CHAPTER 04
hya
⋆˚✿˖°
"Let's go, Ravi!"Sigawan ng mga tao ang pumuno sa buong indoor swimming arena. Unti-unti na kasing nagsilabasan iyong mga representative ng iba't-ibang departments. I could feel that this is not a very serious competition to some contestants kasi hindi ko man lang sila makitaan ng kaba.
Napapangiwi pa nga ako sa tuwing may natatanaw akong masyadong feeling pogi. Lumalaki kasi iyong ulo porque tinitilian ng marami. Hindi ata aware na kaya sumisigaw ang mga 'yon dahil inutusan ng mga prof. Baka nga may plus points pa 'yon, e!
Nagsimula naring hiyawin ng mga students iyong cheers na inihanda nila kaya sobrang ingay talaga. May mga cheerleaders pa nga iyong ibang colleges, e.
"Par, hindi ba at October pa naman 'yong University Week? Bakit ang aga naman ginanap ng swimming competition? August palang tayo ngayon, ah?"
Kanina pa talaga bumabagabag sa isip ko ang tanong na 'yon. Kadalasan kasi sa sports competition nagaganap tuwing university week. Pero august palang ngayon at ginanap na ang swimming competition.
"Ewan, may AwitSayaw kasi sa University Week. Kaya siguro mas maaga ginanap 'to para makapag-focus iyong mga students sa practice. Balita ko, last year nagreklamo raw iyong ibang colleges dahil wala nang masyadong audience sa ibang sport dahil masyadong inaabangan ang swimming competition."
"Ganoon ba? Eh, ano 'yong sabi ni Aisha kanina na kung sino iyong mananalo rito ay siya ang magiging representative ng Wintercrest?"
"Ay, oo nga pala," napakamot si Kenzo sa ulo niya at bahagyang natawa. "Mukhang iyan talaga iyong main reason. Nakalimutan ko, pasensyan na..."
Napanguso ako. "Kung ganoon, hindi ba at masyado pang maaga ang month of August?"
"Ewan ko rin talaga, e. Mukhang busy narin kasi iyong ibang months kaya siguro August iyong napili nila."
Napakamot nalang ako sa ulo ko at nag-focus na sa harap. People are still screaming. Mukhang hindi pa ata complete lahat ng contestants kasi konti palang din naman 'yong lumalabas.
"Saan na ba 'yong taong 'yon?" Tanong noong kaibigan ni Keluah na mukhang traffic enforcer. "Nagsilabasan na iyong iba pero siya wala pa?"
"Baka hinimatay na 'yon, p 're!" halakhak na naman nitong pilay na katabi ni Kenzo, iyong mukhang si Kim Taehyung.
Ano kayang nangyari sa paa niya? May bandage kasi iyong toe fingers niya, e. Siguro ni-literal niya ang kasabihang 'break a leg'.
Maya-maya lang, naghiyawan bigla ng sobrang lakas ang mga tao rito sa banda namin nang may dalawang lalakeng swimmers na lumabas kasama ang mga coaches nila. Nakasuot narin ang mga ito ng swimming wear pero nakabalot pa ang itim na track jacket sa katawan nila.
"Tignan niyo mukhang hindi na marunong maglakad ang gago! Hahaha! Parang robot! Hayop!" pasigaw na sabi na naman nitong pilay na kaibigan ni Kenzo.
Hay, ano ba kasi ang pangalan niya? Para naman hindi ako pilay nang pilay dito.
"May binubulong, p 're. Ano kayang sinasabi niya? Tawang-tawa si coach, e." Kalmado pero natatawa rin namang sabi ni Kenzo.
"Hoy! Umayos ka, Tol! Kung maglakad ka d'yan para kang bagong tuli!" napakalakas na sigaw noong mukhang traffic enforcer na siya namang naging dahilan upang sumabog sa malakas na halakhakan ang lahat.
I don't belong here. I feel so lost, like a baby shark lost in the river, choz!
Shuta kasi, hindi ako maka-relate talaga sa pinag-uusapan nila. Sino na naman ba kasi 'yong pinagtatawanan nila? Pati si Aisha ay tawang-tawa rin, e. At saka, nasaan ba kasi si Zoella? Sana siya nalang iyong sinama ni Aisha rito! Bakit ba kasi ako iyong naisipan niyang hatakin?!
YOU ARE READING
If All Else Fails (Light Bearers Series #1)
RomanceSoraia Hyacinth experienced saudade after the devastating loss of her first love. She vowed never to let anyone close to her heart again. Throughout the years, she built strong walls around herself, determined to avoid the agony of heartbreak. But...