Chapter 1 - August
I'M silently observing some pairs dancing sweetly in the middle of the dance floor. Some of them don't know each other and just met. Some of them are friends and just wanted to dance so it won't be waste going here.
Isa ang sayawan sa tradisyon ng mga Pilipino kapag may ikakasal o piyesta sa barangay nila at kadalasan ay sa mga baryo ito nangyayari. It is a Filipino culture.
Pagkatapos ng gabing ito ay kasal na kinabukasan. Ganun sa mga baryo. Sayawan sa gabi, kasalan sa umaga. At alam niyo ang pangit sa ganun? BANGAG kang pupunta sa kasal dahil umaabot ng ala-una ng hatinggabi ang sayawan. Yung iba nga, hindi na natutulog eh.
"Goryang..."
I heard my best friend— Ambrozia's voice calling my nickname. Napatingin agad ako sa kanya na may nagtatanong na mata at napansin kong may gwapong lalaki ang nasa tabi niya. Agad ko namang nakuha ang nangyayari.
"Iwan ulit muna kita hah? Babalik din ako."
I nodded, "Ayos lang ako dito. Baliw ka ba? Alam mong ayaw ko sa mga ganito eh. Sinamahan lang talaga kita." pataray na sabi ko pero nakangiti naman— na parang peke dahil sa namumuong inggit sa dibdib ko para sa kanya. Kasi tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko ang pangit-pangit ko. Nai-insecure ako sa kanya madalas pero wala naman akong magawa dahil alam kong pangit talaga ako. Lol. Truth hurts.
Isa pa, matagal ko nang tinanggap na di talaga ako lapitin ng lalaki at di ako kainte-interesado sa mga kalalakihan. Kumbaga sa laro, ako yung di nila trip na laro kasi boring o di kaya pangit. Di nakaka-thrill. At kung ihahambing ako sa bulaklak, ako yung bulaklak na nakakalason sa mga bubuyog kaya iniiwasan ako.
"Sige. Babalik din naman ako. Madali lang 'to. Tsaka kapag may nag-aya sayong sumayaw, wag mo i-reject hah? Bawal yun. Pamahiin." paalala niya at tumango na lang ako kasi alam ko namang walang magsasayaw sakin.
Confident ako sa bagay na 'yon.
Umalis na sila sa harapan ko at nag-sayaw na doon kasama ang ilang mga pares sa sayawan. Ako? Nakatunganga lang ulit. Tumitingin kahit saan. Nag-iisip ng mga kung anu-anong mga bagay. Mga bagay na mas lalong nagpapapababa ng self-confidence ko.
Errr. Don't think too much, Gorya. It's unhealthy.
Napapikit ako at napahinga ng malalim tsaka binuga din agad. Bagot na bagot na ako. Walang ibang nangyari doon kundi sumayaw lang at sumayaw hanggang sa mapagod sila. Pero ako ay pinanuod lang sila. Wala namang nagtatangkang magsayaw sakin eh.
Minsan ay nakikisama naman akong sumayaw kapag dance for all na at nakikitawanan ako kahit na ang ginagawa ko lang naman ay magpalakpak habang nagsu-sway ng mahina.
Ganun lang ang eksena ko kahit pa nagsayaw na iyong ikakasal tapos ay balik ulit sa party songs. Napaka-boring. Sana man lang ay makita ko ulit yung gwapong lalaki kanina. Di ko na kasi siya nakita simula nung makita ko siya kahapon ng umaga na nagba-bike kasama ang mga kaibigan niya. Kainis!
"Hoy, 'te. Di ka pa ba inaantok?" tanong ko kay Zia matapos kong humikab at makabalik siya sa upuan niya. Antok na kasi ako dahil pagod na ako— pagod sa kakanuod sa kanilang sumayaw at tenga kong pagod sa malakas na tugtog. Sumasakit na rin mata ko sa iba't ibang kulay ng ilaw. Isa pa, alas dose pasado na. Maaga pa kaming gigising dahil abay ang babaeng ito sa kasal. Sinama niya lang din talaga ako dahil sabi niya ay gusto niyang ako ang mag-ayos sa kanya kasi siguradong pangit ang makeup ng mga mag-aayos sa mga abay. Which is medyo totoo.
"Inaantok ka na? Sayang naman. Gusto ko pang magsayaw-sayaw eh. Mamaya na muna please?" sabi niya. Napailing ako, "Inaantok na talaga ako, Zia. Tignan mo 'tong mata ko oh. Pumipikit na." rason ko pero totoo naman. Umiiwas na rin kasi ako sa sweet at slow dance dahil kapag nakikita kong madaming lalaki ang nagsasayaw sa kanya at sakin ay wala, naiinggit lang ako at kinukwestyon ko ang pagkatao ko. At hindi iyon maganda. I do avoid things that are unhealthy to me, especially to my mind, soul, and heart.
BINABASA MO ANG
Stolen Dance
RomanceOne vacation trip. One stolen dance. Gorya Abalos never intended to fall in love with August Manuel, the man whose her best friend likes and the one who stole her first real dance. She never intended to fall in love with him because Gorya always tho...