Prologue
There will be a time in your life where you look back... to reminisce and to remember how these memories and moments of your life made you feel happy and joy, fears and doubts, sadness and pain, and perhaps, nothing at all.
Regardless of how these memories or moments made you feel, it always has special place in your heart and probably, most of these memories are what you treasured in this life.
"Gorya~ Frenny~" napapikit ako sa matinis na boses ng kaibigan ko.
Nakatalikod ako sa direksyon niya dahil nakatingin ako sa labas ng bintana sa loob ng room ko sa hapong iyon. Hinihintay ko lang kasing mag-dismissal at ito ang kadalasang ginagawa ko bukod sa pagpho-phone kapag naghihintay— ang mag-muni.
"Hoy! Ano? Napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ko sayo? Sagot mo na lang hinihintay ko, Anteh!" kulit niya sakin. Napakamot ako ng ulo ko, "Kailan ba alis niyo? Para namang mamamatay ka kapag di ako nakasama eh." I rolled my eyes at her.
"Shungey! Talagang mamamatay ako sa boredom kapag di kita kasama! Ito ngang college na tayo eh bored na bored na ako dahil di tayo same ng course! Kung ba't kasi ang talented mo sa arts, samantalang ako ganda lang! Pero at least may ganda, di ba?" tinapik niya ang baba niya gamit ang likod ng palad niya saka ngumiti.
I pretended to vomit. Umirap siya.
"Anyway, sige na please? Sumama ka na. Minsan lang naman 'yon eh." pagpupumilit niya habang nagpapa-cute sakin.
Mukha namang dagang nalason 'to.
"Kahit palagi pa. Ayoko ng mga ganun. Kaya tigilan mo na ako, Ambrozia Gil." bugnot na sabi ko at tinalikuran siya. "Kasi naman eh! Sige. Isang tanong, isang sagot. Oo o Hindi? Kapag Oo, ako bahala sa isang buwan na allowance mo! Sayang din yun. Pambili ng mga anek-anek mo." suhol niya.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"HINDI PA RIN."
Bumagsak ang balikat niya at tumigil na sa kakakulit sakin. Tinalikuran ko ulit siya at nag-muni na naman. Iniisip ko kasi iyong mga bagay na gusto kong gawin na di ko pa kayang gawin ngayon. Wala lang. Baka magawa ko na in the near future. Advance kasi ako mag-isip.
BINABASA MO ANG
Stolen Dance
RomanceOne vacation trip. One stolen dance. Gorya Abalos never intended to fall in love with August Manuel, the man whose her best friend likes and the one who stole her first real dance. She never intended to fall in love with him because Gorya always tho...