Nov. 14, 2021
7:30 amGumising ako para magsulat ng liham na ibibigay ko sa papa ko. I'm Valentina Skye. I really love writing love letters, ayun siguro love language ko. Magang maga ang mata ko dahil iyak ako ng iyak kagabi, hindi nanaman kami magka ayos ni xian. Nagpatugtog na lamang ako habang gumagawa ng liham para sa kaarawan ng papa ko.
" Valentina! "
May tumatawag ba sakin?
" Valentina, anak! " sigaw muli ni papa kaya napatayo ako sa upuan at dali daling bumaba
" Happy Birthday pa! bakit moko tinatawag? " aniya ko.
"Salamat Anak. Ayy! samahan mo kami bumili ng mga gamit para sa handaan mamaya " sagot ni papa
" Bakit pa? ano ba handa mamaya? " tanong ko na para bang mabubusog nanaman ako mamaya
" Samgyupsal nalang, bumili na kami ng mama mo ng samgyup stove kahapon, gusto ko man lang makapagcelebrate tayo ng kaarawan ko bago kami pumunta ng canada ng mama mo "
Hindi ko pa rin alam nararamdaman ko kundi ang bigat bigat, aalis na si mama at papa tapos lagi pa kami magkaaway ni xian.
" Anak may problema ba? " tanong ni papa dahil nakita nya ang malungkot kong mukha
" Wala, pa bagong gising lang kasi ako, aakyat na ulit ako sa kwarto gagawa pa ako ng assignments " Ngumiti ako at agad akong umakyat sa kwarto ko.
Umupo na lamang ako sa study chair ko at ginawa ang love letter para kay papa.
" Hindi ko ibibigay to mamaya sakanya, alam ko na mahihirapan sila umalis ng Pilipinas pag nakita nilang malungkot ako."
....
" Hays sa wakas tapos nako gumawa ng love letter kanina pa pala natunog phone ko, sana naman suyuin na nya ako "
Binuksan ko ang aking cellphone at nakita ko na ini-spam ako ng chats ni xian.
" Mukhang sinusuyo na ako ah, kinikilig tuloy ako "
pagkapindot ko ng convo namin, agad nanlumo ang mga mata ko sa mga nabasa ko
"Ayoko na Val. " isang linyang sinabi ni xian na agad naman tumulo ang luha ko.
" Pero Xian...Wag moko iiw- " hindi ko na lamang naituloy ang sasabihin ko sakanya sa chat ng mabasa ko ulit ang reply nya
" Sa una pa lang hindi naman talaga kita ginusto, pustahan lang nangyari dahil sabi nila sakin matalino ka, salamat nga pala sa mga regalo mo para sa bike ko " dagdag nya
Humiga nalang ako sa kama at lalo akong umiyak dahil sa mga nabasa ko galing sakanya.
*This person is not available on Messenger*
Nakatulog na lamang ako dahil hindi naman talaga ako sanay gumising ng ganon kaaga, pero ginawa ko yun para lang makagawa ng love letter.
.....
" Anak! nakabihis kana ba?? ang papa mo naghihintay na saatin! " Sigaw ni mama kaya dali dali nako nagsuot ng sapatos at bumaba narin sa hagdan
" Oh bakit parang kakagising mo lang? sabi ng papa mo sakin maaga ka raw nagising " pagtataka ni mama dahil nga kahit sila hindi sanay na nagigising ako ng maaga.
" Ma nagising ako kasi ano....Dahil sa... Dahil sa alarm ko, hindi ko napatay, akala siguro ng alarm ko may pasok " pagpapalusot ko
" Anak pandemic ngayon, paano naman malalaman ng alarm mo na may pasok ka aber?? " aniya nya
" MA! ANTAGAL NYO NAMAN KANINA PA AKO BUMUBUSINA, BILISAN NYO NA! " Sigaw ni papa na agad agad naman namin isinarado ang pinto ng bahay at lumabas ng gate.
YOU ARE READING
TAHANAN (Ongoing)
RomansaThere is a girl named skye, she is always cheated by men. She always expected to be treated right but she was only 13 years old. One day she met a man who would treat her right but the time was not right for them. Will they be the last?