Chapter 3

11 0 0
                                    

" Gago, totoo ba 'to? "

Tumulo nalang luha ko habang nakikita ko sa timeline nya na nagkabalikan sila ng Greatest Love nya. Pinost nya mga photo nila na agad bumilis ang tibok ng puso ko.

Mag pinsan si Samantha at si Xian kaya alam nya at mabilis sya makaalam ng balita tungkol sa pinsan nya, at agad agad naman nyang sinasabi ito sakin.

" Val sinabihan ka na namin na gago yan si xian diba? " sabi ni Luke na bigla nyang tinikom ang kamao nya at kitang kita ko ang galit sa mukha nya.

Niyakap nila ako at pinakalma dahil alam nila hindi titigil pag iyak ko pag hinayaan nila akong umiyak, birthday pa naman ni papa.

" Bumaba na tayo, ayos lang ako " sambit ko at bumaba nalang kami na parang walang nangyari, na parang wala akong nalaman, na parang hindi ako nasasaktan.

Pumunta kami sa terrace dahil nandun ang mga cake, pork steak, beef shortplate at pati mga alak. May karaoke rin na nirenta sila kaya nilibang ko na lamang ang sarili ko.

" Kunin mo nga yang mic, at kakanta ako " utos ni Samantha kay Luke na agad naman nya itong inabot.

Singer kasi yan si samantha eh, samantalang ako parang boses ng kambing!

Habang kumakanta si Samantha ay sinabayan nalang namin ito habang nalamon na ng mga handa, mas nauna pa kami sa may birthday

....

Gabi na at nag si uwian na ang mga bisita at tutulog na rin si papa at mama kaya kami nalang ang magliligpit ng mga pinagkainan. Umalis na rin si Luke dahil may training pa sya ng basketball bukas, kaya ang naiwan dito ay si Samantha. Nagpaalam naman sya sa lola nya na dito sya saamin matutulog.

" Sleep over ka nanaman dito ha! " Nagulat nalang kami na may nagsalita sa baba ng terrace, Si emilia pala

Si Elliana Donatella Luciano, Pinsan ko sa side ng papa ko Hays walang ibang ginawa kundi maging pasaway! Mas matanda ako sakanya ha pero yung height nya kala mo 21 years old na!

" Ellie andito ka pala! sleep over ka rin dito " sambit ni sam na agad naman kumindat si ellie sakanya

Sleep over pero kapitbahay lang talaga namin sya ang oa talaga!

" Sige basta samgyup ulit tayo " bulong nya samin at kagad naman kinuha ni samantha yung pork steak sa ref namin

......

Habang nakain kami ay bigla na lamang ako kinausap ni Samantha na para bang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko

" Valentina Wag mo na ulit saktan sarili mo ah, aalis na sila tito at tita kailangan mo lakasan loob mo sa mga bagay na mangyayari sayo. Kailangan mo i-heal ang puso mo at magmove on sa taong ginagago ka lang. " sambit nya at hinawakan nya ang kamay ko

" Nandito kami para sayo, kung si Xian hindi nagawang alagaan ka, iparamdam sayo na kamahal mahal ka. Nandito kami Val. " niyakap ko nalang sya bigla at agad akong umiyak

" Tumahan kana. Baka nga next month may dumating na para sayo eh! hintay ka lang dyan habang pinapagaling mo ang puso mo! Kayang kaya mo 'yan Valentina! " Nakangiting sabi ni Samantha habang si ellie ay kumakain lamang.

" Hala gago wala na sila xian? " gulat na tanong ni ellie

" Tangina neto ni ellie, kakalimutan na nga ni val eh! " Inis na sabi ni Samantha at tinawanan na lamang kami ni ellie at sumubo ulit ng steak.

Napaka swerte ko na may mga kaibigan akong tutulungan ako sa mga oras o panahon na kahit sarili ko hindi na ako matulungan. Mahirap makatagpo ng ganitong kaibigan, Para sa sarili ko magmmove on ako!

TAHANAN (Ongoing)Where stories live. Discover now