KalliopeMondays are usually the most hated day of the week by students because it marks the start of another academic responsibilities to face. It includes an engineering student like myself. Usually kasi Lunes nagbibigay ng quiz ang ibang professors after the weekends. But today’s different.
Today is the start of the much awaited SLU’s annual sports fest that serves as the school intramurals. At dahil first year pa lang ako ngayon, ito ang unang beses na mararanasan ko iyon.
I’ve already heard rumors and stories about the last year’s sports fest, and so far, all of them are stories of enjoyment and fun. Maging sina Mika at Renz ay excited na para sa panimula ng event ngayon, lalo pa at kasali sila sa mga players na pambato ng aming department.
Another good thing about this event is that the opening program will start at 9 am! Kaya nakatulog ako ng mahimbing kahapon at 8 am na gumising ngayon. I feel like my energy from last week’s hussle of activities are replenished. A good sign to start the day.
Dahil isang sakay lang naman ng tricycle ang layo ng University sa tinitirahan kong dorm, hindi ko na kailangan pang gumising ng napakaaga para umabot sa attendance. Sure kasi ako na kahit quarter to 9 na ako umalis ay maaga pa ako ng ilang minuto makakarating.
After gulping the last bit of my breakfast, I immediately took a bath. Even the water feels nice today. Sakto lang ang temperatura nito sa maputi kong balat. Matapos maligo, nagsimula na akong mag-ayos ng sarili. The College of Engineering was assigned the color yellow as the team’s trademark. Iba-iba ang kulay ng damit ang required na suotin bawat department sa buong linggo para ma-distinguish kung anong team nabibilang.
Isinuot ko ang ang isang dilaw na blouse na may ruffles sa manggas at itinerno ito sa itim na high waist pants at putting sapatos. I styled my straight black hair into a messy bun and stand in front of the mirror beside my bed. Nang satisfied na sa aking itsura ay isinukbit ko na ang aking bag sa balikat at umalis ng dormitory.
Just as expected, I arrived at the University 5 minutes early. I presented my school ID to the guard and he let me enter the campus. Bumungad sa akin ang iba’t ibang kulay ng mga mahahabang lobo na hawak ng mga nagkakalat na estudyante sa loob. They are also wearing clothes with their department’s prescribed colors. Meron ding mga nakasuot ng armbands at bandanas na may nakasulat ng kani-kanilang team.
Dumiretso ako sa aming classroom dahil doon daw magpipirma ng attendance para ngayong umaga, hiwalay ang para sa mamayang hapon. Naabutan ko r’on ang iba sa mga kaklase ko na nakasuot din ng dilaw. Agad akong sinalubong ni Mika pagkapasok ko sa room. She’s wearing the CEng department jersey and shorts, like Renz.
Sa aming tatlo, ako lang ang walang hilig sa sports. Dahil siguro sa built ko, hindi kaya ng stamina ko na tumagal sa mga gan’on. Mika joined the women’s volleyball team while Lorenzo is in the futsal team. Kahit na hindi pa raw ngayong gaganapin ang kanilang events, required daw silang isuot ang jersey ng aming department para sa parade mamaya paikot ng oval.
Matapos pumirma ng attendance ay tinawag na kami ng aming Class Mayor na si Faye na mag-standby na sa grounds dahil magsisimula na ang parade ng ilang minuto. Pagkarating namin sa pwesto kung saan may kumpol na mga taga-CEng department ay may nag-distribute saamin na department council member ng yellow balloons at saka kami pinalinya. Minutes later, the parade started marking the opening of the sports fest.
The parade ended and was followed by the yell prepared by each competing departments. Nagtipon-tipon ang lahat sa loob ng gymnasium and grouped according to their teams. Napuno ang loob nito ng mga estudyante na animo’y dagat na may iba’t ibang kulay. Balloons and banners are also being waved in the air.
![](https://img.wattpad.com/cover/373780666-288-k880509.jpg)
YOU ARE READING
Case on a Silver Platter [Course 1]
Misterio / SuspensoOne with quirky tongue Another's self-proclaimed seer Third's, well, the "odd" one. Entangled because of a single tragedy, Kalliope, Hilstheia, and North found their way into a more dangerous knot than they were expecting. CASE ON A SILVER PLATTER:...