Sabi nila, you can stare everyone and have an eye contact to them without giving up first, but there's one person you can't. Your crush or the one you admire.
And I guess it's true, 'cause I can't even glance at him, titig pa kaya?
“Are you all done?” Tanong ng guro namin, agad naman kaming sumagot na hindi pa kaya hinayaan niya kaming sumagot sa sarili naming mga papel.
We're currently taking our exam in Filipino. Wala akong maisagot kaya nagtatanong ako sa katabi ko, buti nalang at nagpapakopya kung hindi ay blanko na naman ang papel kong ipapasa kay ma'am, syempre hindi ako papayag, lalo na't academic achiever ang crush ko, classmate ko pa hayts.
Nakakahiya kapag nalaman niyang wala manlang akong nakuha ni-isa sa exam namin. Mat-turn off siya.
Natapos ko kaagad ang exam dahil hinulaan ko lamang ang iba sa mga ito, at ang iba naman ay nasagutan ko nang ako lang dahil may natira pa namang kaonti sa utak ko.
Nakatulala na lamang ako ngayon sa kisame. Titigan ko sana ang lalaking nasa bintana kaso natatakot ako baka bigla niya akong makita.
I'm not that brave like other girls na kahit nakatingin ang mga nagugustuhan nila sa kanila ay nakakaya parin nilang titigan ito.
Tinititigan ko naman siya minsan, kaso hindi iyon nagtatagal. I even once glance at him, pero tuwing napupunta naman ang mata ko sakanya ay nakatingin naman siya sakin kaya nagiiwas agad ako.
Akward kaya 'yon. Yung titingnan mo palang pero nakatingin na sayo? hayst.
“Ang ingay!” Reklamo ng teacher namin, dahil sa ingay sa labas. “Aris, tignan mo nga kung anong ginagawa. Oras ng exam, ang ingay.”
Agad namang tumayo ang lalaking tinawag ni ma'am (na crush ko hehe, landi) at pumunta sa labas para tignan kung ano ang ginagawa ng mga bata sa labas.
“Tahimik daw!” Suway niya sa mga bata, gamit ang malalim na boses. What the fucking fuck! Kahinaan ko 'yon.
Pumasok naman siya agad, at hindi ko sinasadya na tignan siya sa pintuan.
God ang gwapo! Mixed na angel at devil! Lagi ko kase siyang nakaka-away.
“Wala daw silang teacher Ma'am!” Nakangiti pa nitong sambit sa guro namin, kaya napangiti narin ako.
Ang ganda ng ngiti niya. Nakakahumaling. Ay, nahumaling na pala ako.
Agad akong nagiwas ng tingin nang nahanap na naman niya ang mata ko.
Konti nalang talaga Aris, mag-a-assume na 'ko. Char. Nag-a-assume na pala ako.
Naisip ko na iguhit siya kahit hindi ko naman talaga alam.
Inilabas ko ang papel at nagsimula ng magdrawing. Sa una ay natatawa ako dahil mukha siyang unggoy! Ang laki ng ilong, ang haba ng mukha! Pero pinalitan ko kaagad ito, hindi naman siya ganon!
Nahumaling ako sa paguhit kaya hindi ko namalayan na pasahan na pala ng papel kaya agad ko itong ipinasa sa harap.
“Okay let's check!” Anunsyo ng teacher kaya agad kaming nagayos.
“Ma'am, ibabalik paba sayo 'tong papel?” Pahabol na tanong ng lalaki kaya agad na napunta ang lahat ng atensiyon sakaniya, except mine.
“No. We'll record it immediately.” Sagot naman ni Ma'am
Natapos namin kaagad ang pagc-check dahil mabilis din ang pagsabi ni Ma'am ng mga sagot.
“Count the number of check, and give it back to the owner.”
Agad kong binilang ang mga correct sa papel ng chinecheck at agad ding binigay ito sakaniya.
Agad din akong bumalik sa upuan ko, at naghintay na ibalik din sakin ang papel ko. Nagre-re-check na ang mga ibang classmate ko sa sarili nilang papel ay wala pa sakin ang papel ko.
Baka ayaw nilang ibalik sakin yung papel ko dahil wala akong nakuha!
“Ma'am!” Tawag ko sa teacher, “Wala pa po yung papel ko!”
“Oh, yung papel daw ni Ms. Verera.”
Walang sumagot kaya ako na ang nagsabi, “Dios mio! Yung papel ko baka gusto niyo nang ibalik?! Hindi maman ako mad-disappoint kung mababa score ko. Basta ibalik niyo! Punyeta--”
“You don't have to shout Miss.” Namula kaagad ako ng marinig ko ang boses sa likod ko.
Shet!
Alam ko kung sino 'to! Boses pa lang!
Namula kaagad ako, at unti unting hinarap siya, “Papel ko?” Pinipigilan ko ang ngumiti. Ang hirap.
“Here,” sabay abot niya sakin ng papel, akala ko aalis na siya pero hindi, “and you have a nice drawing, huh. It looks like me!” Sabay tingin niya sa papel ko, kaya lalong namula ang pisngi ko.
It doens't really look like him, at alam kong sinabi niya lang iyon dahil alam niyang crush ko siya. Paasa.
Linagpasan ko siya at pumunta sa upuan ko para ibaliktad ang papel para hindi niya na makita ang drawing ko.
Nakakahiya!
Unti-unti kong iniangat ang tingin ko para tignan kung naroon paba siya. Napahinga nalang ako ng malalim nang makita kong pabalik na siya sa kanyang upuan.
Umayos ako ng upo, at dahan-dahang ibinuklat ang test paper ko para makita ang score. Idinako ko kaagad ang mata ko sa gilid ng papel kung saan banda isinusulat ang mga score.
Agad nabuhayan ang mata ko nang nakita ko ang nakuha ko.
45/50!
Ang taas!
Salamat sa katabi ko!
Bumuntong hininga ako, at nagbabadyang tupuin ang papel nang nakita kong may nakasulat pa sa ibaba.
Tinignan ko kaagad ito, at biglang namula ang pisngi ko.
‘Don't stare me like that, nanghihina ako.’
Tinignan ko siya, at as expected nakatingin na siya sa'kin, with a smile on her face, and he FUCKING wink, kaya agad ko ding binawi ang tingin ko.
Oh, that man!
