CHAPTER XVII

2 1 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XVII

Nakatayo si Chloe at ang mga kasama niya sa harapan ng dean, nagmamaktol ang mga pagmumukha ng tatlo at halos tumirik na ng mata ni Chloe sa kakairap. Mahigpit silang pinangangaralan ng dean, at binabalaan sila na hindi katanggap-tanggap ang asal na kanilang ipinapakita.

Nasa gilid naman si Ligaya at nakayukong nakatayo. Pinagsasaklop ang palad niya, kinakabahan pa rin siya.

Tinitingnan ng dean si Chloe, "As much as I don't want to bring it here, you will apologize to Ligaya immediately and promise to treat her with respect from now on... Hindi makatarungan 'yang mga ginagawa ninyo. Goodness! Ang lalaki n'yo na, you should've known and acted better! I'm so disappointed in you Chloe!"

Hindi naman makaimik si Chloe. Hindi niya inaasahan na magsusumbong si Ligaya.

"Now, whether you like it or not, you will apologize to Ligaya, dahil kung hindi, ako mismo ang magsasabi nito sa mga magulang ninyo!"

Pabulong-bulong pa si Chloe pero bumigay din naman siya, "Fine."

Chloe and her friends approach Ligaya, their expressions contrite but deep down inside they're unrepentant.

"I'm sorry for what I did..."

"We won't do it again..." Ria's voice seems like a whisper, but in her heart, she wants to stab Ligaya right now for what she did.
 
"We'll just make bawi na lang for what we did to you," Ariana offered, forming a plan in her head. Who dares to bring her in the dean's office? No one. And while Ligaya did it to her, she will make sure the lady will pay. Lintik lang ang walang ganti at hindi ang isang tulad ni Ligaya na basahan lamang ang gagawa nito sa kaniya.

Ligaya's being invited by Chloe to a meal for peace offering. She sits at a table with a group of students, her so-called friends now. They're laughing and drinking, and Ligaya tries to fit in, but she feels uncomfortable.

Nandito ang presensya ni Nathaniel at nakainom na rin siya dahil sa tuwa niya na finally nagkakasundo na sila at wala ng gulo pero maling-mali siya roon dahil ito pa lamang ang umpisa ng planong ka-demonyo-han ni Chloe at nang kasabawat niyang si Liam.

Chloe poured Ligaya a drink, "Come on, Ligaya, have a drink. You're so uptight."

Ligaya hesitates, but she takes a sip of the drink.  The taste is unfamiliar dahil hindi naman siya umiinom, and she feels a strange drowsiness coming over her. Ang huling nakita niya na lamang ay ang nakangiting mukha ni Chloe bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Nagising si Ligaya sa matagtag at malamig na pawis na kumakapit sa kaniyang katawan. Nakakubli siya sa isang kuwartong hindi pamilyar sa kaniya, at ang amoy ng isang pangmayaman at panglalakeng cologne ay tila ba nakasabit sa ere. Nangalmot sa kaniyang lalamunan ang pagkasindak, nais niyang makawala mula sa kuwartong ito. Umukyabit siya sa kaniyang paa, nanginginig ito, umiikot din ang ulo niya.

Inalala niya ang nangyari, pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari bago siya mapunta sa lugar na ito. Naalala niya ang mukha ng mga kasama niya hanggang sa nawalan siya ng malay. Umalon ang pagkahilo niya hanggang sa muli siyang natumba sa kama, nanlalabo ang kaniyang paningin.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon