"Ano? Nag-reply na?" tanong sa akin ni Azul.
Umiling naman ako dahil hanggang ngayon hindi pa nagrereply si Mino. Bigla kasing bumuhos ang ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin kaya nandito kami ngayong tatlo nila Azul at Lara sa shed dahil hindi kami maka-alis at sobrang lakas nga. 7pm na at mag-iisang oras na kaming naghihintay rito kasama ang mga ibang students na wala ring mga payong.
Basa na nga panty ko.
"Baka naman hindi pa niya uwian."
Inilingan ko ulit si Azul. "5pm lang uwian non. Nagsabi na rin ako sa kanya pagkahatid niya sa'kin kanina na sunduin tayo pag umulan eh." Nakakunot ko pang sabi.
Tumango-tango lang naman si Azul at binalingan ang girlfriend niya. Nakasukbit sa harap ni Lara ang bag ni Azul at sinuot din niya kay Azul ang suot niyang jacket kanina. Hawak din ni Lara sa bewang ang babaitang pinagpala at nilalayo sa mga lalaking estudyante sa likod na halatang mga manyakis. Naka-palda pa naman kami ni Azul, ang pinagkaiba lang ay mayroon siyang isang Lara at ako heto basa na nga panty, puro talsik pa. Tangina talaga.
"Pano pag namatay tayo rito," maya-maya ay saad ko nang mas lumakas pa ang ulan na may kasama ng kulog at kidlat.
"Okay lang at least napanindigan naming dalawa ang till death do us part," sagot naman ni Azul na yumakap pa kay Lara.
"Gago," ang tanging agot ko sa harap-harapan niyang pananakit!
Kinuha ko ulit ang phone ko sa bag ko para tignan kung nag-reply na ba si Mino pero wala pa rin. Hindi ko naman pwedeng abalahin sina Ate Sol at Kuya Mack dahil alam kong busy sila ngayon. Hindi naman din namin masabi kung kailan titila 'tong ulan.
Pero mukhang totoo ang himala nang may humintong kotse sa tapat namin at may bumabang lalaki.
"Hatid ko na kayong tatlo, Mori!" sigaw ni Blake habang nakapayong siya at binuksan ang passenger seat.
"Basa kami–"
"Thankyou!" pagputol ni Azul sa sasabihin ko.
Hinila na niya si Lara at tinulak naman ako para sabay na kaming tumakbong tatlo pasakay ng kotse. At syempre doon ako umupo sa tabi ni Blake dahil lumabas pa talaga siya para pagbuksan ako ng pinto! Nang makapasok na ako ay lumipat naman siya sa driver's seat at nagmaneho na dahil nakaharang na rin kami sa daan.
"Kanina pa ba kayo ro'n? I'm sorry, I'm late. I just had to finish some school stuff."
Kumunot ang noo ko sa kanya nang magpaliwanag siya. Parang I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason ang atake ko kahit hindi ko naman hinihingi sa kanya, bigla na nga lang siyang sumusulpot.
"I mean," he chuckled. He chuckled???
"Kuyo Mack texted me to fetch you because Mino can't. Busy rin daw sa school paper nila," nakangiting paliwanag niya.
Tinanguan ko lang siya dahil natira na naman ako sa likod ng mga kapatid ko. Pwede naman akong replyan ni Mino pero mas pinili niyang sabihin 'yon kay Kuya para ipasundo ako kay Blake. Nang lingunin ko rin sina Azul at Lara sa likuran ay nakangiti na silang dalawa.
Inirapan ko lang silang dalawa at tumingin na lang sa bintana. Maraming estudyante ang naligo na sa ulan at ang iba ay nag-paa na. Na-concious tuloy ako bigla dahil may tubig din sa loob ng black shoes ko at nagsswimming na ang paa ko. Nakalimutan kong itaktak bago sumakay ng kotse.
"Dito ka na rin bababa?" tanong ni Blake nang tanggalin ko rin ang seatbelt ko.
Nandito na kami sa bahay nila Kuya Aeon dahil malamang dito nakatira si Azul. Dito rin daw muna niya patutulugin si Lara dahil basang sisiw na kami. Mas una rin kasi naming madadaanan tong kina Ate Sol kapag galing kang school kaya dito na rin ako bababa at hindi rin nga ako komportable maiwan kasama si Blake.
YOU ARE READING
Yna Mocha Cafè
RomanceNagmumurang café nga ba? O mayroong mas malalim na kahulugan ang pangalan ng cafè na ito? Let's just see how well Morisel Zaire Arcita can handle the situation once she finds out Antonio Filemon Montecillo's past. YNA MOCHA CAFÈ Written by: knowmen...