"Wait lang," ani ko kay Kuya nang bubuksan na sana niya ang pinto.
"Ano?" iritableng sagot niya na parang iyong sinabi ko na ang pinaka-nakakairitang salita na narinig niya.
"Dito na ba talaga?" paninigurado ko pa.
Sinisilip-silip ko ang loob non dahil baka mamaya biglang lumabas 'yung lalaking nakita ko nung isang gabi.
"Oo nga. Para kang baliw, Morisel. Bahala ka," salubong ang kilay niyang saad sabay marahas na tinanggal ang kamay kong nakakakapit sa braso niya at iniwan ako sa labas!
Napaka-sungit mo talaga, Mackenzie!
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng café. Ilang beses na rin akong bumuntong-hininga bago tuluyang magkalakas-loob na hawakan ang pinto at buksan 'yon. Tinulak ko ang pinto paloob pero ayaw. Muntik ko na ngang basagin iyon dahil tinulak ko ulit pero ayaw pa rin.
"Tinulak ka ni Mack kanina ah," parang inipit na sigaw ko dahil nakikita na ata ako sa loob ng mga tao at nakakahiya na ang ginagawa ko.
Dedma sa basher.
"Pull," ani ng malalim at baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa likuran ko.
"Anong pull eh tinulak to ni Kuya kanina-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ulit 'yung lalaking nakita ko rito nung nakaraan. Nakatingala ako sa kanya ngayon at nakaawang ang bibig na anytime pwede pasukan ng langaw o kaya naman tumulo bigla ang laway ko dahil sa sarap ng lalaki- huh.
"Tabi ka muna baka tamaan ka. Hinahatak kasi 'to, hindi patulak," aniya na diretso ang tingin sa may pinto.
Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko na parang may siraulong nag-glue sa paa ko sa sahig at nanigas ako sa kinatatayuan ko. At nang hindi ako gumalaw ay para akong manika na inilipat niya ng pwesto. Na parang ang gaan-gaan ko lang para buhatin niya ako nang ganon!
"Welcome, Ma'am," nakangiting aniya nang buksan na niya ang pinto at sumenyas ng kamay na pumasok na ako.
Inang ngiti 'yan, makalaglag panty.
Dahan-dahan na lang akong tumango bago lumunok at alisin ang tingin sa mukha niya. Para akong robot na naglakad papasok. Napalitan naman nang pagkamangha ang kaba ko kanina nang bumungad ang maaliwalas na loob ng cafè pagpasok ko. Kumportable sa pakiramdam at nakaka-relax ang ambiance. Gawa sa kahoy ang mga muwebles at nakakapang-akit ang barista este 'yung aroma ng bagong timplang kape tapos sinabayan pa ng melodiya ng musika.
In fairness sa owner, maganda ang music taste.
"Anong ginagawa mo sa pinto, Mori? Para kang tanga," bungad sa'kin ni Kuya.
Wala na. Pumangit na lahat nang makita ko ang mukha ni Mack na kahit walang ginagawa ay nakakairita.
Hindi ko na lang siya sinagot at tinarayan ko lang. Saka ko lang din kasi naalala na tinulak nga pala 'yon palabas nung lalaki the last time na nakita ko siya rito. At guni-guni ko lang na nakita kong tinulak ni Mack paloob ang pinto. Hindi ko rin maaway at masagot-sagot si Kuya kapag kasama niya si Ate Trinity. Para kasing anghel 'yan si Ate Tin, napakaganda, napakabait at napakalambing ng boses. Si Kuya naman si San Pedro, humihinga.
"Kompleto na ba bisita mo, Tin?"
Akala ko pagpasok ko ay lulubayan na ko nang poging boses ng barista na 'yon pero heto at kausap niya ngayon si Ate Trinity. Si Kuya Mack naman ay parang tanga kung makatingin doon sa lalaki kaya sinipa ko siya sa ilalam ng lamesa. Katapat ko kasi silang dalawa at bakante naman ang upuan sa tabi ko.
YOU ARE READING
Yna Mocha Cafè
RomanceNagmumurang café nga ba? O mayroong mas malalim na kahulugan ang pangalan ng cafè na ito? Let's just see how well Morisel Zaire Arcita can handle the situation once she finds out Antonio Filemon Montecillo's past. YNA MOCHA CAFÈ Written by: knowmen...