Kabanata 16

6 1 0
                                    

Narating ko ang matandang kagubatan. Sa likod ng kagubatang ito ay ang lugar na aming tinitirhan. Dito nakatira ang pamilya ni Helle at ang ilan niyang mga kadugo. Dito din ako naninirahan simula noong nawala si Ina. Pero hindi ako nakatira sa bahay nila Helle. I have my own house here. Agad akong napatingin sa langit nang makarinig ako ng halakhakan ng mga mangkukulam. Witches! Nakasakay sila sa mga walis nilang lumilipad. Galing ba sila sa tinitirhan namin? Dali-dali akong tumakbo papunta sa aming tirahan. Sari-saring hagulhol ang aking narinig. What happened? Agad kong tinakbo ang distansiya mula dito sa aking kinatatayuan patungo sa bahay nila Helle.

"Helle? Tita? Tito, where are you?" Tumatakbo kong tawag sa kanila. Pero wala akong narinig na responde. Nagkagulo ang mga gamit sa bahay nila Helle. What happened here?

"Tito?" Tawag ko ulit. Pero walang narinig na sumagot. Nagpatuloy ako sa paghahanap sa kanila hanggang sa nakarinig ako ng hagulhulan sa may kusina. Agad akong tumakbo papunta roon. And there I saw Tito Jed lying on the floor with a knife on his chest. Helle and Tita Lucy are there too, crying while hugging the dead body of Tito Jed. Agad napatingin sa akin si Helle.

"Anong nangyari dito? Sinong may gawa nito?" Galit kong tanong sa kanila. Tumayo si Helle saka lumuluhang lumapit.

"The witches! They killed my father. Lahat ng ama na dito nakatira pinatay nila. Mga wala silang puso. Papatayin ko silang lahat." Pasigaw na sabi ni Helle. Agad ko siyang niyakap. Bakit ginawa ng mga mangkukulam ito? Walang atraso ang mga bampirang nakatira dito sa kahit na sino. Alam ko 'yun dahil dito ako lumaki. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa kanilang ginawa. Hinayaan kong umiyak sa aking dibdib si Helle. Nang tumahan siya ng konti, nilapitan ko si Tita Lucy.

"Patawarin mo ako, Tita, kung ngayon lamang ako. Hindi ko nailigtas si Tito." Sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod. Yakap-yakap niya pa rin ang wala nang buhay na katawan ni Tito. Patuloy lamang siya sa pag-iyak kaya niyakap ko siya sa kanyang likod. Tita Lucy and Tito Jed are like real parents to me. Isa sila sa tumulong sa akin para makalimutan ang nangyari sa aking ina.

Agad kong pinarating kay ama ang nangyari. Kaya agad siyang nagpadala ng kanyang mga tauhan para ilagay sa tamang kalalagyan ang mga walang buhay na katawan. Ipinasama ko rin sila Helle at ang lahat ng pamilyang nagluksa sa mga tauhan ni ama upang doon muna sila pansamantalang manatili sa kaharian ni ama.

Nang makaalis na sila ay saka lamang ako bumalik sa bahay nila Charlotta. Pagkarating ko doon, ang mga tawa ni Charlotta ang bumungad sa akin. Gising na siya. Gising na si Charlotta ko. Nakangiti akong tumingin sa kinaroroonan niya nang bigla na lamang akong natigilan ng makitang nakasandal ang ulo ni Charlotta sa balikat ni Cristoff habang nakahawak naman sa baywang ni Charlotta ang isang kamay ni Cristoff at kapwa sila nakatingin sa mga larawan. Kung hindi ako nagkakamali, larawan nila ito noong bata pa sila. What's this? Anong klaseng palabas 'to? Napatingin ako sa mga kapatid ni Charlotta sa likod ko, kapwa naman sila nag-iwasan ng tingin. If this is just a show or a prank, I'll honestly admit na hindi talaga nakakatuwa.

"Cristoff, Charlotta?" Tawag ko sa pangalan nila. Sabay silang napatingin sa akin. Nawala ang kanilang ngiti nang makita ako. Unti-unting ibinaba ni Cristoff ang kanyang kamay na nakahawak sa baywang ni Charlotta. How dare him to touch my woman?

"Kuya, may bisita pala kayo." Nakangiting sabi ni Charlotta. Bisita? Hindi lamang ako isang bisita.

"Tingnan mo ito, ang dungis-dungis natin dito." Biglang sabi ni Charlotta kay Cristoff habang itinuro ang isang larawan. Napilitang ngumiti si Cristoff. Ano ito? Hindi na ako natutuwa.

"Look, if this is just a show or a prank, well, it's not freaking funny." Galit kong sabi sa kanila. Agad napatingin sa akin si Charlotta nang may pagtatakang mukha.

"What are you talking about? Kuya Zel, palabasin mo nga dito sa kwarto ko ang bisita niyo." Agad akong natigilan sa sinabi ni Charlotta. What? Can't she recognize me?

"Babe, anong sinasabi mo?" Tanong ko kay Charlotta. Mas sumama ang mukha niya.

"Babe? Are you insane? I don't even know you tapos tatawagin mo akong babe?" Tuluyan akong natigilan sa sinabi niya. Did she lose her memory? Hindi niya ba ako nakilala? Hindi niya ba ako matatandaan? But how come that she recognized Cristoff and her brothers? Ako lang ba? Ako lang ba ang hindi niya matatandaan? Damn. Babe, why can't you recognize me? Bakit hindi mo matandaan ang bampirang nakatakda sa iyo? Paano mo nakalimutan ang bampirang nakatakda sa iyo?

"Khloe lost her memory." Napainom ako ng tubig sa sinabi ni Dustin. Why? On what reason? Bakit bigla-bigla yatang nawala ang memorya niya? Dahil ba iyon sa lason? Hindi pa rin ako kumbinsidong nawala talaga ang memorya ni Charlotta.

Nasa kusina kami ngayon, kasama ko ang mga kapatid ni Charlotta, habang si Cristoff ay nasa kwarto ni Charlotta. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila ngayon. May tiwala naman ako kay Charlotta pero sa ugok na Cristoff na 'yon, wala akong kahit isang dangkal lang na tiwala. Papatayin ko talaga 'yong ugok 'yon kung may ginawa siya kay Charlotta.

"That's impossible. How can Charlotta lose her memory when she's hit in her chest and not in her head?" Matigas kong sabi sa kanila. Hindi talaga ako kumbinsido. Napaka-imposible.

"Pero hindi naman daw iyon magtatagal. Iyon ay reaksyon lamang ng lason." Sagot ni Zel. Nakaupo lamang siya sa isa sa mga upuan sa kanilang hapag.

Pinilit ipaintindi ng magkakapatid sa akin ang nangyari kay Charlotta pero hindi talaga ako kumbinsido, napaka-imposibleng mawala bigla-bigla ang kanyang memorya. I have this feeling na palabas lamang ang lahat.

"I don't believe you. Wag niyo akong gawing tanga." Tuluyan na akong nawalan ng pasensya. Alam kong hindi iyon totoo.

-Anniarian

Heartless VampireWhere stories live. Discover now