MINAHAL MO BA AKO?
Minsan napapatanong ako sa aking sarili,
Kung minamahal mo ba ako ng buong puso,
O minahal mo ako dahil ako lang ang narito,
Naguguluhan din kasi ako sa aking sarili.Sa tuwing ika'y kasama, puso ko'y nababalisa,
Sa bawat salita, ako'y nag-iisip at nag-aalala,
Sa likod ng iyong ngiti, may sikreto bang itinatago,
O tunay bang pag-ibig ang sa akin ay itinatakda mo?Mga gabi't araw na tayo'y magkasama,
Bawat sandali'y tila isang palaisipan,
Mga yakap at halik, totoo ba o pakitang-tao lang?
O sadyang ako'y takbuhan mo lamang?Naglalakbay sa alaala ng ating kahapon,
Mga pangako mo, totoo ba o mga ilusyon?
Ang puso ko'y nagtatanong, naghahanap ng kasagutan,
Minahal mo ba ako o isa lang akong laruan?Kay raming katanungan na sa isip ko'y gumugulo,
Ang bawat saglit na tayo'y magkasama,
Kay tamis ng iyong mga salita,
Ngunit ang katotohanan, minahal mo ba talaga ako?Ngayon, sa harap ng pagsubok at pagsisiyasat,
Nais kong malaman, tunay ba ang iyong damdamin?
Kung ako'y lisanin mo, masasaktan ba ako?
O mas mamumulat ako sa katotohanang, hindi mo ako minahal ng buong puso?
BINABASA MO ANG
Mga Himig ng Damdamin
Poetry[ POETRY COLLECTION ] Ang Mga Himig ng Damdamin ay isang natatanging koleksyon ng mga tula na naglalaman ng mga kwento ng pag-ibig, kalungkutan, at pag-asa. Sa bawat pahina, mararamdaman ang malalim na damdamin at makabuluhang mga salita na magbibig...