Prologue

55 23 4
                                    

!!!WARNING!!!: The incantations in this story ARE REAL (especially the last part of the story). Please DO NOT attempt to read them aloud under any circumstances. Remember always to pray. If you feel any disturbing things while reading this story, kindly stop and pray to our Lord so that you will be safe. Thank you. 

I'm sorry for the wrong spelling, grammar, and punctuation. This story has not yet been edited so you might encounter those.

---- Saintesssheol ----

PROLOGUE

"Sigurado ba talaga kayo dito?" nanginginig sa takot at kinakabahan na tanong ni Shane sa mga kasama niya.

"Why? Are you scared?" maarteng saad ni Steffanie sa kanyang kaibigan at inirapan ito.

"Pwede ba Steffanie? Natatakot na nga yung tao eh." sita ni Mark na nasa unahan ng gurpo. May dala itong flashlight sa kanang kamay nito. Nasa likod naman niya si Marjorie na hawak hawak ang kaliwang kamay ni Mark.

"Sh!t ang dilim naman dito!" reklamo ni Roni na may hawak na flashlight galing sa cellphone at inaaninag nito ang hagdanan.

"Gosh! Ang baho naman nun! Sinong umutot?!" anas ni Andrea at tinakpan ang ilong daahil sa masangsang na amoy.

"Oo nga! Parang nabubulok na baboy!" reklamo din ni Keifer na nasa pinakalikod nilang lahat.

Kasalukuyang papunta ang grupo nina Marjorie, Mark, Keifer, Shane, Andrea, Roni, at Steffanie sa 3rd floor ng abandonadong building ng Blackwood University.

"Malayo pa ba!?" tanong ni Andrea na halatang natatakot dahil sa dilim.

"Isang floor na lang." sagot sa kanya ni Mark.

"Bakit nga pala sa 3rd floor pa?" tanong naman ni Marjorie.

"Kasi, sabi nila... sa 3rd floor daw maraming nagpapakita." sagot ni Roni.

"Ano daw yung mga nagpapakita?" takot na tanong ni Shane na nakatingin sa paligid.

"Ang sabi nila may mga espirito daw ng mga estudyante dito. May white lady din at kumakalabog ang mga upuan kahit gabi. At minsan daw, naririnig nila na maynaglalakad na naka kadena..." kwento ni Roni.

"iiiihhh!!! Umalis na tayo dito! Nakakatakot!" sabi ni Shane at humawak sa balikat ni Roni. Tinawanan lang naman siya nito.

"Ano kaba naman Shane. Wala pa nga eh." sabi ni Andrea.

"Are you sure? Heresay lang naman ang mga yan." Maarteng sabi ni Steffanie, palibhasa ay hindi naniniwala sa multo.

"Credible kaya ang sorces ko!" inis na sabi ni Roni kay Steffanie at inirapan lang siya nito. Nagbangayan pa sila ng biglang magsalita si Mark.

"Andito na tayo."

Tumahimik naman sila at tinignan ang paligid. Biglang may tumunog sa likuran nila kaya gulat silang napalingon.

"What was that?" maarte ngunit may kaunting takot na tanong ni Steffanie.

"Tumuloy na tayo." sabi ni Mark at lumapit sa pintuan.

"Hindi ba naka lock?" tanong ni Keifer. Sinulyapan naman siya ni Mark sabay inikot ang doornob at bumukas ito. Tuluyang binuksan ni Mark ang pinto at bumugad sa kanila ang napaka-alikabok na classroom. May mga ilan-ilan na sirang upuan at may mga konting bakas ng mantsa sa dingding na kung titignan mo ay parang dugo.

Naunang pumasok si Mark at sumunod naman ang iba. Si Roni at Keifer ay parang namangha at excited sa nakikita habang ang mga babae naman ay halata ang takot maliban kay Steffanie na tila bored na bored at walang pakealam sa paligid.

Retribution |COMPLETED|Where stories live. Discover now