Nagising ako ng maramdaman kung may labing lumapat sa labi ko. Agad kong naibuka ang mga mata ko.
"Good morning, ate Khloe." Nakangiting bati ng nakababata kong kapatid. Siya ba ang humalik sa akin? Lokong bata.
"Did you kiss ate Khloe in the lips?" Tanong ko, saka binigyan ito ng halik sa pisngi. Malaking mga ngiti ang ipinakita niya sa akin.
"Yes, ate. I saw Kuya Dustin kissed ate Bliss at her lips last night. It actually started in ate Bliss' lips down to her neck. I just followed what Kuya Dustin did." Nanlaki ang mata ko sa isinagot ng kapatid ko. Kahit ano na ang nakikita at natutunan ng kapatid ko dahil sa kapabayaan ng mga Kuya ko.
Si ate Bliss ang itinakda kay Kuya. She is a Vampire too. Nagpunta lamang siya dito sa bahay dahil pinapunta siya ni Kuya Dustin.
"What? Baby, bakit mo sila tinignan? It's bad, baby." Napaupo ako ng sabihin iyon. Agad siyang ngumuso.
"I'm sorry, ate." Ngumunguso niyang sagot. Napangiti ako sa kariktan ng kapatid ko. Pinisil ko ang mga pisngi nito.
"Anyway, what brings you here? Nagpunta ka ba dito para gisingin si ate?" Tanong ko kay Jurzeal. Agad siyang tumango.
"Kuya Handsome asked me to wake you up." Tugon niya. Kuya Handsome? Sino naman kaya itong tinutukoy ng kapatid ko?
"Kuya Handsome? Sino si Kuya Handsome?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Inosente itong tumingin sa akin.
"You don't know who Kuya Handsome is, ate? He's actually downstairs and he asked me to give this to you." Agad niyang kinapa ang bulsa niya ng sabihin niya ito. Sino sa mga kuya namin ang tinutukoy ng kapatid kung 'to? Hindi naman Kuya Handsome ang tawag ni Jurzeal sa mga kuya namin.
Agad niyang inilahad sa akin ang asul na maliit na papel. Tinanggap ko ito saka dali-daling binuksan.
'Good morning sleepy head. Wake up now and come downstairs. I waited for you almost 2 hours now. Hurry babe before I'll change my mind and will be the one to go up there.'
Awtomatiko akong napatayo ng mabasa ko ang sulat. Harper? Anong ginawa niya dito? He waited for me almost 2 hours now? Agad akong napatingin sa orasan na nasa maliit kong lamesa. It's only 8:05 am. Bakit sobrang aga niyang nagpunta dito? Saka wala naman kaming napag-usapang magkita ngayon.
Dalawang linggo na ang lumipas simula noong sinugod namin ang kuta ng mga mangkukulam. Hindi natuloy ang duguang labanan dahil kusa silang sumuko. Nalaman namin ang rason kung bakit pinatay nila ang mga ama na nakatira sa tinitirhan nila Harper at Helle. Ginawa nilang alay ang mga buhay na kanilang kinuha sa kanilang diyos. Ngayon ay kasalukuyan na silang nakakulong sa piitan.
"Give me 2 minutes, baby, I'll just wash my face and brush my teeth." Hindi ko na hinintay ang sagot ng kapatid ko. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo. Nang matapos ay agad din akong lumabas.
"4, 3, 2, 1. Okay ate, let's go." Agad akong hinigit ng kapatid ko ng matapos niyang bilangin ang natitirang segundo sa dalawang minutong ibinigay ko sa kanya. Nakatingin pa siya sa kanyang relo ng bilangin niya ito. Nais ko pa sanang magpalit dahil damit pantulog ang suot ko pero hindi ko na nagawa dahil nasa hagdanan na kami pababa sa unang palapag.
"Ate Khloe is already awake." Bigla-biglang sigaw ng kapatid ko habang nakahawak pa rin sa kamay ko pababa ng hagdanan. Napailing na lamang ako sa kapatid ko.
Agad akong napatingin sa sala ng makarinig ako ng halakhakan. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko ng makita kung nagtawanan sila Harper at Rachelle habang naglalaro ng chess. Nawala ng tuluyan ang ngiti ko ng mapagtantong sobrang saya nilanh dalawa. Kung hindi ko pa sila kilala, iisipin kong magjowa sila.
Anong ginawa ni Rachelle dito? Kanina pa din ba siya tulad ni Harper? Ibig sabihin kanina pa silang naglalaro at nagkatuwaan dito? Kaya ba hindi si Harper ang pumunta sa kwarto ko dahil nandito din si Rachelle? Mapakla akong napangiti. Naramdaman kong kumalas sa pagkakahawak sa kamay ko si Jurzeal saka patakbong nagtungo nila Harper sa sala.
"Kuya Handsome and ate Pretty, my ate is already awake." Masiglang sabi ni Jurzeal sa kanilang dalawa. Kuya Handsome? Ate Pretty? Agad silang nahinto sa kanilang tawanan. Bago pa madapo sa akin ang paningin ni Harper, agad na akong tumalikod at nagtungo sa kusina. Bakit ba ako nasasaktan gayong nagtatawanan lang naman sila? Naglalaro lang naman sila at nagkatuwaan.
"Babe-" Tawag ni Harper sa akin pero hindi ako humarap. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad patungong kusina. Agad kong isinara at ini-lock ang pintuan ng makapasok ako. Gusto kong mainis sa sarili ko dahil sa kababawan. Sobrang babaw ng rason para magselos ako ng ganito. Pero hindi niya naman ako masisisi kung malaman niyang nagseselos ako dahil halos isang linggo din siyang hindi nagpakita sa akin, tapos ngayon makikita kong nag-eenjoy at nakikipagtawanan pa siya kay Rachelle.
Agad akong nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom. Gusto kong kalmahin ang sarili ko. Hindi dapat selos ang mararamdaman ko ngayon. Dapat masaya ako dahil nandito si Harper at binisita niya ako.
Pagsara ng ref, agad kong naramdaman ang labing lumapat sa leeg ko. Haharapin ko sana ito ng bigla niya akong niyakap mula sa likod.
"I miss you, babe." Mahinang sabi niya malapit sa aking tainga. Paano siya nakapasok dito? Sigurado akong ni-lock ko ang pintuan. Muli ko na namang naramdaman ang labi niya sa leeg ko. Pinakalas ko ang kamay niya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Paano ka nakapasok dito?" Malamig kong tanong. Ayaw kong mahimigan niyang may mali sa akin. Sana hindi niya mapansin ang nagseselos kong awra.
Ipinakita niya ang susing nasa isang kamay sa harapan ko. Agad akong napa-irap. Buti nasa likod ko siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, talagang naiinis ako.
"Why did you lock the door?" Mahinang tanong niya sa aking tainga. Naramdaman kong unti-unti niyang itinaas ang mga kamay niyang nakayakap sa baywang ko. Muli niyang inilapat sa leeg ko ang mga labi niya. Nakakarami na ito, ah.
"Bakit ka nangingialam, bahay mo ba ito?" Nahinto siya sa paghalik sa leeg ko ng marinig niya ang sinabi ko. Ako man ay nabigla sa sinabi ko. Agad niya akong pinaharap sa kanya. Agad kong nakita ang unti-unting pagkawala ng ngiti niya. Matagal niya pa muna akong tinitigan.
-Anniarian