Yhana's POV:
Hindi ako mapakali kasi hindi pa humuhupa ang ulan, iniisip ko kung mag papasundo ba ako kay Papa para makauwi pero itong si Elle nag diretso ng drive.
"Huy! Anong ginagawa mo sabi ko sa'yo ibaba mo na lang ako dito"
"Sa tingin mo hahayaan kita doon? Iiwan kita tapos ano mababasa ka ng ulan?" sagot nya sa akin
May pagkamabait naman pala itong babae na ito, akala ko talaga puro pagsusungit lang ang alam sa katawan sabi ko nalang sa isip ko,. So' medyo nag alangan pa ako noong una pero wala na rin naman akong nagawa.
Habang hatid nya pa ako sa pag-uwi ay kausap ko sa chat si Papa, naisipan ko na lang na ayain si Elle maghapunan kasama ang buo kong Pamilya para magpasalamat. Kaya nang makarating kami sa aming bahay ay agad ko siyang inaya
"Dumaan ka muna sa amin"
"Hindi na okay lang ako, tsaka late na rin" aniya
Hinila ko na lang siya sa braso
"Sige na ngayon lang' dito kana mag dinner at nag sabi na rin ako kila Mama at Papa na may kasama ako ngayon pauwi"
"Huh!!!"
"Tara na naghihintay sila Papa sa loob"
Wala na siyang nagawa kundi ang sumama at sumalo sa hapunan kasama kaming buong Pamilya..
At nang matapos kami ng hapunan at maka-uwi si Elle ay akala ko tapos na ang pagbibiro ni Papa sa akin. Papasok pa lang ako ng pinto ay naka-abang na siya
"So bago mo? Babae na naman nak!?" Papa
"Luh! Si Papa hindi ba pwedeng hinatid lang ako dahil umuulan at inaya ko lang mag dinner kasi nagmagandang loob lang ako"
"Ahhh magandang loob pala" natatawang biro ni Papa
"Puro nalang Maganda hanap mo nak! pwede gwapo naman?" hirit na naman ni Papa
........
Elle's POV
Nang makapasok ako sa unit ko ay may napansin akong nakatayo sa gilid ng aking bintana. Si Lolo at lumapit siya sa akin para kumustahin ako
"how's your day?" Lolo
"Just like any other day po Lo' "
"You can stay with me, bakit ba kasi mas gusto mo dito?" Lolo
Nabaling ang mata ko sa bintana na dama ang dilim sa labas at natahimik, siguro naramdaman ni Lolo na hindi ako sang-ayon sa gusto nya
"okay if kailan mo na lang gusto bumisita sa mansion" napagbugtong hiningang sagot ng lolo ko at tumalikod
At napalingon na lang ako sa kanya' na palabas na ng unit ko kasama si Harry na nag-iintay lamang sa labas ng pinto.
Para akong nakakulong sa apat na sulok ng unit ko, na kahit anong lawak ngunit sobrang sikip at hindi ako makahinga. Malayo ang tingin sa dilim hanggang kailan? Tanong ko sarili ko.
---- Sa School
Papunta ako ng next class ko ng makasabay ko si Yhana bitbit ang kanyang mga libro' hindi ko siya pinansin kaya nagdiretso ako ng lakad at nilagpasan ko siya..
"hoy Elle" tawag nya sa akin
Napahinto na naman tuloy ako "hayyyyy ito na naman tayooooo" sabi ko sa isip ko"
"Favor naman padala naman nito sa room ko pleaseee" sabay bigay ng libro sa akin
"huh?! are we close?" nagkunot ang mukha kong tanong sa kanya
Kinuha ulit ni Yhana yung librong binigay nya sa akin...
"Fine!! Hayyyyy" kinuha ko rin agad at sinunod ang favor nya kahit labag sa loob ko
Bigla nyang pinisil ang pisngi ko kaya mas lalo akong nainis
"Thank You!!"masayang sambit ni Yhana
Habang papunta sa room kung saan dadalhin ang mga libro pa maktol akong naglalakad
"nakakainis talaga yung babaeng yun!!!" pag pasok ko ng room padabog kong nilabag ang mga libro nya at umalis.
Paglabas ko ng room nya sa di ko inaasahan pagkakataon ay siya naman pagpasok nito kaya nagulat ako at nasapo ko ata ang bewang nya dahil muntik na siyang matumba. Nagtama ang mga mata namin.
Yhana's POV:
Habang papunta ako sa susunod kong klase ay napansin kong wala ang cellular phone ko sa bulsa kaya habang papunta ako sa aking susunod na klase ay iniisip ko kung saan ko ito naiwan' nakita ko si Elle na naglalakad nang maalala ko kung saan ko naiwan yung phone ko, sa computer lab ko pala naiwan kaya bigla kong tinawag si Elle para humingi ng pabor na dalhin muna ang mga libro ko sa room at babalik lang ako sa computer lab para kunin yung phone ko.
"hoy Elle" tawag ko sa kanya
Huminto naman ang lola mo kaya lumapit ako agad
"Favor naman padala naman nito sa room ko pleaseee"
"huh??!! are we close?" sagot ni Elle at nakita ko na naman ang mukha nyang naiinis
ito na naman siya sa pagiging attitude, sabi ko na lang sa isip ko, then kinuha ko na lang ulit sa kanya yung libro na inuutos kong dalhin sa room ko.
"Fine!! Hayyyyy"
Kinuha nya ulit ang libro at aminado akong wala siya sa mood
Pinisil ko ang kanyang Pisngi at nag Thank You...
Kaya nagmamadagli akong pumunta ng Computer lab para maabutan ko rin si Elle, kaya ng makarating ng computer lab ay agad ko rin nakita ang aking cellular phone ko, kaya naman nagtatakbo ako papunta dahil malilate na rin ako sa susunod kong klase at nang papasok ako sa room, sa di ko inaasahan ay nagkasalubong kami ni Elle, muntik na akong matumba buti nalang nahawakan agad ni Elle ang bewang ko.
Nabigla at tulala akong nakatingin sa kanya at ganoon din si Elle, mga ilang sigundo rin bago naming napagtanto na ang lapit ng mukha namin sa isa't isa
"Ano ba! sa susunod nga titignan mo yung papasukan mo at mag-iingat ka" nagtaas yung boses nya
"oh edi sorry!" nainis kong sagot sa kanya
Nag walk-out ang lola Elle mo pero infairness ang bango bango ni Elle, iba talaga pag mayaman pati hininga ang expensive ang bango' nangingiti kong sabi sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
A Thousand Words - I Love You
Kurgu OlmayanSi Mikhaelle Yllana Yuan Lee or mas kilala sa "Elle" Yuan Lee ay Apo at isa sa mga taga-pagmana ng Yuan Lee Group ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay ayaw nya maging parte nito. Pangarap nyang mamuhay ng simple at malayo sa kung anong karangyaan a...