TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XIX
Kasama ni Ligaya ngayon si Nathaniel, nasa court ulit silang dalawa. This time, hindi na sila nanonood ng volleyball, dahil tapos na ang rehearsals. Tanging ang mga estudyante na lang sa paligid ang nakikita nilang naglalakad at busy sa kanilang mga buhay.
Tinitingnan ni Nathaniel ang camera niya at napangiti siya nang makita niya ang larawan nila ni Ligaya kasama ang pamilya nito.
"Ligs, tingnan mo," pinakita niya ito sa kaibigan.
Tiningnan naman ni Ligaya. Tumatango siya at hindi niya na napansin na lumuluha na pala siya.
"Hoy... B-bakit ka umiiyak bes? Okay ka lang ba...?"
Pinahid ni Ligaya ang mga luha sa kaniyag mata. Muli siyang tumango kay Nathaniel. "Okay lang ako..." namamaos ang boses niya, parang tinutusok ang kaniyang puso.
"Sigurado ka ba? Kinakabahan na talaga ako sa'yo..."
"Ayos nga lang ako... Walang problema, Tani okay?" kinumbinse niya ang kaibigan at ngumiti naman ito.
"Mabuti naman kung gano'n..."
Tinitingnan pa ni Nathaniel ang mga litratong laman ng kamera niya. Hanggang sa maalala niya ang isang bagay. "Nga pala, my parents want to meet you..."
Kaagad naman napantig ang tainga ni Ligaya at napatingin siya kay Nathaniel na punong-puno ng gulat. "Ha?"
Natawa naman si Nathaniel sa reaksyon ng kaibigan niya. "Para namang nakakita ka ng multo diyan sa reaksyon mo, namutla ka pa..."
Napalunok si Ligaya. "B-bakit naman daw?" Pinilit niyang huwag ipahalata sa kaibigan na hindi na siya komportable.
"Well obviously, they thought I'm courting you kaya ayon, they told me to invite you over..."
"Pumayag ka?"
"Oo naman! Why not? You're my friend, hello? Isa pa, ipapakilala kita sa kanila bilang kaibigan lang 'no? I just want to invite you, bago ako umalis."
Nagtagpo ang mga mata nina Ligaya at Nathaniel. Naguguluhan si Ligaya sa sinabi nito kaya tiningnan niya itong maigi na may pag-uusisa. "Umalis? A-aalis ka? Saan punta mo?"
Nangiti si Nathaniel, pero may halong kalungkutan ang kaniyang pakiramdam. Huminga siya ng malalim. "My parents told me to transfer habang maaga pa." He formed a thin line on his lips, then he sighed again. "Mom wants me rin to take another degree program that would suit me better daw, which I want din naman. You know, after thoughtfully processing what I really want in the future, I realized I wanna become a lawyer too," nginitian niya si Ligaya. "And she wants me to pursue Forensic Psychology first, bago ako pumasok sa law school."
Naramdaman ni Ligaya ang bigat ng mga salita ni Nathaniel, ngunit napatatango siya bilang pag-sang-ayon. Masakit man iyon para sa kaniya, pero wala siyang karapatan pigilan ito. "Maganda nga 'yon... M-masaya ako para sa'yo..."
"Alam mo, malulungkot ako... I surely will miss you, but we have naman contacts of each other so I could call you... Wala pa rin namang limutan, right?"
Tumango muli si Ligaya bilang pag-sang-ayon. Napalunok siya dahil may bahagi sa kaniya na hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Nathaniel. Nalulungkot siya dahil ito na nga lang ang tunay niyang kaibigan, ay aalis pa.

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...