CHAPTER 3: NO FEAR

9 2 0
                                    

Yhana's POV:

I'm Aliyah Yhana Ancheta 26 years old or call me Yhana.

Professor sa umaga, Estudyante sa gabi..

Marami akong pangarap sa buhay lalo't higit pangarap para sa pamilya ko at sa akin, sila yung dahilan kung bakit ako nag-sisikap. Pangarap ko talaga na makapag-aral sa isang maganda at kilalang university. Isa ang Whilzven sa mga school na gusto kong pasukan kaya naman noong magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa prestiryosong unibersidad ay agad agad ko itong tinangap.

Kaya nang maka graduate ako noong college ay napag desisyunan ko na kumuha ng Masteral degree at natanggap ako sa Whilzven bilang Professor at bilang isang estudyante.

Laking tuwa ko nang tumawag sa akin ang chairperson ng Whilzven parang doon pa lang ay natupad ko na ang isa sa mga dream ko, kahit na alam ko magiging mahirap pagsabayin ang pagiging professor at bilang estudyante pero wala naman mahirap kung magpupursige pero ang mahirap ay ang maka kilala ka ng estudyanteng pasaway.

----------

Habang ako'y naglalakad palabas ng university ay may tumama sa akin na halos ikinayanig ng ulo ko.. isang in-canned nang makita ko, hindi kalayuan sa akin.

"anak nangggggg.... hoyyyyyyy!!!" ------

Hindi ako nag atubiling lumapit dahil sa ako'y nasaktan " ano ba kung mayayaman ang mga student dito" sa isip isip ko.

Paglapit ko ay....

"Sa susunod bago mo po gawin ang mga ganoong bagay siguraduhin mo munang wala kang taong matatamaan at masasaktan" hinasik ko sa kanya

"Sorry" paumanhin nya sa akin

"please lang paki tapon po ang kalat mo sa basurahan" utos ko sa kanya

Sa mga oras na'yon nakaramdam ako ng pagod at antok kaya naisipan kong umuwi na at iwan nalang ang babaeng nakatama sa akin.

KINABUKASAN....

Yhana's POV:

Excited akong pumasok dahil first time ko na magtuturo at makapasok sa aking dream school kaya naman ay dali dali akong pumunta sa unang section na aking tuturuan bilang isang professor.

Nang makapasok ako sa room ay hindi muna ako nagpakilala upang sa ganoon ay malaman ko at ma-obserbahan ko kung ano bang klase at mayroon ang Whilzven compare sa ibang university hanggang sa isang babae ang naka pukaw ng aking atensyon, napansin kong tahimik ito at nagbabasa ng libro kaya lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan malapit sa kanya.

"Good morning!" bati ko sa kanya

Medyo nag-iba ang timpla ng mukha nya ng makita nya ako

"Ikaw na naman??!!!" walang ganang sambit nya sa akin

"bakit parang hindi ka masaya sa nakita mo?" tanong ko sa kanya

Humarap sya sa akin at biglang nagtaas ng kilay

"Transferee ka ba? Pwes mali ka nang pinasukan!" hinasik nya sa akin

Nagulat ako at natawa sa inasal nya sa akin at hindi ko na lang iyon pinansin, siguro nga'y naistorbo ko sya sa kanyang ginagawa.

"Ako nga pala si -------" bago ko pa matapos ang aking pagpapakilala ay bigla kong nakita at narinig si Ms. Kim ang Administrative Officer ng campus.

"Good morning Class, Oh!! Ms. Ancheta nandyan kana pala, come here.." ani ni Ms.Kim ang Admin Officer

Napalingon siya sa akin at may halong pagtataka nang bigla na akong lumapit sa harapan at ipakilala bilang kanilang bagong professor.

"by the way class this is Ms. Aliyah Yhanna Ancheta ang inyong new __ Professor" pakilala sa akin ni Ms.Kim

Napansin kong nanlaki ang kanyang mata sa kanyang pagkakarinig na ako ang isa sa mga magiging Professor nya kaya naman ako'y napangiti sa kanya dahil sa inasal nya sa akin sa una at pangalawang pagkakataon.

Habang ako'y nagtuturo ay napansin kong palinga linga sya ng tingin at minsan ay tulala sa kawalan kaya naman ay bigla akong lumapit sa kanya at hinawakan at binasa ang kanya I.D

"Mikhaelle Yllana Lee" binasa ko sa harap nya

Nang.....

"Elle, you can call me Elle"masamang tingin nya sa akin at sabay hila ng kanyang I.D.

Kaya bumalik na ako sa aking pagtuturo at pwesto...

Nang matapos ako sa aking unang klase ng pagtuturo ay naisipan kong magbasa ng aking ACADS. Napili ko ang library dahil tahimik don at alam kong makakapag focus at aral ako ng Mabuti.

Pagpasok ko sa library ay napansin ko si Elle na mag-isa kaya naman ay lumapit ako at nagtanong....

"Pwede ba akong umupo dito?"

Tinignan nya lang ako

"ahhmmm kung ayaw mo, okay lang naman" ani ko sa kanya

Tinulak nya nang bahagya ang upuan gamit ang kanyang paa sa harap ko upang magkaroon ng puwang at ako'y maka-upo.

Umupo na lang ako at ako'y nagsimula na sa aking binabasa, mga ilang minuto ang lumipas ay bigla syang nagsalita.

"so hanggang kailan mo ako susundan?" tanong nya sa akin

"Hindi naman kita sinusundan, sadyang nandito ka lang at nakita kita kaya imbis na sa iba ako tumabi edi dito na lang, tutal may bakanteng upuan naman" mariing sagot ko sa kanya

Kaya binaling nya na lang sa iba ang tingin

"Ganito ba talaga dito? Ikaw? Ganito ka ba talaga? Akala ko kasi magiging masaya ako sa napasukan ko kung alam ko lang talaga edi hindi na ako tumuloy pero sayang naman"

"what do you mean?"

"I'm working student here"

"huh?! working student?"

"Yeah, taking my masteral degree while working here as a professor. Okay ba yun?" ani ko sa kanya

"so you mean libre kang nag aaral dito?"

"hindi libre yun, hindi mo ba narinig yung sinabi ko... nagtatrabaho ako"

"bakit dito pa?" tanong ni Elle

"bakit hindi?" sagot ko

"Marami naman mas magandang university para mag take ng masteral degree bakit sa Whilzven pa?"

"Kasama sa Top 5 ang University of Whilzven sa pinaka kilala at magagaling na university sa bansa natin at isang magandang opportunity yun para sa akin" aniya ko

Nagtagpo lang ang aming mga mata at hindi na siya muling nagsalita.

A Thousand Words - I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon