Wag mo nang isipin ang nakaraan
Palayain mo naman ang sarili mo
Hindi mo ba nararamdamang
Nasasaktan mo rin ako?
Anong pumipigil sa'yo na maging malaya
Anong sakit ang iyong nilululan
At bakit ka nananatili sa hawla
Ng iyong nakaraan
Maaari mo bang sabihin sa'kin
Ang lungkot na iyong pinapasan
At aking pupunasan ang tangis
Nang iyong maramdaman.
BINABASA MO ANG
LIHIM
PoetryMga tulang hindi nakarating sa dapat na patutunguhan. Kaya aking dinadala sa iyo Sana iyong makatagpo. Ang lihim na dapat sa akin lang Lihim na nating pareho.