"B-babe." Sambit niya. Agad akong napapikit ng makitang may mga sugat ang mukha at katawan ni Harper. Hindi ko siya sinagot, sa halip kinalas ko ang lubid na nakagapos sa mga kamay at paa nito.
"Seriously Harper, hindi mo nakayang labanan ang lubid? Are you that weak?" Naiinis kong tanong sa kanya habang tinulungan siyang makabangon. Nagpapasalamat akong walang ibang mangkukulam ang nagbantay dito maliban sa apat na mangkukulam na kasalukuyang nahihirapang humihinga ngayon.
"They get all my strength. Kinuha nila lahat ng lakas ko. It's their tradition for the sacrifice to be accepted by their god." Nahihirapan parin niyang tugon. Agad ko siyang niyakap saka walang sabi-sabing lumipad pataas. Nabigla siya kaya't agad din siyang napayakap sa akin. Maraming mga sigawan at iyakan ang naririnig namin sa aming baba ng papalabas kami sa kweba. Tuloy-tuloy lamang ako sa paglipad hanggang sa nakalabas kami ng kweba.
"I don't know that you can fly, babe." Sabi ni Harper habang nakayakap pa rin sa akin. Sila Kuya at Pinuno na ang bahala sa mga mangkukulam na iyon.
"I told no one." Mahinang sagot ko. Patuloy lamang ako sa paglipad hanggang sa marating namin ang isang batis. Sabi ni Harper na ang malamig na tubig lamang ang makakapagpabalik sa kanyang lakas. Sa gitna ng batis ako huminto.
"Hindi mo naman siguro ako ihuhulog dito, babe, hindi ba?" Umaasang tanong ni Harper. Tanging ngiti ang isinagot ko sa kanya.
"Take off your hands, Harper." Kalmang sabi ko sa kanya. Pero sa halip na sundin ako, mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Damn. Babe. Will you just put me on the land?" Parang naiinis niyang tanong sa akin. Agad akong umiling. Ano bang kaibahan kung dito? Mababasa't mababasa parin siya. Naramdaman kong unti-unti nang lumaylay ang mga pakpak ko. Bakit ganito? Bakit kumusang bumaba ang aking mga pakpak?
"Harper, bitawan mo na ako, mahuhulog tayong dalawa." Agad kong sabi sa kanya pero mahigpit pa rin ang yakap niya sa baywang ko. What a childish vampire. Akala ko heartless vampire lang siya, childish din pala.
"No-" hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng sabay kaming nahulog sa tubig. Biglang naglaho ang aking mga pakpak. Bakit ba bigla-biglang mawawala ang mga pakpak ko? Agad akong tumunga, maubusan ako ng hininga sa ilalim ng tubig. Pero bigla akong hinigit ni Harper sa ilalim ng tubig. Is he going to kill me? Tinadyak-tadyakan ko siya sa ilalim ng tubig pero hindi pa rin ako nakawala sa kanya. Nawawalan na ako ng hangin pero bago ako malagutan ng hininga, naramdaman kong inilapat ni Harper ang labi niya sa labi ko. Agad akong napalanghap ng binigyan niya ako ng hangin gamit ang bibig niya.
Akala ko ay ilalayo na niya ang mga labi niya sa akin pero hindi niya ginawa. Sa halip, patuloy niya akong binigyan ng hangin habang hinahalikan. Ang tagal niyang malagutan ng hininga. Ang taas ng hininga niya.
"Kiss me back, babe. Trust me, we're not going to die. Breathing underwater is one of my abilities." Nabigla ako sa sinabi niya sa aking isipan. Nakakahinga siya sa ilalim ng tubig? Ano siya, isda? Natigil ako sa aking pag-iisip ng bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko. Napatugon ako bigla sa ginawa niyang iyon.
Sabik akong hinalikan ni Harper kaya't sabik din akong tumugon sa kanya. Sh*t, bakit ang init? Kahit nasa ilalim kami ng tubig, sobra ang init ng aking katawan. Agad kong naipulupot ang mga binti ko sa baywang niya. Dinig ko pang tumawa siya sa ginawa ko.
"Seems like you missed me so much, babe." Dinig kong tanong niya sa aking isipan. Nakaramdam ako ng hangin na dumapo sa aking katawan. Hangin? Sa ilalim ng tubig? Agad kong ibinuka ang aking mga mata at saka ko lamang nalamang nakaahon na pala kami. Napatingin ako kay Harper, nakangiti siyang tumingin sa aking mga mata. Kailan pa siya umahon? Bakit di ko naramdaman? Nanatiling nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya at ang mga binti ko sa baywang niya habang siya rin ay nakayakap sa akin. Anong klaseng posisyon ito? Agad akong bumaba sa tubig. Muli kong nadinig ang mga tawa niya. Nawalan ako ng masasabi kaya agad akong tumalikod sa kanya't lumangoy papalayo. Nahiya ako bigla. Patuloy lamang ako sa paglangoy pailalim hanggang sumagi sa isip ko ang katotohanang hindi pala ako marunong lumangoy. Bakit sobrang lutang ko ngayon? Agad akong umahon ng maubusan ako ng hininga, pero wala na akong matatapakan sa ilalim ng tubig at pakiramdam ko ang lalim na ng nilangoy ko dahil hindi ko na kayang tumunga. Agad kong inikapa ang mga kamay ko, nagbabakasakaling may mahahawakan akong bagay na makakatulong sa akin sa pag-ahon, pero wala. Isang kahihiyan sa aking pamilya at sa lahat ng mga bampira kung mamamatay ako dito.
Naramdaman kong may humigit sa mga baywang ko paitaas. Laking pasalamat ko't ang tiyempo ng pagkakahigit sa akin ay tamang-tama. Hinigit ako ni Harper bago ako malagutan ng hininga.
Hindi niya ako binitawan, nasa mga bisig pa rin niya ako ng magsimula siyang umahon at naglakad papunta sa gilid. Saka ko lamang napagtantong mababaw lang pala ng nilangoy ko ng makitang sa mga baywang lamang ni Harper ang taas ng tubig. Nakakahiya.
Maingat niya akong pinaupo sa lupa. Nakatungo lamang ako, talagang nahihiya ako sa nangyari sa akin. Bakit ba kasi hindi ako pinayagan nila Kuya na mag-aral lumangoy? Dinig kong matunog na napangisi si Harper. Hinawakan niya ang baba ko saka itinaas ito para mapaharap sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Why are you so cute, babe?" Sabi niya saka mabilis akong binigyan ng halik sa aking labi.
"Don't try to swim again kapag hindi ako kasama." Nakangiti niya paring sabi saka mahinang kinurot ang ilong ko. Napanguso ako sa sinabi niya.
-Anniarian