“Clara, hindi muna ako papasok sa next sub.”
Agad siyang napahinto sa paglalakad at nag-angat ng kilay sa'kin. “Huwag mong sabihin tatambay ka na naman sa kung saan at magbubulakbol? Nako, ulan! Kailan mo ba seseryosohin ang pag-aaral? Ilang buwan nalang tutungtong na tayo sa senior high. Ngayon ka pa nagsusutil!” I scratched my head when she sounded like a mother again.
Kahit kailan talaga marami siyang nasasabi. Kung may nanay lang ako, hindi ko papangarapin na siya iyon. Feeling ko konti nalang kukutusan niya na ako sa pag-sesermon niya.
“Next subject lang naman. May pupuntahan lang kasi akong importante—” mabilis niya namang pinutol ang sasabihin ko.
“Mas importante ang pag-aaral, ulan!” Nanlalaki na ang butas ng ilong niya sa'kin.
“Importante lang talaga ‘to, Clara. Kukunin ko lang sa likod ng school ‘yong parcel ko. Paparating na daw roon ang rider sabi ni Fiona, hihintayin ko lang.” Pakiusap ko sa kaniya. “Gawan mo muna ako ng palusot kung sakaling hanapin ako ng matandang gurang. Please!”
Halos tuktukan niya na ako sa ulo. “Hindi importante ang parcel, ulan! Babalik ‘yan kahit sa susunod na araw. May quiz tayo sa math kaya hindi mo pwede ipagpaliban ‘yon.” Madiin niyang sambit.
I pouted. Isa rin ‘yan sa dahilan kung bakit gusto kong lumiban sa susunod na subject eh. May pa-quiz na naman ang matandang gurang. 4 days in a week ang math subject namin tapos isang lecture pero sandamakmak na quiz o seatwork ang binibigay ng matanda sa mga sumusunod na araw. Hindi ko naman magagamit ang ibang math symbols na tinuturo niya sa pagbebenta ng hopia ni aling koring. Okay na ako na alam ko ang basic math. Basta alam ko ang plus, minus, times, at divide.
“Fine!” Suko niya. Pero maya-maya lang ay pinanlakihan ako nito ng mata. “Hindi kita kinukunsinting babae ka, ha! Sabagay, naaawa rin ako sa rider kung magpapabalik-balik pa siya. Pumasok ka pagkatapos ng susunod na subject, ulan. Sinasabi ko sa'yo kapag hindi ka pumasok isusumbong kita at sasabihin kong nag-cutting ka. Maliwanag?”
Napasaludo naman ako. “Yes, ma'am!”
Inirapan muna niya ako bago siya nagpatuloy maglakad sa building namin. Katatapos lang kasi ng recess kung kaya't nasa labas kami. Mabuti at dala ko ang wallet ko kung kaya't hindi na ako babalik pa sa room. Naiwan ko lang ang bag ko roon na alam ko namang si Clara na ang bahala.
Kaagad akong pumunta sa likod ng school. Mabuti nga at may maliit na butas rito na siyang parang pinto. Doon ako dumadaan tuwing nagccutting classes ako. May nakakasabay pa nga akong ibang estudyante na rito rin ang daan tuwing gustong mag-cutting class. Ang butas ay natatakpan ng tumpok na kahoy kung kaya't isa-isa ko itong inalis. Mabuti nga at wala pang nahuhuling estudyante na dito dumadaan eh. Wala pa sigurong nagsusumbong.
Kaagad akong dumaan sa butas at hinintay ang rider na siyang paparating na rin naman. Sakto!
“Yexel Rain Javier po?” Tanong ng rider. “Two thousand five hundred po.”
Kaagad akong tumango at kaagad inabot ang pangbayad ko na tuping-tupi galing sa aking wallet. Inabot niya sa'kin ang parcel at sinabing pipicturan daw ako kasama ito. Binalak ko pa ngang mag-pose kaya lang mabilis pa sa alas-kwatro ang pagpindot ni kuya sa cellphone.
Napakamot kaagad ako sa ulo. “Kuya, baka ang pangit ko dyan. Ang bilis mong magpicture!” Reklamo ko pa.
Natawa naman ito. “Okay na ‘yan, miss. Hindi ko naman masyadong sinama ang mukha mo. Baka magka-virus ang cellphone ko kung nagkataon.”
My brows furrowed. “Nang-aasar ka ‘ya?”
Binalak ko pa siyang batuhin ng parcel na hawak ko ngunit mabilis itong nawala sa harapan ko na parang si flash. That's good that he vanished right away. Baka masira ang laman ng parcel ko.
YOU ARE READING
The Secondhand Phone
Mistério / SuspenseYexel Rain Javier, a high school student, buys a secondhand phone and soon discovers it's not just any ordinary device.