"Free kayo mamaya? Birthday ni Trinity. Punta raw kayo."
Napatingin kaming dalawa kay Kuya Mack nang magsalita siya. Kumakain kaming tatlong magkakapatid ngayon ng almusal at papasok na rin sa school maya-maya. Alas-sais pa lang ng umaga pero napakainit na. Cruel summer.
"Pass. I have so many articles to do," sagot ng bunso naming kapatid.
Napairap na naman ako dahil sa pagsasalita niya. Ang alam ko par pinanganak kaming sanay sa hirap tapos umunlad lang ang buhay naming pamilya nung nagtrabaho na si Ate Sol eh, yung panganay naming kapatid. Tapos ewan ko riyan kay Mino kung maka-english akala mo lumaki kaming isusubo na lang ang pagkain. Napakadugyot nga niyan nung bata tapos ganap na ganap pagka-rich kid ngayon.
"Ikaw?" Baling sa'kin ni Kuya Mack. "'Wag ka na. Magkakalat ka lang don," dugtong niya pa.
Uminom muna ko ng isang baso ng tubig bago siya ratratin at ipakita ang good girl side ko.
"'Yan. Ganyan ka, Kuya. Ni hindi mo na ko inisip. Mas mahal mo na girlfriend mo kaysa sa'kin eh. Magtatanong-tanong ka tapos may desisyon ka na pala. Edi sana hindi na lang ako pinanganak sa mundo—"
"Talaga."
Nanlaki ang mata ko sa kanilang dalawa nang sabay pa silang magsalita. Eh um-agree?!
"Wala talaga kayong pake sa'kin—" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang sumabat na agad si Kuya Mack.
"Oo na. Pumunta ka na. Daming dama amputa."
Natawa na lang ako sabay hampas kay Mino na nananahimik sa tabi ko. Pero hindi niya ko pinansin kaya nainis ako at hinampas ulit siya hanggang sa pansinin niya na ko at samaan ng tingin. So satisfying.
********
"Alis na kami, Ya!" Niyakap ko si Kuya Mack para magpaalam na at kami ay sisibat na.
Naka-angkla ang kamay ko sa braso ni Mino pagkalabas namin ng bahay dahil ihahatid niya ko. Fourth year college na nga pala ko while 2nd year naman si Mino. Dalawang taon tanda ko sa kanya pero hanggang balikat niya lang ako. Mas matangkad pa nga siya kay Kuya Mack eh.
Nilaklak ata margarin nung bata.
"Ingat!" ani ko sabay bagsak ng pinto ng kotse nang maihatid na ko ni Mino sa school ko. Originally sa'kin 'yon pero dahil na-trauma ako nung isang beses na nag-drive ako niyan at naibangga ko nung ipa-park ko na, pinamana ko na siya kay Mino. Kapalit nang lagi niya akong ihahatid sa school na hindi naman kalayuan sa school niya.
"Sissy ko!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa direksyon ni Azul, ang aking sister-in-law. Nakababatang kapatid siya ni Kuya Aeon, asawa ni Ate Sol, na hindi na sa bahay nakatira at kina Azul na. Na-gets niyo ba? Basta ang mahalaga ay importante.
Sa canteen nga pala ako dumiretso dahil nag-chat siyang nandito raw siya. Good news din ang hatid niya sa chat dahil wala raw kaming first sub at absent si prof panot.
"Aking sissy!" ani niya at nagbeso-beso kami sa harap ni Lara, girlfriend niya.
Jusmiyo marimar. Si Azul at Lara na ata ang pinaka-healthy na relationship na nasaksihan ko sa buong existence ko ma. As in sila na eh. Sila na talaga boi. Quality time, acts of service, physical touch, giving gifts, words of affirmation. Lahat nang makita niyo sa fb mga mommy meron sila.
Sirain ko na kaya relasyon nila.
"Una na ko, Bal," paalam ni Lara sabay kiss sa forehead ni Azul. Nagyakapan pa silang dalawa sa harapan ko pagkatapos ay umalis na rin si Lara dahil may klase na siya.
Siguro sana hindi na lang ako binigyan ng karapatang makakita.
"Inggit na naman ang Morisel na 'yan." Tumatawang pang-aasar pa ni Azul. Na akala niya nakakatuwa. Na akala niya hindi siya nakakatapak ng damdamin ng ibang tao—huy.
YOU ARE READING
Yna Mocha Cafè
RomanceNagmumurang café nga ba? O mayroong mas malalim na kahulugan ang pangalan ng cafè na ito? Let's just see how well Morisel Zaire Arcita can handle the situation once she finds out Antonio Filemon Montecillo's past. YNA MOCHA CAFÈ Written by: knowmen...