Chapter 10

26 12 0
                                    

*A/N: This whole chapter is a flashback of what really happened to them so please bear with me.

I'm sorry for the spelling, grammatical, and punctuation mistakes as this story has yet to be edited.

I would also like to apologize for the late update. I was preoccupied with things at home and I hope you understand. Thank you!

HAPPY READING AND ENJOY THE STORY!*


CHAPTER 10: FIRE

--- 3 years ago; students sleepover ---

"Kailangan ba talaga na nandito tayo?" nag-a-alangang sabi ni Shane sa kaniyang mga kaibigan. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa gym para sa students sleepover.

"Of course, Shane! This is one of the most big events for us! We get to party, dance, at ang pinaka-exciting ay we get to sleepover!" masigla at masayang sabi ni Steffanie. Halata din ang excitement na makikita sa mukha ng dalaga.

"At! We get to meet our seniors!" hirit din ni Andrea at sabay pa silang napatili ni Steffanie. Palibhasa ay may gusto sila sa kanilang mga seniors na lalake.

"Hindi lang din party at kasiyahan ang makukuha mo sa students sleepover, Shane. Pwede ka ring makahanap ng mga kaibigan." Nakangiting sabi ni Marjorie at inakbayan si Shane. Nakaramdam naman si Shane ng kaunting excitement kaya naman napangiti siya ng bahagya.

"But first, let's find our boy friends. Sigurado akong nangha-hunting na naman yun ng mga feshmen." pairap na sabi ni Steffanie.

"Asan naba kasi sila? kanina pa sila wala ah?" takang tanong naman ni Andrea.

"Baka may pinuntahan lang." mahinhin na sabi ni Shane.

"Shane? I can't with you and your mahinhin attitude. You have to step out of your comfort zone sometimes!" maarteng sabi ni Steffanie kay Shane. Palibhasa ay sanay itong pumunta sa mga party. Habang si Shane ay palaging nasa bahay at tahimik lang.

"Hey, ladies!!!" bati ng kanilang kaibigan na si Keifer with open arms habang papalapit sa kanila. Kasunod naman nito sina Mark at Roni. Kagagaling lang nilang tatlo sa disco na located sa gym.

"Hi, guys!" bati naman ni Andrea sa kanila.

"Saan kayo galing?" tanong ni Marjorie sa kanila.

"Sa gym! May disco kasi!" masiglang sagot ni Roni

"Yeaah! At marami ring magagandang freshmen don!" sabi naman ni Keifer at napairap naman si Steffanie sa kaniya.

"Pumunta din kami sa room na naka assign sa atin." maayos at nakangiting sagot ni Mark kay Marjorie.

"Saan daw?" tanong ni Shane.

"Wow, Shane! Mabuti at naisipan mong pumunta? Akala o magkukulong ka na naman sa dorm niyo at magbabasa lang ng libro." pabirong sabi ni Roni at nagtawanan sila. Kahit si Shane ay natawa ng bahagya.

"Naku! Mabuti kamo at napilit namin! Yan mismo talaga yung balak niyang gawin!" kumento naman ni Marjorie.

"Well, that's a good thing that you step out of your comfort zone, Shane." kumento ni Mark at napangiti naman si Shane sa kaniya. "We're sophomores now. We should get along with the freshmen students, especially our seniors." dagdag pa nito na sinangayunan nilang lahat.

"Tama! Kaya saan nga pala ulit yung classroom natin?" tanong ulit ni Andrea dahil hindi nasagot ang tanong niya kanina.

"Sa 3rd floor ng nemesis building daw." nakangiting sagot ni Mark.

Retribution |COMPLETED|Where stories live. Discover now