***
Nagulat ako ng biglang may humapit sa akin, paakyat na kasi ako sa room dun ko na lang hihintayin si Charlotte.
Si ian pala, ang saya lang kahit na hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila kaibigan pa rin tingin nya sa akin.Ayaw ko naman kasi iwanan si Charlotte na kick out na nga si Arya at Stephen dahil sa pregnancy thingy na yan. Iniiwasan naman ni Charlotte si ian kasi nga nahihiya sya lalo na tuwing naalala nya yung ginawa nya kay ian, Sabi nga nya pwede naman na sumama ako kala ian pero syempre hindi ko sya iiwan best friend ko sya.
"Hi....Louise!" Si Axel na katabi ko kaya medyu nahiya na naman ako, ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.
"Pina-order ka ni ian?" Tanong nito na kinatango ko. Mag sasalita sana ako ng mapansin ko pumasok na si Charlotte sa room namin kumaway ako sa kanya na nginitian ako saka tumungo ng tingin ng dumako ang tingin nito sa katabi ko kaya pala naka ismid itong katabi ko.
Actually walang problema kay ian eh, pansin ko hindi nga pinapansin ni ian si Charlotte pero itong sila Axel pag nakikita nila ang kaibigan ko na iba mga expression ng mukha, especially Lincoln masama talaga tingin nya kay Charlotte.
Narinig ko nga minsan binantaan ni Lincoln at Zoe si Charlotte na pag may ginawa pa ito kay ian sila na makakalaban ni Charlotte.Nauunawaan ko naman dahil subrang durog talaga si ian that time, kaya nga ginagawa ko ang best ko to stay kay Charlotte pinaparamdam ko na may kaibigan din sya na handang damayan sya lalo na nakikita kong nag- sisi sya sa lahat ng ginawa nya.
*TIME SKIP*
Kasalukuyan naka pila kami ni Charlotte ng dumating sila Axel wala si Zoe at ian mukhang sa tambayan sila kakain, nitong mga nag daang linggo dito sila kumakain sa canteen saka nag mamadali lahat kasi nga busy.
"Hi ....Louise!...sa tambayan kami kakain sama ka?" Si Axel na hindi ko maiwasan mamula talaga ang gwapo kasi.
"Aahhh....kasi--" sagot ko dito saka ako tumingin kay Charlotte na naka tingin sa din kanila syempre seryuso mukha nila nandito si Charlotte eh.
"Okay lang naman Lou...you can join them" Nakangiting sabi ni Charlotte na kinailing ko, " Next time na lang Xel..." Pag tanggi ko kay Axel na kinangiti lang nito.
"Well....ian knows na hindi ka sa amin sasabay kaya naman pinapabigay nya ito para sayo!" Anito saka inabut sa akin ang isang maliit na paper bag.
"Luto yan ni ian!" Bulong pa nito saka kumaway sa akin saka sila dumeretso kung saan si Tyree na nauna na pala.
"Wow!....luto ni ian!!" Mahinang bulalas ko hindi tuloy ako makapag hintay kumain.
"Pwede ka naman talaga sumabay sa kanila.." ani Charlotte hindi ko na lang sya pinansin bagkus binuksan ko ang tupperware na nasa paper bag.
"Chicken!...we need rice Charlotte!" Sabi ko dito, na kina maang nya saka tinanung ako kung ano daw ba itong nasa paperbag.
Agad na lumabas ng canteen ang Lima kumaway pa nga si Axel at Wyatt sa akin kami naman nag hahanap na ng pwesto hindi kasi kami tulad nila Axel pag dito sila kakain sa canteen may upuan agad sila.
Naka hanap kami ng mauupuan malapit sa pintuan pang dalawahang upuan lang, nag order ako two cups of rice tig isa kami ni Charlotte which is ayaw nya ng rice kasi may burger daw sya pero syempre gusto ko matikman nya ang luto ni ian, hindi ko naman sasabihin luto ito ni ian.
Hinati ko nga yung rice saka nag mamadali akong buksan ang tupperware pag bukas mo palang maamoy mo talagang masarap sya.
"Hmmmm....ang bango!!" Mag kasabay namin na sabi ni Charlotte na kinatawa namin, hindi na sya tumanggi ng bigyan ko sya, isang malaking part ng hita kasi yun kung hindi ako nag kakamali chicken inasal ito.
"Ang sarap!!...saan pwede maka bili nito?" Tanong ni Charlotte sa akin habang ngumunguya.
"Hindi ko alam eh!" Kunway na sagot ko dito saka sumubo na rin grabe! I'm sure ako na mananalo si ian sa darating na Cooking competition ngayun inter high!
"Please...ask Axel kung saan restaurant ito nya binili!" Pangungulit ni Charlotte sa akin na sinagot ko na lang ng Oo para Di na mangulit pa.
Hindi ko kasi alam kung ano magiging reaksyun nya na luto yun ni ian, Ngayun nga pabalik na kami ng room simula ng nang yari yung about sa kanila ni ian medyu may hater na si Charlotte kaya sa room na kami tumatambay.
Minsan nga tinanong ko sya kung okay lang talaga sya, Sabi naman nya medyu okay na mas masakit kasi daw yung part na best friend nya yung nanluko sa kanya.
I admit naman na talagang mas close sya kay Arya pero andito naman ako papatunayan ko sa kanya na ako ang tunay nyang kaibigan.
***
Charlotte 🧁 Louise
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...