02

225 5 0
                                    


CHAPTER 02
hya
⋆˚✿˖°


Days seemed to slip through my fingers like sand, yesterday we were still watching different sport competition during University Week, the next thing I knew, Christmas was already knocking at my door, and it was immediately followed by welcoming of another year, in which of course, I wasn't quite ready for.

Halos hindi ko nga maalala kung anong ginawa ko sa mga araw na 'yon. Kung hindi natutulog at nakikipag-usap sa mga halaman at manok ay nagbabasa lang ako ng libro.

I'm not fond of technologies or more specifically gadgets, kaya kahit may cellphone ako ay hindi ko ito masyadong ginagamit. Iyong social media accounts ko nga ay inaamag. Hindi ko ito masyadong nabibisita, maliban nalang sa messenger account ko sa tuwing may klase kasi roon nag-u-update iyong mga profs, e.

Ang boring ng buhay ko.

Iyon ang sabi ng iba. But for me, it was actually fine. It's peaceful. Life away from social media or public is literally the best. Much more that I'm living alone and I could do anything I wanted to do.

"Huy, mga bebs, narinig niyo ba 'yong chismis?"

"What chismis?" Aisha asked, confused.

Kunot-noo rin akong napalingon kay Zoella habang naglalakad kami. "Ikaw lang naman chismosa sa samahan natin kaya pa'no namin malalaman?"

Pasukan na naman ulit matapos ang medyo mahabang Christmas Break. If you'll look at the calendar, it seemed to be a long holiday. Dagdag pa na kakatapos lang ng sinulog kaya second week of january ang balik ng pasukan. Pero pakiramdam ko ang konti parin! Pwede bang mag-request na gawing isang taon iyong christmas break?

"Kahit kailan napaka-epal mo talaga, Hyacinth!" inis na sabi ni Zoella at sinimangutan ako. "May gusto lang naman kasi akong i-share tungkol kay, Amber Leigh!"

"Oh?" nakuha niya agad ang attensyon ni Aisha. "What about her?"

"As usual, feeling main character parin. Naalala niyo pa ba? October last year? Iyong muntik na s'yang himatayin dahil tinignan daw siya ni Ravi?"

Tumango-tango si Aisha samantalang ako'y tahimik lang nakikinig. Hanggang ngayon ba ay naiinis padin siya roon kay Amber Leigh? Ang tagal na noon, ah? Dumaan na ang mahabang christmas break.

Naku, ibang klase talaga magtanim ng sama ng loob itong si Zoella. Nakakatakot! Dahil mukhang babaunin niya na ata ito hanggang kamatayan, e.

Sabay kami ngayong naglalakad sa campus kasi tapos na iyong huling klase namin sa hapon. Silang dalawa ay uuwi na raw pero ako gusto ko pang manatili sa school kasi maaga pa naman. Gusto kong tumambay muna sa library.

"Hindi parin pala siya naka move on, beh!" Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zoella at nagkasalubong pa ang magandang hubog ng kilay. "Ilang months na ang nakalipas pero iyon pa rin bukangbibig niya hanggang ngayon. Siguro kahit dumaan na ang ilang taon hindi parin 'yon titigil talaga! Parang tanga lang!"

"Well, I haven't seen Ravi showing interest towards her." Aisha shrugged her shoulders while drinking her grape juice, staying calm and composed. "Right now, Ravi's focusing more on his studies and training. Graduating na kasi sila ng Grade 12. Also... kapag may type siya na girl he would surely make a move naman. He's not the type of guy who would chicken out and wouldn't even shoot his shot. I know he's really gonna pursue her, narinig ko usapan nila ni kuya one time, e. So leave Amber alone nalang, she'll get tired of all her deluluness anytime soon."

If All Else Fails (Light Bearers Series #1)Where stories live. Discover now