06

34 1 0
                                    

CHAPTER 06
hya
⋆˚✿˖°


Nagpatuloy ang mga araw, linggo at buwan, at naging busy na ulit kami sa acads. Ang bilis lang talaga ng paglipas ng araw. Na para bang may kung sinong nagtutulak sa sun at ang bilis nitong mag-set kaya hayun at sa isang iglap lang ay panibagong araw na naman.

We're already on the month of October, and finally, university week na!

Ngayon lang talaga ako natuwa ng todo na may event sa school. The past weeks kasi feeling ko sasabog na iyong utak ko dahil sa long exams. Hate ko talaga ang mahahabang exams, lalo na kapag may katabi kang dumbbell.

Shet, nakaka-putangina talaga! Hindi ko pa naman close, tapos kung makahingi ng answer akala mo talaga responsibilidad ko 'yon. Wow!

Minsan tuloy binibigyan ko siya ng maling answer lalo na't naghirap akong mag-compute tapos ko-kopyahin niya lang ng basta-basta. Matutuwa na sana ako, e. Ang pangit nga lang kasi nalaman niyang mali iyong binigay ko kaya nagalit. Nasapak tuloy ni Zoella. Siya na nga raw 'yong nango-ngopya tapos siya pa iyong nagrereklamo? Aba, hindi rin naman halatang makapal ang mukha niya.

Mabuti sana kung working student siya, tapos walang maayos na tulog kaya hindi nakapag-aral. Aba, kung ganoon ang sitwasyon, baka kunin ko na test paper niya at ako na ang sumagot. Kaso iyong katabi ko ay mayaman naman 'yon. Puro party lang inaatupag kasi hiniwalayan ng boyfriend. Kaya hayun, hindi nakapag-aral ng maayos. At saka, halata ring expert na expert na siyang mangopya kasi hindi talaga siya nahuhuli. Stressed tuloy ako masyado during exam week.

But, at least, now... I'm finally free!

Patambay-tambay lang ako sa library o 'di kaya'y sa students park. Kasi naman, hindi ko bet ang um-attend talaga ng mga programs. Ang dami kasing tao! Lalo na ngayon na university week! Palaboy-laboy lang sa kung saan ang mga tao. Kadalasan ay pumupunta ako saglit tapos kapag hindi na talaga kaya ng powers ay lumalabas din ako agad. Wala rin naman akong sinalihang sports, e.

Usap-usapan din ng lahat iyong pagkapanalo ng representative ng Wintercrest sa swimming, iyong galing sa College of Engineering, iyong kaibigan nina Kenzo na bulok mag-basketball.

He brought home a gold medal and became the pride of the school. Narinig ko pa sa iba na wala siyang pinalampas na taon, three years straight siyang naging representative ng school at hindi naman niya binigo ang paaralan dahil palagi niyang naipanalo.

"Hyacinth, where are you planning to go na naman this time?" Jacob whispered when he noticed me slowly exiting the auditorium.

It's the second day of University Week, at kakasimula lang ng larong basketball and kailangan naming manood kasi from STEM Department iyong isang team. Required daw na mag-cheer kami. Kalaban namin ngayon ay ABM. STEM at ABM pa naman iyong maraming audience kaya para nang nagpalakasan ng cheer ang lahat.

"You can't go anywhere, kailangan pa nating mag-cheer. Narinig mo naman kung gaano kalakas iyong kabilang strand, 'di ba?"

"S-T-E-M! S-T-E-M! S-T-E-M! STEM DEPARTMENT ABOVE ALL STRANDS! S-T-E-M! S-T-E-M! S-T-E-M! STEM DEPARTMENT HERE WE GO -- Aray ko, pucha!"

Napahawak talaga ako sa lalamunan ko matapos makipagsigawam sa iba. Shuta! Ang sakit talaga! Parang lalabas na kasi iyong vocal vords ko sa lakas ng sigaw ko, e. Napangiwi tuloy si Jacob habang nakahawak sa tenga niya. Nakaharap ba naman ako sa tenga niya nang sumigaw ng malakas.

When All Else Fails (Light Bearer Series #1)Where stories live. Discover now