CHAPTER 1

28 0 0
                                    


CHAPTER 1

Sa kalagitnaan ng Gabi, makulimlim na kalangitan. Liwanag ng bilog na buwan ang tanging nagsilbing ilaw ng paligid. May isang Babaeng naglalakad sa eskinita dala-dala ang gamit nito, lumilinga-linga sa paligid sapagkat pakiramdam ay may nakasunod o nakamasid.

Takot ay nilabanan, patuloy sa paglalakad na parang walang masamang pakiramdam. Katahimikan ng paligid na tila'y nakakabinge.
Walang niisang tao dahil hating gabi na.

Nanginginig ang Babae nang makompirme na may taong naka itim ang nakasunod sa kanya, takbo rito, takbo roon. Takbo lakad ang ginawa.

Nanginginig ang binti sa takot at nagdasal na sana'y walang masamang mangyari sa kanya.
Ngunit sa isang iglap lamang, nasa harap na sa kanya ang Naka-itim na lalaki.

" S-sino ka ? " Nanginginig na tanong ng babae at marahas na lumunok ng laway.
Pinagpawisan at halatang pagod na pagod dahil sa takbo nitong ginawa at mga paa nito'y namumula dahil sa suot nitong heels.

"B-bkit m-mo ako sinundan? Anong kailangan mo? " Sunod-sunod ulit na Tanong ng babae habang dahan-dahang umatras, lalaki ay walang imik at nakayuko, hindi maaninag dahil mukha nito'y natatabunan ng kanyang suot na hoodie.

Napatingin ang Babae sa kamay ng Lalaki ng nakitang nag labas ito ng patalim, patalim na sa isang sàksak mo nito ay paniguradong langit ang kahinatnan mo.

Napaatras ng napaatras ang Babae dahil ang Lalaki'y dahan-dahan ring humakbang papalapit sa kanya hanggang sa wala ng maatrasan pa dahil sa pader na nakaharang.

" AH TULONG! " Malakas na sigaw ng Babae dahil sa biglaan na lang itong hinablot sa buhok.

" TULUNGAN NYO'KO! " Pag-ulit na sigaw nito ngunit walang nakakarinig sa kanya.

Sampal sa pisnge at sampal sa kanang pisnge ang binigay sa kanya ng Lalaking hindi pa rin nagsasalita, pulang-pula na ang mukha ng Babae at panay itong sumisigaw sa sakit.

"ANO BANG KAILANGAN MO SAAKIN!? TAMA NA ! NASASAKTAN NA AKO ! "

Iyak, sigaw, paghikbi at pagmamakaawa lang ng babae ang tanging maririnig sa eskinita. Ngunit kahit anong sigaw nito ay tila walang pakialam ang kung sino man ang gumawa sa kanya nito.

Nanglaban siya ngunit wala siyang sapat na lakas upang ipagtanggol ang sarili, mas lalo pang nilakasan ang pagsampal sa kanya sa mukha at binugbog ng binugbog.

" T-TAMA NA PO! MAAWA KA SAAKIN " pisnge nito ay nagdurugo dahil sa walang tigil na malakas na pagsampal nito, nanghihina, nahihilo, nasasaktan at halos sobrang baga na ng mukha nito hanggang sa natumba na ito dahil wala ng lakas pang lumaban ang Babae.

" Desperate woman should go to hell " malamig na wika ng Lalaking nakatingin sa babaeng duguan.

Sumilay ang ngiti sa labi nito na para bang nasisiyahan habang pinagmasdan ang babaeng kahit hindi na masyadong nakapagsalita ay humihingi pa rin ito ng tulong.

Ikinuyom nya ang kanyang kamao at mahigpit na hinawakan ang pàtalim bago marahas na ngumisi.

" You deserved to DÎÈ ! "

" AHHH ! "


____________________

ZHIANNA AMORE MILESTONE POV ;

" ISANG BABAE PATAY MATAPOS BUGBUGIN AT GAHÀSAIN, AT HALOS HINDI NA MAKILALA KUNG SINO ITO DAHIL SA MUKHA NITONG PURO PASA AT PAMBU-. " Pakikinig ko sa Balita dito sa Caffee ngunit hindi ko na narinig ulit ang kung ano ang sinabi pa ng reporter dahil dumating ang tatlo kong kaibigan na si Jessica, Marriane, at Josh.

THE  UNKNOWN  MYSTERIOUS GUY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon