Hanggang sa pag uwi ko sa bahay nakikita ko parin yung pagmumukha ng lalaking yon. Kainis! Bakit naman kasi sa dinami dami ng taong na pwedeng makasabay ko sa jeep sya pa? Napailing iling na lamang ako.
Pagpasok ko sa bahay ay walang tao, tulog na siguro ang mga ito. Dumeretso na ako sa kwarto para magpalit ng damit. May uniform pa naman ako dito kaya bukas na lang ako maglalaba. Pagkatapos kong magbihis bumaba naman ako para tingnan kong may mga stocks pa sa ref. Mabuti at meron pa naman.
Nagluto lang ako ng Nissin Cup Noodles na ang flavor ay Spicy Seafood. Tinakpan ko muna ito tapos pumasok ulit ako sa kwarto para tingnan kong may message ba si Monic. May message nga sya nagreply naman ako. Video call nalang daw since tinatamad daw syang magtype.
[" Bago ko pala makalimutang sabihin sayo bukas na nga pala ipapakilala yong bagong principal ng school natin. Balita ko mayaman daw yon teh tyaka yung anak non ay nag aaral daw sa mismong campus natin."]
Good to know kung ganon. Sa tagal tagal ng panahon ay ngayon nalang ulit napalitan yong bagong principal, retired na ito since matanda na.
Nakinig lang ako sa sinasabi ng babaeng to. [" And then....sabi nila yung anak daw nong bagong principal natin ay saksakan daw ng sungit. Oo teh sobrang sungit daw."]
Saan naman kaya ito nakakuha ng chismis?Ewan koba sa babaeng 'to araw araw nalang nakakasagap ng chismis. Nakanguso pa sya sa screen while wearing her anti-radiation glass. Nabanggit nya rin na need daw gumawa ng letter of Welcoming. Para saaan naman kaya yan? Baka siguro doon sa bagong principal na papalit. Humigop pa muna ako ng sabaw bago nagsalita.
"Letter of Welcoming ba kamo?"
[" Yes, we need to make that para don sa bago nating principal. Balita korin daw na mabait yong bagong principal natin."]
" O, e mabait naman pala wag na gumawa. Pero sila yon hindi natin sila mapipigilan kong magpapagawa sila ng ganyang bagay."
[" Yeah ang daming dama. Wait nagchat sakin yung kaklase natin sinabi yong name no'ng bagong principal. Tingnan ko nga."]
Ini-announce lang nila sa buong campus na papalitan na daw yung retired principal pero hindi nila sinabi kung anong pangalan nung bagong principal na papalit. Kaya siguro ganon na lamang ang curiosity ng mga estudyante sa campus namin. Pati tuloy ako na-curious na principal nayan.
[" Ito name nung new principal natin teh...Silvero Fredo Velasquez." ]
Bigla akong napatigil sa pagsubo. Anong meron sa pangalan nayan at bigla na lang akong pinangilabutan. Bigla na lamang nanindig ang aking mga balahibo sa batok. Such a weird lang. Sinabi pa ni Monic yong name ng anak nito pero sa nakatutok yung atensyon ko sa pangalan ng bagong principal namin.
Inabot kami ng tatlong oras kaya ako na ang sumuko inend ko kaagad ang Video call baka maubos na naman 'tong pinaload ko kanina. Gagamitin kopa itong load ko kinabukasan. May binili naman na WiFi ang tatay pero mas gusto ko parin gumamit ng Data. Humihina rin kasi pagminsan itong WiFi namin.
Pagkatapos kong mailigpit ang kalat sa mesa ay naghugas narin ako. Uminom pa muna ako ng tubig bago umakyat sa aking kwatro, pagkahiga na pagkahiga ko ay naisip ko yong pangalan ng bagong principal namin.
Ngayon kolang narinig yong pangalan na iyon pero para sakin ay matagal kona syang kilala. Baka sa pagod kaya ganto ang mga iniisip ko.
YOU ARE READING
To Meet Her Is A Coincidence
Tiểu Thuyết ChungTo Meet Her Is A Coincidence Is a story of a girl who meet a numb and mysterious guy. A guy who doesn't felt love. He's numb again to fall inlove. A guy name Shawn Velasquez. But one day he coincidentally found a girl who changed his personality. A...