Chapter 4ZHIANNA AMORE MILESTONE POV;
I woke up na sobrang sakit ng aking ulo, dahan-dahan akong bumangon pero napatigil ako ng naalala ang nangyaring kasiyahan kanina na nauwi sa gulo.
Tumingin ako sa paligid at napagtantong hindi ito ang kwarto ko o Boarding House ko.
Parang familiar ito saakin, parang pakiramdam ko nakapunta na ako dito pero hindi ko alam kung kailan at paano.
Itim na kwarto at may pulang ilaw ang nag bigay liwanag sa buong silid. Nakakasakit sa Mata lalo na't hindi ako sanay sa madilim na may pinaghalong kulay pulang ilaw.
May malaking salamin sa Harap ko kaya nakita ko ang sarili ko na nakasuot na itim na damit, ano na naman to? Sa pagkakaalam ko hindi itim na dress ang suot ko!
Bumangon ako para tingnan ang likod ko kung may Marka ba pero wala akong nakita, wala ring katao- tao dito at tanging mga yapak ko lang ang maririnig.
I need to find a way para makatakas dito, kinidnap kaya ako? Ngunit sino?
Hinanap ko kung saan ang pinto ngunit wala akong makita, gustuhin kong umiyak pero walang luha ang lalabas sa mga mata ko.
May nakita akong guhit Kahon kaya agad akong nagtungo, kinapa kapa ko kung paano ito buksan hanggang sa nabuksan ko ngunit, parang tatalon ang kaluluwa ko sa takot at kaba ng makitang napakataas ng tanawin.
Paano ako nakapunta dito?
Nasa tuktok ako ng bahay!
Anong klaseng bahay to? Haunted Mansion?
At madilim ang paligid. Sobrang dilim, siguro gabi pa.Kinidnap ba ako ng Aswang?
O
'di Kaya'y manananggal?
Bumalik ako sa kama ng may narinig akong yapak ng mga paa papunta sa kinaroroonan ko, nagpanggap akong tulog ngunit napamulat ako ng mata ng may naramdaman akong bagay na dumapo sa Labi ko.
Gusto ko siyang sampalin ngunit parang hindi ko magawa.
Kita ko ang gulat na dumaan sa kanyang mga mata ngunit napulihan yun ng hindi ko mabasang emosyon sa kanyang mukha. pero mas lalo pa akong nagulat, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.
Hindi...
Hindi ito maari!
Bakit?
Nag flashback saakin lahat ng nangyari saakin nung gabing nasa eskinita ako at nagising akong nasa Hospital na.
Naalala ko, naaalala ko na lahat.
Nang-init ang sulok ng aking mga mata at kusa kong ikinuyom ang aking mga kamao.
" You! " Bigkas ko kasabay ng malakas na paghampas ko sa kanyang dib-dib.
" You raped me! " Malakas kong sabi habang umiiyak, paulit-ulit kong hinampas ang kanyang dibdib ngunit wala man lang siyang reaksyon.
Hinayaan nya akong hampasin siya at kahit isa ay hindi ko narinig ang reklamo nya.
" You raped me " paulit ulit kong sambit. " Kinidnap mo ako! " I shout at him at nagtangkang lumabas dahil nakita ko ang Pintuang nakabukas.
Ngunit sa isang iglap lang nasa harapan ko na siya, napaatras ako ng dahan dahan. Bilis ng tibok ng puso ang tangi kong naririnig.
Paano nangyari yun?