CHAPTER FIVE - Transferees
Few days later, we're back at school again for the second semester. Halos nasa school kaming dalawa ni Ambrozia ng dalawang araw dahil inayos namin ang enrollment namin pagkabalik namin sa vacation trip. Hindi rin naman madaling magpa-enroll ng super late kaya inayos na din namin agad nitong kaibigan ko.
As for the vacation trip...
I must really admit that I had enjoyed it. It is something... I can keep to my heart and a treasured memory. Plus I have new friends. Of course, before kami umalis ay nagpaalam kami sa kanila Bryan, Caspian, Dominic, Hillary, Esther at August. Ambrozia exchange contacts with them since nasira nga yung phone ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong phone pero ayos lang dahil may laptop naman ako. May pangbukas pa rin ako ng mga social media ko, ayun lang ay hindi ako mako-contact agad-agad.
August apologized for what happened to my phone and I accepted it. Everything was water under the bridge so I have no reason to not accept it. Anyway, hindi ko naman kailangan masyado ang phone ko dahil mas tutok ako sa laptop ko kapag start na ng klase since doon ako humahanap ng reference ko for my plates. They also encourage us to use digital editing photoshops to create 3D model designs since we're already in a digital age as well as to prepare us.
"Kapagod, teh!" nilapag ni Ambrozia ang tray na dala niya sa mesang uupuan namin saka siya naupo.
Nilapag ko rin ang akin at naupo rin sa tapat niya. Napabuntong-hininga ako.
"Kaya nga eh. Pero at least tapos na. Pasukan na sa Monday. Jusko! Sasabak na naman sa gyera." uminom ako sa coffee float ko at nag-umpisa nang kumain.
Nagugutom na ako eh, nahihilo na nga ako. Sobrang daming students kahit malapit na ang start ng pasukan. Idagdag pa ang mga fresh graduates na kumukuha ng mga credentials or documents nila for employment or board exam.
"Hindi ka ba talaga magpapalit ng course? Hindi ka talaga magnu-nursing, Gorya?" tanong ni Ambrozia.
Tinaasan ko siya ng kilay at nilunok ang pagkaing nasa bunganga ko.
"Hindi. Second year na tayo, teh. Ilalaban ko na itong Architecture course ko noh! Isa pa, mas gusto ko ang arts di ba? Advantage ko na iyon dito sa course ko. Isa pa, allergic ako sa ospital." napangiwi ako.
"Allergic ka diyan!" inismiran niya ako at inirapan.
Hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Nakikinig naman ako sa kanya dahil may sinasabi siya.
"Anyway, alam mo ba kung saan nag-aaral sila Caspian? Nakalimutan ko kasi silang tanungin. Ayaw ko naman mag-message sa kanila para tanungin lang 'yon. Saka ayoko nga mag-first move!" tanong niya.
"Wala naman sila nabanggit tungkol sa school nila. Bakit?" tanong ko pabalik.
"Wala lang! Parang mas okay kasi na magkakasama tayo. Maganda silang kasama eh." napakibit-balikat siya at uminom ng pineapple juice niya.
"Ang sabihin mo, para makasama mo si Caspian! Halata ka, teh! Wag ka na magpanggap." binato ko siya ng tissue paper.
"H-Huh?! Anong sinasabi mo?! Issue ka, teh!" maang-maangan na sinalo niya ang tissue paper.
"Asus! Ako pa talaga ang niloko mo? Wag ako. Crush mo si Caspian, no? Aminin." pang-aasar ko sa kanya.
She blushed.
"Tigilan mo ko, Gorya. Ang issue mo talaga."
Tinawanan ko siya at umiling. Susubo na sana ako noong matigilan ako sa sinabi niya.
"Hindi si Caspian... Si August." mahinang sabi niya at tumikhim. Umayos siya ng upo. Naibaba ko ang kamay kong hawak ang kutsara.
Kinuha ko ang coffee float ko at uminom. Hindi ko alam bakit biglang sumikip ang dibdib ko noong sabihin niya ang totoong gusto niya.
BINABASA MO ANG
Stolen Dance
RomantikOne vacation trip. One stolen dance. Gorya Abalos never intended to fall in love with August Manuel, the man whose her best friend likes and the one who stole her first real dance. She never intended to fall in love with him because Gorya always tho...