Yna Mocha Cafè

10 1 0
                                    

"Yna Mocha Café?" Kunot-noo kong pagbasa nang malakas sa pangalan ng café na nasa harap ko ngayon.

Nakatayo ako sa labas ng pinto ng café at mukhang tangang nakatingala sa pader sa taas ng pinto kung saan nakasulat nang malaki ang pangalan ng café. Hindi pa nga sana ako aalis sa kinatatayuan ko kung hindi ko lang nakitang may palabas na lalaki sa café na 'yon.

Agad akong gumilid dahil malamang ay tatamaan ako ng pinto kung hindi ako gagalaw sa pwesto ko dahil palabas ang bukas non.

Pagkalabas nung lalaki ay sinipat kilatis ko agad siya dahil napaka-tangkad ba naman. Sinong hindi mapapatingin sa kanya? Kung baga siya na 'yan eh. Standout sa crowd. Headturner ba naman.

Naka-suot din siya ng asul na apron at may kinalikot sa pinto at pagkatapos pumasok na rin sa loob. Nang tignan ko ang pinto ay tinalikod niya lang pala ang sign na 'open' na ngayon ay 'closed' na. Hindi ko masyadong napagmasdan ang mukha niya dahil walang lingunan siyang pumasok ulit sa loob.

Pero nakita ko naman.

Matangos na ilong.

Mapupungay na mga mata.

Makapal na kilay na may ahit sa kaliwa.

Mahahabang pilikmata.

Magulong buhok na parang kababangon lang sa kama.

At ang labi niyang bahagyang naka-awang na namumula-mula pa.

Sayang dahil hindi ko siya masyadong napagmasdan sa lagay na 'yan. Hindi ko natukoy masyado ang kulay ng mata niya. Ang panga... kung umiigting ba. Ang kamay... kung maugat ba. Ang ano... ang anes, uhm, ang ayon paa... kung malaki ba. Pero syempre malaki talaga dahil sa tangkad ba naman niya ay malamang nasa dose ang size ng paa niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo ro'n sa labas nang nagmumurang café basta namalayan ko na lang na nakatayo na sa harapan ko iyong lalaki. Kinailangan kong tumingala habang lumulunok-lunok pa dahil nakakatakot ang laki niya. What if maisipan niyang durugin ako ngayon? Kawawa naman ako, dammit.

"Ah. May kailangan ka ba, Miss? Sarado na kasi kami."

Miss daw? Parang kulang. Feel ko dapat misis? Keme lang bhie.

"Ano...ah... ako? Wala, wala." Nakangiti kong sagot sabay atras nang konti.

"Nag-jogging lang ako. Pauwi na rin," dagdag ko pa habang nag-uunat unat kuno.

Mukha naman siguro akong nag-jogging dahil naka-leggings naman ako at white na t-shirt, 'no?

Bigla akong napatingin sa paa ko nang mapatingin siya ro'n. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang suot kong pansapin sa paa. C-crocs? Sa...jogging?

"Ah...haha." Mahina kong tawa.

"U-uso 'to ngayon, hindi mo alam?" ani ko habang inaayos ang bangs ko na nililipad ng hangin.

Tumango-tango iyong lalaki. "Jogging, huh? Naka-crocs? At sa malamig na gabi? Angas. Ipagpatuloy," saad niya saka tipid na ngumiti at marahan akong tinapik sa balikat bago tumalikod at sumibat.

Parang kusang bumigay ang tuhod ko nang tuluyan na siyang umalis. Mabuti na lang at may bench sa likod ko at doon ako umupo at pumadyak-padyak na parang bata. Nag-tantrums ako habang sumisigaw nang walang tunog dahil gabi na nga.

Naka-nguso akong tumayo at plano na sanang umuwi nang mapatingin ako muli sa pangalan ng café. Binigyan ko iyon ng one last look at bumulong-bulong na parang timang bago tuluyang maglakad pauwi sa amin.

'Babalikan kita, Yna Mocha Café.'

'Inamo rin.'

Yna Mocha CafèWhere stories live. Discover now