"You don't have to do that."
Magkasama kaming lima na naglalakad sa hallway ngayon. Kakatapos lang kasi ng klase namin kaya plano ng mga kaibigan ko na sumama sa akin at bisitahin si Zach sa ospital.
Apat na araw na ang nakalipas simula nung nangyari ang nakakatakot na gabing 'yon. Everything went easy and normal, bumibisita ako sa ospital at pumapasok sa klase. I'm slowly coping with the anxiety that Megan and Shawn caused me.
Mabuti nalang mayroon akong mga kaibigan sa tabi ko. Sila ang naging takbohan at naging sandalan ko sa mga panahong lumulubog ako.
"Weh? Bait mo naman 'ata teh?" Jona turned to me and excitedly wrapped his hands around my arms.
"Parang hindi muntikang nabaril ah," Heidi scoffed and also clung to my right arm.
I rolled my eyes inwardly. Walang hiya.
"Which one?" Laureen asked and began unwrapping another lollipop. Here she goes again, ang babaeng adik sa lollipop.
Napatingin naman ako sa gilid ng bag niya, ang daming lollipop, iba't-ibang flavor meron siya. Grabe.
"Yong kay Megan," sagot ko habang patuloy parin kami sa paglalakad. Nakakapit parin ang dalawa sa akin na parang tuko.
Masasabi ko na si Mayah lang talaga ang normal na naglalakad sa amin. Tanging mga libro niya lang ang bitbit niya at walang ibang nakalagay sa bibig niya, hindi katulad kay Laureen na aliw na aliw sa kaniyang lollipop.
She took the lollipop out of her mouth and licked it. She looked at me and plainly said. "I just did what she deserved."
Nakita ko naman ang mabilis na pagtango ng dalawa sa tabi ko. Lumiwanag pa nga ang mukha ni Jona habang napapitik sa kaniyang daliri.
"Right! Slay ka d'yan mhiema! In fact, kulang pa nga 'ata 'yon diba? Mabuti nalang medyo mabait si Laureenbabes kaya forda banned lang muna si Megan," humagikhik ang bakla sa sinabi.
Heidi caressed Laureen's shoulder and giggled. "We love you so much, Lau. The best ka talaga! Ang satisfying siguro makita ang mukha ni Megan na sumasabog sa galit kakaalam kung sino ang may gawa nun sa kaniya," aniya habang tumatawa.
Bahagya namang nangunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. "What do you mean?"
Humalakhak ang dalawa sa tabi ko. "Hindi malalaman ng gagang Megan na 'yon na si Laureen ang may gawa nun sa kaniya," confident na sabi ni Heidi na may malaking ngiti sa mukha.
"How?" namamangha at naguguluhan kong tanong sa kanila.
Heidi and Jona both suppressed into laugh.
"C'mon, si Laureen pa? Malinis yan gumalaw. Sobrang plakado. Malas lang ni Megan dahil ginalaw ka niya," pag ngisi niya pa.
"True. Basic lang yan kay Laureenbabes," Jona winked at me and displayed a proud smile on his face.
"Diba Mayah baby?" bumaling siya kay Mayah na inosenteng naglalakad kasabay namin. Nag-angat naman ito ng tingin at mabilis na tumango.
Mabilis naman siyang hinatak ni Jona at kumapit sa braso nito. Walang nagawa si Mayah kundi ang hayaan nalang si Jona sa pinaggagawa niya.
"Hays, buti nalang nabawas-bawasan na ang masasama sa Pilipinas," Heidi sighed in relief as she hugged my arms even more. Napangiwi ako. Dati 'atang tuko 'tong babaeng 'to, anlakas kumapit.
Tumingin naman siya kay Laureen na busy sa pagkain ng lollipop. "Sana i-ban mo rin si Yvan, Lau. Para naman wala ng salot sa buhay namin ni Dwayne," aniya sa malungkot na boses.
YOU ARE READING
Chasing the Genuine Love
RomantikAbigail Beatrix Imperial was the epitome of a cheerful high school girl-always surrounded by her friends, blissfully in love with her crush, and seemingly untouched by life's difficulties. But her once bright world began to darken, as her happiness...