa paghakbang ng may maalala. Sumagi bigla sa isip ko yong gabing sinundan nya ako pauwi, bakit kailangan nya pa akong sundan? Ni hindi rin sya nagpakilala? Hindi ko rin naman alam na sya pala yong sumusunod sakin.

No'ng gabing mangyari yon ay hindi ko alam ang aking sasabihin dahil nakita ako nila Tatay na may hinatid sa labas ng gate. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga oras na 'yon dahil kinakabahan ako kay Tatay.

At unang beses ko rin na magsinungaling kay Tatay maging kay Ninong. No'ng una ay ayaw pa nilang maniwala pero no'ng sinabi kong kaklase ko yong hinatid ko sa gate kalaunan ay naniwala din sila. Napaniwala ko silang dalawa na kaklase ko yong hinatid ko sa labas ng gate.

Pagpasok ko sa classroom ay naabutan kong nagreretouch si Monic, pasalampak akong umupo sa tabi nya. Paglingon ko dito ay saglit pa syang napatigil sa ginagawa tapos mariin akong tiningnan.

" Teh? Okay kalang?"

" Ang gulo.." sagot ko na ikinataas ng isa nyang kilay.

" Kapag dika nagreview talagang naguguluhan ka sa quiz."

Nag review na ako pero sabog ang aking utak sa mga nangyari. Totoong naguguluhan ako no'ng gabing mangyari iyon at hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na sa isang iglap ay nangyari ang hindi dapat mangyari. Wala talaga akong kaalam alam na sya pala yong sumusunod sakin papasok ng eskinitang iyon. Napaisip rin ako na bakit kailangan nya pa akong sundan sana dapat binigay nya kaagad yung I.D ko  habang nandoon pako sa loob ng dyip.

Hindi ba sya aware na talamak ang rapist sa Lugar namin? At maraming nagkalat na holdaper sa Lugar namin. Hindi rin ba sya aware na eskinita yung papasukan nya? Hindi rin ba sya aware na nakakatakot ang Lugar na 'yon? Naka jacket sya ng itim tapos khaki na pants no'ng gabing sinusundan nya ako kaya siguro sino ba namang hindi mapapagkamalan syang rapist?

Mayaman sya diba? Dapat aware sya sa Lugar na pinasukan nya. Eskinita yon hindi subdivision. Talamak ang rapist sa Lugar namin kaya kapag papasok ako sa eskinitang 'yon ay lumiliko ako ng dinadaraanan shortcut kumbaga. Madilim kasi ang parte na yon kaya siguro may nararape. Yung shortcut na sinasabi ko ay daan papunta sa canteen nila Mang Berting at Aling Puring. Iyon lang kasing iyong parte ng daan na hindi madilim at nakakatakot.

At sa unahan lamang ng canteen ng mag Asawa ay one way road daan kung saan  papasok sa bahay namin. Hindi ko nga rin alam bakit naging one way road yon pero kabilaan ang dumaraang motorista.

Pagkatapos ng maghapong klase ay nauna ng umuwi sakin si Monic may pupuntahan daw silang importante ng mga magulang nya, ako naman ay dumeretso sa library.

Chemistry at Physics lang ang kinuha kong libro sa library tyaka lumabas narin ako. Pagtingin ko sa orasan ng aking phone ay Pasado alas  syete narin pala ng gabi.

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko sa sala na may kausap si Tatay, hindi ko alam kung sino ang kausap ni Tatay. Nakatalikod kasi sakin yung kausap ni Tatay kaya hindi ko batid kung sino ito. Baka siguro isa sa mga kaibigan nya.

Hinubad ko muna ang sout kong sapatos tapos nilagay sa shoes rack malapit sa pintuan namin. Hindi nako nag abalang lingunin sila Tatay sa sala dahil umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Pagtingin ko sa pinto ng kwarto ng kapatid ko ay nakabukas ito pagsilip ko sa loob ay nakadapa ito sa kanyang kama habang sinasagutan ang kanyang homework.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Meet Her Is A Coincidence Where stories live. Discover now