Chapter 3

42 26 3
                                    

CHAPTER 3: SWISS KNIFE

Inis na napabangon sa higaan si Steffanie dahil sa malakas na sunod-sunod na katok galing sa pintuan.

"Wait!" malakas at bahid ang pagka-inis nito na sabi niya sa kumakatok. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang mangiyak ngiyak at pawis na pawis na mukha ng kanilang class vice president. " What do you want?" inis na sabi nito.

"S-Steffanie! May... natagpuang bangkay... sa... nemesis bubilding!" hingal hingal na sabi ng kanilang vice president.

"So?!" inis na tanong ni Steffanie. Wala itong pake sa kung sino man ang namatay. Nangibabaw sa kanya ang inis dahil sa pagistorbo nito sa tulog niya.

"Anong nangyayari?" tanong ni Marjorie na kalalabas lang ng banyo.

"May dead body daw sa nemesis building." walang ganang sabi ni Steffanie.

"Ano!?" gulat na tanong ni Majorie.

"Guys? Anong nangyayari?" mahinang tanong ni Shane na kagigising lang. Kusot-kusot pa nito ang mata na halatang inaantok pa. Walang pumansin sa kaninya kaya tumayo siya.

"Like I care kung may namatay dun? Hindi ko naman kakilala yun." Umiirap na sabi ni Steffanie.

"Steffanie, ano ba?!" sita naman kaagad ni Marjorie sa kanya.

"Yun na nga eh! Si Andrea yung natagpuang patay sa nemesis building!" sigaw ng vice president nila na ikinagulat nilang tatlo. Kaagad namang tumakno papalabas ng dormitoryo nila si Shane. Kahit gulat ay kaagad namang sumunod si Marjorie. Habang si Steffanie ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari at napaupo na lamang sa sahig. Unti unti namang tumulo ang mga luha niya. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi mapakawalan ang sigaw na nais niyang ipalabas dahil sa pagkamatay ng kaibigan.

Hindi pa naka-abot sa nemesis building sina Shane at Marjorie ay pinigilan na sila ni Roni at Mark. Napapalibutan ng mga pUlis, bumbero, at ambulansya ang grounds ng Blackwood University.

"Ano ba bitawan mo'ko, Mark! Gusto kong makita si Andrea!" umiiyak na sigaw ni Marjorie habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Mark na nakayakap sa kanya upang hindi mmapuntahan ang bangkay ni Andrea. Ganoon din ang ginagawa ni Roni kay Shane.

"I'm sorry, pero hindi pwede!" naiiyak na sabi ni Mark. 

"Kumalma muna kayo!" sigaw ni Roni. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang kumalma. Napaupo naman si Marjorie sa simento dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman niya dahil wala na ang isa sa mga kaibigan niya.

"Bakit h-hindi pwede?" umiiyak na tanong ni Marjorie.

"Kase masyadong b-brutal ang ginawa sa kanya, a-at..." hindi natuloy ni Mark ang sasabihin dahil kahit siya ay tuluyan ng napaluha ng todo dahil sa nangyari. Lumakas naman ang hagulhol ni Shane.

"...Bawal din pumunta ang mga students sa crime scene." pagpapatuloy ni Roni sa sasabihin ni Mark.

"Guys!" napalingon naman sila kay Keifer na kasalukuyang tumatakbo sa deriksyon nila. "Totoo ba?! Na wala na si Andrea?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Nagtaka naman si Marjorie.

"Saan ka ba nanggaling at parang wala kang alam sa mga nangyayari?" kunot noong tanong ni Marjorie kay Keifer.

"K-kinailangan ko kasing u-umuwi sa bahay dahi may e-emergency..." mahinang sabi nito. 

Hindi naman kaagad naniwala si Marjorie. Dahil kilalang kilala niya ang kaibigan. Matagal nang hindi umuuwi si Keifer sa bahay nila dhil hindi sila magkasundo ng pamilya niya. Kahit pa may emergency sa bahay nila ay kailan man hindi ito umuwi. Tanging si Marjorie at Steffanie lang ang nakaka-alam nito. Tatanungin na niya sana si Keifer ngunit may isang pulis na lumapit sa kanila kasama ang kanilang adviser.

Retribution |COMPLETED|Where stories live. Discover now