TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XVI
Bumisita si Ligaya sa hospital. May dala-dala siyang pagkain para sa Papa niya. Kagagaling niya lang sa iyak kaya maga ang mga mata niya. Magpapalusot lang din naman siya sa Papa niya at hindi naman ito makahahalata.
"Pa... Kain po muna kayo," sabi niya kaagad dito nang makapasok siya sa hospital. Kagaya ng ginagawa nilang magkapatid, ay nagmano kaagad siya sa ama.
"Kumusta pag-aaral?" Tumayo ang ama niya at pinuntahan ang table kung saan nilapag ni Ligaya ang mga pagkain.
Si Ligaya ang pumalit sa kinauupuan ng ama kanina. "Ayos naman po Pa..."
"Hindi naman napapabayaan ang mga grades mo?"
"Hindi naman po, Pa."
"Wala namang nanggugulo sa'yo do'n?"
Napalunok si Ligaya. Dahan-dahan niyang nilingon ang ama. Ang mga ganitong usapan nila ay normal lang naman pero nabigla siya sa tanong nito. Siguro dahil ayaw niya na rin mag-alala pa ang ama sa kaniya kaya, nabigla lang siya rito.
"Wala naman po," kaila niya saka ibinalik ang tingin kay Sinta. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Mabuti naman, anak. Alam mo maraming bali-balita ngayon na kaso ng pam-bu-buska na hindi naman ina-aksyon-an. Kaya kung may mga taong mananakit sa'yo, dapat lumaban ka 'nak ha. Hangga't para sa kabutihan, titindig ka para sa sarili mo. Hindi ibig sabihin na porke wala tayong pera na maipagmamalaki ay hahayaan na lang natin silang apakan ang pagkatao natin..."
Tumango na lamang si Ligaya sa sinabi ng ama. "Opo Pa."
Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. Napahawak siya sa kaniyang puso, nangangamba na baka malaman ng ama ang mga pinagagagawa sa kaniya ng grupo ni Chloe sa school. Pero kinakampante niya ang kaniyang sarili, siguro naman ay hindi aabot sa kaniyang ama ang balita.
"Kailangan mo ng pera 'di ba? Gawin mo, babayaran naman kita eh."
Napalunok si Ligaya dahil sa sinabi ng taong umalok sa kaniya ng tulong. "H-hindi ba makasisira 'yon sa reputation ng college natin?"
"Oh come on, Ligaya. This issue will fade naman in no time. Besides, hindi involve ang college, ikaw ang ma-i-involve..."
Napaisip si Ligaya. Kapag na-involve siya rito, nakasalalay ang scholarship niya at ang pananatili niya sa Emington.
"All you have to do is to get the test papers. Kapag nakuha mo na 'yon, I'll give you the payment. Kahit doblehin ko pa."
Tinitingnan ni Ligaya ang kaklase niya. Diretsa niya itong tiningnan sa mata. "Pasensya na Lia, pero hindi ako 'to. At hinding-hindi ako gagawa ng ikasisira ng reputasyon ko..."
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ligaya. Kaagad siyang umalis doon at iniwan si Lia. Mali ang pinapagawa nito sa kaniya. At wala siyang balak yurakan ang pagkatao niya dahil lang kailangan niya ng pera. Naiwan naman si Lia doon na nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi ni Ligaya. Nangangamba rin siya na baka ay magsumbong ito sa pinlano niya.
Pumasok si Ligaya sa comfort room, nakahanap siya ng bakanteng stall. Isinara niya ang pinto at sumandal dito, hinayaan ang mga luha na malayang tumulo. Tahimik siyang umiiyak, puno ng galit, kalungkutan, at pangungulila ang kanyang puso.

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...