Chapter 1: Karera

31 2 0
                                    

Elle's POV:

"Freiy nasaan kanaaaa???" tawag ko sa cellphone ko at kabadong kabado na dahil sa lahat nang maiiwan ko pa ay iyong isusuot ko pa na damit para sa defense namin.

"wait langgggggg haaaaa.... Ito na!!! kung kaya ko lang paliparin or i-teleport itong kotse ko ginawa ko na Elle" – Freiy

Halos isang oras din kasi ang travel time at buti na lang talaga nandyan si Freiy. Freiy is my Best Buddy, best sa lahat nang best,. Bestfriend.

Nang malaman kong nasa harap na siya ng university ay dali dali na akong tumakbo para kunin sa kanya ang damit na isusuot ko.

"Hindi ko alam kung ilang violation ang ginawa ko today" sumasakit ang ulong sabi sa akin ni Freiy habang inabot ang hawak nitong paper bag na may lamang damit ko

"Mamaya na tayo mag-usap" sabay takbo ko pabalik ng school pataas dahil ilang minute na lang ay kami na ang sasalang sa panelist.

Habang inaayos ko ang sarili ko ay may napansin akong kakaiba sa paper bag na binigay sa akin ni Freiy. Hindi ito yung damit na dapat isusuot ko para sa defense.

Napabugtong hininga ako at wala nang nagawa haharap ako sa panelist nang hindi naka business attire.

Sa amin tatlo ako lang ang naka semi formal, kabado akong pumasok na panelist room at alam kong disappointed sa akin ang leader ng aming Group. Nakatayo ako ngunit naka yuko ang ulo dahil sa nahihiya ako at may kung ano sa aking harapan at nanlaki ang aking mata, nagulat ako nang makita ko ang President ng Yuan Group. Ang Lolo ko.

Isang oras matapos ang madugong tanungan sa defense ay tahimik akong lumabas ng room at may isang matandang lumapit sa akin.

"kumusta ka?"

Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko ang aking Lolo

"I'm sorry po sa nangyari kanina" di ko na siya sinagot sa tanong nya sa akin kung kumusta ba ako?

"it's okay, make sure na ayusin mo muna lahat nang dapat mong ayusin bago ang iba"

Bago siya umalis ay may pinakita sya sa akin na video mula sa kanyang cellphone. Video kung saan tumatakbo ako para kunin yung paper bag mula kay Freiy.

"Oh siya at ako'y aalis na" ani ng aking lolo at may inabot sya sa akin ang favorite kong canned drinks, kinuha ko ito at sya'y umalis na. Hindi ko mawari ang aking mararamdaman habang iniinom ko ang juice na bigay sa akin ng lolo ko, kaya nang maubos ko ito ay imbis na itapon ko sa basurahan ay sinipa ko sa sobrang inis ko. Pero puro kamalasan na lang ata inaabot ko ngayong araw na ito nang may isang babae akong natamaan sa ulo, di kalayuan rito.

"anak nangggggg.... hoyyyyyyy!!!" ------

"f/ck!!!" mahinang sambit ko sa sarili ko na nagkunot sa buong mukha ko at sabay talikod.

A Thousand Words - I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon