Elle's POV:
Gabi tanaw ko sa bintana ang lawak ng lugar kung saan ako nakatira, habang naka upo ako sa couch na nagmu-qmuni muni hindi talaga mawala sa isip ko si Yhana. Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko, kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko at kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya. Babae ako and hindi ko mawari kung tama ba yung nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ko na rin namalayan na umaga na rin at sa couch na ako naka-tulog, pag tayo ko para pumunta ng banyo para maghilamos, napansin ko na may nagluluto sa kusina.
"teka lang, ano ito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Freiy na busy magluto
Si Freiy na nagluluto ng breakfast para sa aming dalawa.
"Ang bored kasi kumain mag-isa sa unit ko, kaya dito na lang atleast gising ka na sabay na tayo" – Freiy
"Saan ka naman kumuha ng mga yan?" tanong ko sa kanya dahil wala naman akong stock sa fridge bukod sa tubig, soda at yung mga kailangan ko lang na madalas ko kainin sa unit ko.
"Binili ko bago ako pumunta dito" – Freiy
"Tara kain muna tayo" pag-aya sa akin ni Freiy
Habang kumakain ay naka tingin ako sa kanya
"Tigilan mo ang pagtitig sa akin Elle kanina ka pa" aniya ni Freiy
"Nakakapanibago ka kasi" sagot ko sa kanya
Maya maya pa ay biglang nag ring ang phone ko, pagtingin ko si Lolo kaya sinagot ko agad. At matapos ang ilang minutong kausap ko si Lolo sa phone ay
"Freiy, favor naman please"
"Ano na naman yun?"
"Arrival ng cousin ko today baka pwede pasundo siya?"
"Hayyyyyy" napabugtong hininga na lang si Freiy
"PLEASEEEEEEEEE!!!"
"okay! okay may magagawa pa ba ako? So anong oras ang ETA niya?" tanong ni Freiy
"Mamaya pa naman 2pm ang arrival niya"
"Okay.. I will pero pwede kumain muna tayo gusto ko ng peace of mind habang kumakain" – Friey
Natawa ako sa peace of mind na gusto ni Freiy.
Hindi rin naman tumagal si Freiy dito sa unit ko kaya after namin kumain at mag-usap ng kung ano ano ay umalis din ito agad.
One thirty ng hapon tumawag sa akin si Freiy at nandon na siya agad sa airport para sunduin ang cousin kong si Yomie.
"nandito na ako pero mag stay ako sa café dahil ayoko mag-antay sa labas ng arrival area" – freiy
"yup! sige inform kita, well ito pala ang picture ni Yomie at isend ko rin yung contact nya para makapag-usap kayo and na inform ko na rin naman siya na ikaw ang mag pick-up sa kanya dahil busy lang talaga ako"
Pagka-send ko thru chat ng picture ni Yomie
"Elle?"
"Yepp??"
"Diba ahead ito sa'yo ng isang taon bakit parang mas bata sa'yo ito?" Freiy
"Sabi ko sunduin mo yung cousin ko hindi yung icompare mo ako sa kanya" naiinis kong reply sa chat nya
"natatanong lang naman pero lahi pala talaga kayo ng magaganda no?"
"bakit type mo?" pang-aasar ko sa kanya
"pwede hahahahahaha"
"Hoy!!!! Siraulo ka!! sundo ang kailangan ko para kay Yomie"
After thirty five minute ay nakalapag na ang eroplano kung saan nakasakay si Yomie, kaya naman agad ko itong tinawag kay Freiy.
BINABASA MO ANG
A Thousand Words - I Love You
غير روائيSi Mikhaelle Yllana Yuan Lee or mas kilala sa "Elle" Yuan Lee ay Apo at isa sa mga taga-pagmana ng Yuan Lee Group ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay ayaw nya maging parte nito. Pangarap nyang mamuhay ng simple at malayo sa kung anong karangyaan a...